" Sometimes angelic girl can turn to be a mean girl too. Like an angel with a halo that can eventually be turned into devilish horns because of temptation."
" Sophia. Pumunta ka sa hideout ko around 3 in the afternoon. I'll have some things to discuss with you. Never be late. Because your presence is badly needed." Aba. Parang may utusan lang si aso ah. As in wow. Para naman kasing ang lapit ng building naman sa mga nagtetake ng Law like them?Astig lang. Para talagang haring kumilos tong isang ito.
" What if I don't??" balik kong tanong sa kanya. Aba. Ano siya sineswerte?Wala na kayang libre sa Pilipinas. Natatandaan ko pa nga na sabi ni Ji Hoo na may isang bagay daw na hindi nabibili ng pera. E anong tawag dun sa oxygen?Di ba binabayaran ang oxygen? So definitely wala na talagang libre.
" Then I'll just let your conscience bother you. As easy as that."
Argh. Bwisit. Bakit ko nga ba nalimutang isa nga palang kampon ni Jimmy Neutron to. Tsk. Daming alam. Kaya ayun ang laki ng ulo. Hambog pa. Di ko na lang siya nireplyan dahil sa inis. Nakakapikon e. At alam kong kapag pumatol ako. Di parang inamin kong mas lokoloko pa ko sa isang ito.
End of Flashback..
" Ok class. As I was saying. Magkakaroon nga ng taunang intramurals ang school na to. At siguro namang dumaan na kayo ng elementary and highschool days. So alam niyo na rin na kapag intramurals. May Search for Mr. And Miss Intrams." anunsyo ni Mrs.Padilla sa klase namin.
" Ay. Boring."
" Yes. Makatambay na lang sa computer shop ng panahong yan."
" Psh. Lagi na lang. Nakakasawa na." sabi nung mga kablockmate ko. Mukhang naboboringan na. Kung sabagay nakakatamad lang rin naman kasi minsan. Wala namang gagawin. Sayang oras lang kumbaga. Pero sa kanila lang yun. Sa akin kasi pag intrams na. Ito na ang isa sa mga Memorable day na hindi dapat pinapalampas.
Bakit? Sabihin na lang natin kasi na may laro si Kristoff. I mean si Besh Tofee. Kung hindi ko pa kasi nasasabi bukod sa pagiging Law student ay kasali rin siya sa swimming competition. And being Tofee. He is one of the best player ng MCL University. Actually dalawa silang pambato pero ayoko ng banggitin ang pangalan ni CK. Kasi baka yumabang lang siya.
" Do you understand Miss.Dee?" ha? Napatingin naman ako kay Mrs.Padilla
na kanina pa pala ako kinakausap. Dahil na rin sa gulat at takot ay tumango na lang ako. Ang iba ko namang mga kaklaseng lalaki sumipol pa. At ang iba namang babae nakahinga na akala mo pinigilang huminga talaga kanina. Ano ba kasi talagang meron?
" Good. Since you agree to be the candidate of this BS Com Arts guild then you will be going on my faculty after your recess. Wala rin naman kasi si Mr.Bermudez na last subject niyo kasi unfortunately. May inaayos siya sa bahay. Este. May ginagawa daw siya sa bahay nila." sabi ulit ni Mrs.Padilla na medyo namumula na yung cheeks. Ang cute niya talaga. Wag kayo kahit kasi chubby yan si Maam. Kasing chubby rin naman niya ang brain niya. Ang galing kaya niyang magturo especially sa mga pagdedesign. Mantakin niyo out of coffee nakapagpaint siya ng obra. Its a portrait of a boy crying while holding a girls wrist while the other hand of it is being hold by a priest. Tinanong nga namin siya kung paano niya naisip yung ganoong concept. Ang galing kasi. And being an artist alam ko may dahilan dun. Maybe hindi lang niya masabi.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream
RandomPaano mo maiibibigay ang kasiyahan ng taong nagpasaya sa iyo nung mga oras ng iyong kalungkutan? Paano mo mababalik ang pag-ibig gayong naramdaman mo na kung gaano rin ito kasakit? At paano ka makakatanggap ng pagibig kung hanggang ngayon nagmamaru...