Jinhee's POV
Nagising ako ng maaga ngayon kahit weekend na kasi nag-aaya ng lakwatsa si Minsoo.
Ginawa ko ang morning routines ko at nagbihis ng black na croptop na hoodie at ripped jeans tsaka highcut shoes.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Minsoo at tsaka si... what the? Jungkook?! Anong ginagawa niya dito?!
"Oh andyan na pala si Jinhee" ani Minsoo
Napatingin naman sa akin si Jungkook sabay ngiti. Lumapit sa akin si Minsoo with her evil smile. Sabi ko na nga ba alam niya na eh...
"Ikaw ah. 'Di ka nagsasabi na may manliligaw ka na pala" she said.
Umirap na lang ako sabay punta sa kusina para uminom ng tubig.
"Hey Jinhee-ah" nabulunan naman ako dahil sa gulat.
"Huy ok ka lang?" Ani Jungkook sabay lapit sa akin
"Oo ok lang. Ikaw naman kasi! Bigla bigla nagsasalita!" I exclaimed then playfully hit his arm
"Tss. Nga pala, pumunta ako dito para sana isama ka. Kasama din naman si Minsoo. Punta daw tayo sa park. Alam mo na kunting kasiyahan" aniya
"Oh ok... Basta kasama si Minsoo game ako diyan" sagot ko pagkatapos kong inumin ang tubig ko.
Tumango siya tsaka niya nilahad ang kamay niya sa harap ko.
"Let's go?" Aniya
Tumango ako at kinuha ang kamay niya. Sabay kaming lumabas ng kusina papunta sa living room andoon na rin sina Taehyung at si Jin yata sa pagkakaalam ko.
Nakita ko si Taehyung na tumingin sa magkahawak na kamay namin ni Jungkook pero agad ding nag-iwas ng tingin.
"Ano guys? Tara na! Kanina pa nag-aantay sina Jimin doon" ani Jin
Tumango kaming lahat bago kami tuluyang lumabas ng dorm.
"Teka paano mo nga pala nalaman kung saan ako or kami nakatira?" Bigla kongvtanong kay Jungkook
"Uh. Tinanong ko kay Taehyung-hyung" aniya habang nakangiti.
Tumango na lang ako tsaka nagsimulang lumakad ulit. Habang naglalakad pababa ay tanaw ko na yung iba pang lalaki sa baba.
"Ang tagal niyo naman!" Singhal ng maliit na sa sobrang puti ay daig pa si Snow White
"Sisihin niyo yung dalawa diyan" walang ganang sagot ni Taehyung.
Tumingin naman siya sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin.
Kasalukuyan kami ngayon nagaantay ng bus na sasakyan namin para kasya kami. Buti na lang ay may dumating agad.
Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay namin ni Jungkook at bigla naman siya sa akin tumingin.
"Bakit?" Tanong niya.
"Uhh. Hindi kasi ako komportable eh" sagot ko.
Totoo naman. Hindi ako komportable na may nakahawak sa kamay ko. Siguro dahil wala pa halos nakakahawak.
Agad kaming pumasok sa bus at pumwesto sa dulong dulo. Parang ganito ang pagkakasunod sunod namin.
Minsoo | Taehyung | Ako | Jungkook | Jin | Jimin
Yoongi | Hoseok NamjoonGitna ako nina Taehyung at Jungkook kaya naman hindi na naman ako komportable lalo na hindi ako sanay na hindi ako kinakausap or kinukulit ni Taehyung
BINABASA MO ANG
My First Love •~Taehyung FF~• ||COMPLETED||
Fanfiction"I want you to be mine" Taehyung's Fanfiction... There will be some wrong spellings so intindihin niyo na lang... haha