CHAPTER FOURTY ONE
Wala akong ibang ginawa kagabi kundi umiyak. Nakalimutan ko na ring kumain dahil sa sobrang dami ng nasa isip ko. Masyado akong lutang at ngayon hindi ko alam kung papasok ba ako sa school o hindi.Nakahiga parin kasi ako sa aking kama at nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko din alam kung anong oras na. Nawawalan ako ng ganang bumangon at mag-asikaso.
Nang malaman kong ngayon na ang flight ni Kenrick paalis ng bansa, parang may kung ano sa sistema ko na kausapin siya at sabihing 'wag ng umalis. Pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yon dahil masasayang ang plano ng kaniyang magulang para sakaniya.
Babangon na sana ako sa aking kama ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha sa table at sinagot ang tawag kahit hindi ko alam kung sinong caller.
"Katrine!" Napangiwi ako sa biglang pag-sigaw ng kung sino sa kabila ng linya. Fuck. Muntik na akong mabingi doon.
"Hoy ano ba! Gusto mo ba akong mabingi, ha?" Singhal ko.
"Sorry hahahahaha!"
Loko loko ampota. Sakit sa tenga ng tawa niya. Ang aga aga binubwisit ako.
"Ano bang kailangan mo, ha?"
"Wala ka bang alam?"
Ilang sandali akong natahimik bago tumikhim, "Ng ano?"
Narinig ko ang singhap niya sa kabilang linya bago nagsalita.
"Aalis si Kenrick ng bansa! Hindi mo ba siya pipigilan?"
Natahimik ako sa sinabi ni Evan. Hindi nga pala niya alam na break na kami ni Kenrick.
"Hindi." Sagot ko nalang.
"What? Bakit hindi mo siya pipigilan? Gusto mo ba siyang umalis?"
Bumuntong hininga nalang ako, "Wala na kami ni Kenrick, Evan."
Dahil sa sinabi kong 'yon, siya naman ang natigilan. Mapakla nalang akong napangisi at bumuntong hininga ulit.
"Sige na, ibababa ko na 'to." Mabilis kong sabi at pinatay ang linya. Nagpagulong gulong muna ako sa aking kama at napadaing ako ng bigla akong mahulog sa sahig. Ang sakit sa pwet!
"Aray!" Daing ko at napahawak sa aking likod. "Ang malas ko talaga!"
Nakangiwi akong tumayo at lumabas ng kwarto. Napangiwi na naman ako ng makatanggap ako ng pagbatok mula kay Mama.
"Ikaw na bata ka, papatayin mo ba ang sarili mo ha? Hindi ka kumain kagabi tapos ngayon tanghali kana gumising! Hindi ka pa nag-aalmusal. Ano bang gusto mong mangyari sa sarili mo?" Sermon sakin ni Mama. Napayuko nalang ako at napangiwi habang kapa-kapa ang ulo ko. Ang sakit talaga ni Mama mang-batok.
"Sorry na, Ma. Ito na nga eh, kakain na ko." Sabi ko at niyakap si Mama. Nakita kong napairap lang si Mama dahil sa ginawa ko. Hindi ko mapigilang matawa at niyakap pa ng mahigpit si Mama.
"Oh sige na, lumayo kana sakin! Nakahanda na doon 'yung pagkain mo!"
Napanguso ako, "Opo. Si Papa po nasaan?"
"Nasaan pa ba? Edi nasa trabaho." Sagot ni Mama at dumiretso na ng sala. Napatango tango nalang ako sa sinabi ni Mama.
"Ma..." Pagtawag ko ulit kay Mama. Napatingin siya sakin at inantay ang sasabihin ko. "Late na late na po ako. Hindi muna ako papasok ngayon."
"Ano? Pumasok ka!" Sigaw ni Mama at akma na namang lalapitan ako.
"Oo na, Ma! Papasok na nga eh!" Sabi ko nalang at napakamot sa ulo. Tsk. Sobrang late na nga ko tas papapasukin pa. Papagalitan lang ako ng adviser ko.
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Teen FictionSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...