" There's no such thing as brotherhood in love but there is sacrifice that can be consider a heroic deed."
" Besh. Si. Si. CK ba yun?" tanong ko kay Sophia na daig pa ang napulos na kandila. Naistatwa na yata to. Basta nakatingin siya dun sa bulto ng inaakala kong si CK. Tumalikod kasi agad. Kaya akala ko namamalikmata lang ako.
" Uhm. Besh tara na.?" sabi ko ulit. This time hinawakan ko na siya sa braso. Tila naman nagitla siya dahil sa ginawa kong iyon. Humarap siya sakin. Tapos bigla siyang yumuko. Hindi ko napansin na nahulog pala niya yung teddy bear na nakuha ko out of the tickets.
" Mabuti pa nga." she said in a cold voice. Ano ba talagang meron. Kanina akala ko si CK yung lalaki na nakatingin ng masama. Tas ngayon si Sophia naging cold sakin. Weird.
" Besh. May problema ka ba?" hindi ko napigilang hindi itanong. Nakakapanibago kasi yung kinikilos niya.
" Wala naman Besh. Its just that medyo nakaramdam ako ng pagsakit ng tiyan. Maybe gutom lang." sabi niya. Ay oo nga pala. Mag-aalas cuatro na rin kasi ng hapon. Baka nalipasan lang ng gutom tong si Besh. Nalimutan ko. Palibhasa kasi nung nagkita kami kumain na ko ng heavy meal. Sa restaurant na katapat nung rink na pinapanooran ko kanina. Tsk. Tsk.
Kaya naman dinala ko siya sa fastfood chain sa 2nd floor ng mall. Mahaba kasi ang pila sa mga kilalang fastfood kaya hindi ako nangahas. Baka mahimatay pa sagutom itong si besh. Ako ang malalagot nito kayla kuya pag nagkataon.
Pumila agad ako sa counter ng isa sa mga fastfood at umorder ng makakain namin ni Besh. Laking pasasalamat ko na lang na kakaunti lang ang napila. Kaya nakaorder ako agad at binalikan ko si Besh na kanina pa pala nakahanap ng mauupuan namin. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya napansin na papalapit ako sa kanya. Mukhang may kinakalikot siya. Baka nagtext na sina Kuya.
Nilapag ko naman agad yung mga inorder ko. Tas si Sophia inupakan na rin yung pagkain. Mukhang napasubok si Besh sa gyera ah. Basta tuloy tuloy lang siyang sumubo ng pagkain. Baka mabulunan na naman siya. Haizt.
" Besh. Hinay hinay lang. Baka mabulunan ka." paalala ko sa kanya. Good thing nakinig siya. Binagalan niya ang pagsubo. Pero hindi pa rin siya natingin sakin. Ano ba talagang meron? May problema ba? Ang weird naman ni Besh. So as yung lalaki na inakala kong si CK.
Hindi ko na lang pinansin ang kung anong pumapasok sa utak ko. Baka kasi mamaya gutom lang talaga si Besh. Nagkataon lang na nabadtrip siya. Kaya ganito ang kinikilos niya. I know her. At alam kong nagiging uneasy lang ang kilos niya unless may iniisip siya. Kaya kumain na lang rin ako. Binilisan ko na lang kasi pansin ko na halos nangangalahati na si Sophia sa pagkain niya.
Pagkatapos naming kumain. Inihatid ko na siya sa bahay nila.
" Besh. Thanks for the ride ah. And thanks for accompanying me." sabi niya. Pagkatapos nun she leaned closer to me and gave me a kiss in the cheeks. Masanay na kayo please. Ganto kami eh. Pagkatapos nun. Lalabas na sana siya sa sasakyan ng hinawakan ko yung braso niya at tsaka hinarap siya sakin.
" Besh. Yung pinamili mo hindi mo kukunin?" tanong ko sa kanya. Napansin ko naman na napakamot siya sa ulo niya. Tsk. Ito talagang babaeng to. May sa kalimot rin eh.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream
RandomPaano mo maiibibigay ang kasiyahan ng taong nagpasaya sa iyo nung mga oras ng iyong kalungkutan? Paano mo mababalik ang pag-ibig gayong naramdaman mo na kung gaano rin ito kasakit? At paano ka makakatanggap ng pagibig kung hanggang ngayon nagmamaru...