Strike Fifteen

103 19 2
                                    

" And when I choose your happiness towards mine. The only feeling that was left with me is loneliness."



" And its a wrap for today guys! Bukas ulit a." paalala samin ni Sir Bermudez.


Inayos ko naman agad ang sarili ko at tsaka nagtuloy na papalakad sa banyo para magpalit tutal naman walang pasok for a week dahil nga sa mga training ng bawat department. At halos lahat ay busy sa darating na Intrams.


Papasok na sana ako sa isa sa mga cubicle ng biglang may humarang na kamay sa harapan ko. Tiningnan ko naman ito ng masama. Pero sadyang pinadala ata ito para bwisitin ako kasi kinindatan niya lamang ako at tsaka dali daling pumasok sa banyo na dapat ay papasukan ko. Huli na ng marealize ko na naisahan na naman ako nito.


" Argh! Bwisit ka talaga CK!" sigaw ko sa kanya mula sa labas ng banyo. Narinig ko naman na tinawanan niya lamang ako. Kasi naman e. Gustong gusto ko na talagang makalabas sa gymnasium para naman makagala ako at mapuntahan ko na si Besh. Balita ko pa man din na pumasok na rin kasi siya ngayon e.


Kaya binalak kong puntahan siya. Para makapagtanong at isabay siya sa lunch ngayon. Tsaka para naman magkaroon ako ng good vibes.


Dahil sa pagiisip hindi ko namalayang nakabukas na pala ang pinto ng banyo at kanina pa ako tinititigan ni Tiandog. Nakapangalumbaba pa ito. At tila sinusuri ako.


" Tsk! Sabi na nga bang may pagnanasa ka sakin e." sabi niya habang natatawa tawa. Inirapan ko naman siya dahil dun na lalo niyang kinatawa. Tsk! Kung hindi lang talaga siya ang partner ko dito sa Intrams baka tuluyang binangasan ko na ang mukha niyan e.


" Leche! Umalis ka na nga diyan para makapagbihis ako!" sigaw ko pabalik sa kanya sabay hawak ng kamay niya at hila papalabas ng banyo rito para ako naman ang makapasok. Pagkalabas naman niya ay agad kong isinarado ang pinto at isinampay ang damit ko sa shower rock. Narinig ko namang tumawa siya. Pero hindi ko na lang pinansin dahil alam kong napa praning lang yun sa buhay niya.


Naligo ako ng mabilisan at nagtutuyo na ako ng katawan ng kunin ko ang damit ko na sinabit ko kanina sa shower rack. Magbibihis na sana ako ng mapansin kong nawawala ang bra ko. Potek! Hawak hawak ko naman kanina iyon a. Not until nung hinila ko si Tiandog palabas. Te- ka hindi kaya.? No! No! Hindi naman siguro. Tsk. Makakuha na nga lang ng panibago tutal naman may extra ako palagi sa bag pack.


Pagkatapos na pagkatapos ay nagtooth brush agad ako at nagsuklay ng buhok. Iintayin ko na lang matuyo bago ako magipit para mamaya. Pagkatapos na pagkatapos ay itinupi ko ang basa kong damit bago ko inalagay sa plastic at pinasok sa loob ng plastic bag na dala ko. Bago tuluyang lumabas sa banyo.


Laking gulat ko dahil sa paglabas ko ay naabutan kong nakasandal si CK sa gilid nitong banyo. Habang nakapamulsa at nakikinig sa music. Tila naman nakaramdam siya ng nakatingin sa kanya. Kaya dali dali niya akong hinarap at kinindatan. Sabay patiuna na sa paglalakad.


Hindi ko na sana siya susundan kaso.


" Size 32. Cup Pft!" bulong niya. Ha? Parang familiar yung size na yun a. Tsaka paanong magkakaroon ng cup yun? E diba ang cup ay measurement ng. Takte hindi kaya.

Yesterday's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon