" Efforts wasted, Heads aching, Body's feeling numb and Hearts broken. That's what I feel right now."
" CK and Sophia picture muna kayo before the competition start." sabi samin ni Ma'am Charlie. Agad ko namang pinaunlakan iyon bago nilapitan si Fluppy at inakbayan siya. Naramdaman ko namang napapitlag siya nung dumapo ang braso ko sa balikat niya. Tsk. Nandidiri ba siya sakin? Shit!
" Let's take another one. CK snaked your hand on her waist, while ikaw Sophia ang umakbay sa kanya." utos pa niya. Tsk. What's with the sweet pose? Wala naman na kong nagawa kaya ngumiti na lang ako sa harap ng lens ng camera. Afterall I don't want to spill this moment.
" O. Embraced yourselves na a. The competitions already starting. Soon enough tatawagin na rin kayo palabas ng stage." sabi pa niya. Naramdaman ko namang biglang nanlamig ang katawan ni Fluppy. Is she nervous? Kunsabagay first time niyang sumali sa mga competition. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya. And my instinct's right kinakabahan nga siya. Kaya naman to lessen the tense she's feeling hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon. Nakita ko namang napatingin siya sa mukha ko kaya't kinindatan ko na lang siya.
" Relax Fluppy. Wag kang kabahan dyan. I'm just a millimeter away from you." I assured her. Narinig ko naman ang mahina niyang pagbuntong hininga. Hays. Saan ba kasi siya hindi komportable? Sa paglabas namin sa stage? Sa pagrampa niya? O baka naman sakin? Psh. Sa isiping yun tila naman nabanas ako kaya't hindi sinasadyang binitawan ko ang kamay niya. Kakamutin ko sana yung batok ko as sign ng inis. Kaso hinabol lang niya yung kamay ko bago hinawakan. Nagulat man hindi ko na rin pinahalata sa kanya. Sa halip tiningnan ko lang siya.
" Problema mo?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sakin. " Tss. If I know tsumatsansing ka lang e." biro ko sa kanya. Miya-miya nakaramdam naman ako ng isang malupit na kurot sa tagiliran ko. At shit lang kasi ang sakit nun. Tiningnan ko naman siya ng masama.
" Shit. Bakit mo ko kinurot?" tanong ko sa kanya. Habang hinihimas yung parte ng tagiliran kong kinurot niya. Napaka- Amazona talaga ng babaeng to.Hindi naman na niya ko kinibo pagkatapos nun. Sa halip nanatili lang siyang nakahawak sa kamay ko.
" Ready na Guys? Start na ng rampahan?" tanong samin ng baklang coordinator ng event. Nagtanguan naman kami at tsaka nagkanya kanyang ayos na ng sarili.
" Ok guys. In a count of three. Lalabas na kayo ng stage." anunsyo pa nito.
" One." bilang niya. Naramdaman ko namang tila pinagpawisan ang kamay ni Fluppy. Kaya naman kinuha ko ang kamay niya at pinahid ko yun sa gilid ng pantalon na suot ko. Yeah! Introduction pa lang naman kaya nakawhite tshirt at maong pants lang kami.
" Two." Kung kanina namamasa lang ang kamay niya ngayon naman nanginginig na to kaya't pinipisil pisil ko na lang iyon. Tae. Ganto ba talaga siya katakot humarap sa madla?
" Three." Shoot. At dahil nga nakabilang na siya ng one to three ay lumabas na nga kami sa entablado.
Pagkalabas rinig na rinig namin ang hindi magkamayaw na sigawan at tilian ng mga estudyante. Lalo na nung muntik nang matapilok si Fluppy. Good thing nasambot ko agad siya. Kaso lalo lang naging wild ang tao dun ng mapansin nilang nakahawak ako sa bewang nito. Agad ko namang binitawan iyon para makalakad na kami sa bawat gilid. Nang malapit na naman kami sa gitna ay agad akong lumapit kay Fluppy. I lifted her up and swirl her like a ballerina. Then after that I put her infront of me while hugging and holding her right hand and tracing her face smoothly with the other hand.
Tila naman napaso ako sa sarili kong ginawa. I don't know pero biglang kumalam yung sikmura ko. Tae. Kumain naman ako a. Bakit ganto? Binalewala ko naman ang isiping iyon at tumingin na lang sa madla. Ngayon ay nakaakbay na ko kay Fluppy habang hawak nito ang mic.
" Good Morning MCL-ians!" she greeted, " I'm Sophia Estephany Dee, A junior student of AB Communication!" pagpapakilala niya. Ang taas lang ng energy Fluppy a. Pagkatapos niyang magpakilala ay inabot naman niya sakin ang mic.
Nakakatuwa lang kasi kahit hawak ko pa lang yung mic ay nagsitilian na ang mga kababaihan. Hays! Pogi Problem talaga.
" Chill Guys! Pabayaan niyo namang magpakilala si Mr. Macanto." paalala ng MC namin. Tila naman hindi napigilan ang mga ito at lalo lang nagsigawan. Aish! Kaya naman I raised my hand to signal them to please quiet.
" Wazzup Guys! Christian Kurt Macanto, Senior AB Political Science student." sabi ko and with that the crowd gets wilder. Kinindatan ko naman na lang sila before I turned my back and held Fluppy at her waist. Narinig ko namang nagkanya kanya na silang cheer at may mga sumigaw pa ngang 'SOPHIAN Is the best!' . Tss. Akalain niyong may loveteam na kami ni Sophia? Tsk.
Pagkabalik na pagkabalik sa backstage agad naman na kaming nagpalit ni Fluppy para sa talent portion. Kanya kanya kaming diretso sa cottage na kwartong nakalaan samin. Yeah! Ito na talaga yun. Shit! After wearing my blue trunk agad naman akong nagsuot ng robe bago lumabas sa banyo. Mahirap na malamig pa naman sa loob ng kwartong to. Inayusan naman na rin ako ng mga stylist. Pagkatapos nun nagpasya naman na kong lumabas sa kwarto ko at manggulo kay Fluppy kaso pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nakita ko na agad na nakayakap si Kris dito. Ewan ko ba pero may kung ano atang sumanib sakin kaya naman naitulak ko ng malakas ang pintuan ng kwarto ko. Napatingin naman sakin ang mga stylist. Marahil na rin siguro sa takot ay nagsibalikan na ulit sa kanya kanyang ginagawa ang mga ito.
Diretso naman akong umupo sa may couch bago iniscan ang cellphone ko.
Three messages received.
Kani kanino naman kaya to? Binuksan ko naman agad ang inbox ko at tsaka tiningnan ang mga text messages na lahat naman ay galing sa unregistered number.
From: 09xxxxxxxx
Goodluck Babe! Win that fight for me.
Tae. Kailan pa ko nagkaroon ng girlfriend?
From: 09xxxxxxxxx
Promise to give you a steamy night once you've came back Babe.
Fvck! Ano bang meron sa mga babaeng to? Parang walang mga delikadesa. Tsk. Dahil sa pagkainis. Hindi ko na sana babasahin yung last message kaso nung nakita ko ang word na Sophia ay bigla ko na lang napindot yun. Kaya naman nagpop out rin yung message.
From: 09xxxxxxxx
Goodluck sa inyo ni Sophia, CK! Always remember that whether you win or lost the game we're just here to back you. Always take care of yourself huh. I love you ;*
BINABASA MO ANG
Yesterday's Dream
DiversosPaano mo maiibibigay ang kasiyahan ng taong nagpasaya sa iyo nung mga oras ng iyong kalungkutan? Paano mo mababalik ang pag-ibig gayong naramdaman mo na kung gaano rin ito kasakit? At paano ka makakatanggap ng pagibig kung hanggang ngayon nagmamaru...