Chapter 12

16 0 0
                                    

Jinhee's POV

Pagkagising ko ay tulog pa rin si Minsoo kaya naman napagpasyahan kong magluto muna ng hangover soup para sa kanya.

Nang maihanda ko na ang hangover soup niya ay inilagay ko na iyon sa mesa at kasabay noon ang pagbangon niya habang hawak hawak ang kanyang ulo.

"Gising ka na pala... heto, ipinagluto kita ng hangover soup" kalmado kong sabi sa kanya

Tumango lang siya at umupo sa may table.

"Thanks" aniya pero medyo cold pa rin siya.

Napakagat na lang ako sa labi ko. Kasalanan ko 'to eh.

"Mauna na ako" sabi ko...

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na... Alam kong maaga pa pero bibili kasi ako ng gagamitin ko para sa pupuntahan namin ni Taehyung mamaya.

Teka! Hindi ko naman kailangan magpaganda at magpabonggahan pa ng damit ah!

Ah basta... eto na nga nakalabas na eh.

Pagkalabas ko ay may nakita agad akong pamilyar na pigura sa may gate.

"Kuya?" Medyo tawag ko.

Lumingon naman siya

"Kuya!" Sigaw ko sabay takbo para yakapin siya.

"Oy, oy, oy. Hindi ka na bata! Mabigat ka" saway niya

Kumalas naman ako at nagpakawala ng sobra sobrang laking ngiti.

Nakita ko sa perpheral vision ko ang isa pang pamilyar na pigura. Pagkalingon ko ay nandoon si Taehyung.

"Oh... Taehyung!" Tawag ko.

Masyado kasi akong nasa good mood kaya hindi ko siya sinungitan...

"Sino iyan? Boyfriend mo? Pakilala mo naman" bulong ni Kuya sa akin

"Oy! Hindi ah!" Sagot ko sabay palo sa braso

Pumunta sa direksiyon namin si Taehyung. Yung aura niya ngayon parang ewan. Parang.... ewan talaga eh

"Pakilala mo naman ako" ani Taehyung sa'kin pero diretso pa rin ang tingin niya kay kuya tapos medyo naka-death glare pa

"Uhh..." tanging sambit ko

"Girlfriend mo? Mag-jowa kayo? Ilang taon ka na boy? Ano pangalan mo? Kaya mo ba buhayin kapatid ko? Anong course kinukuha mo? Mabai--" i cut him off

"Kuya! Ano ba 'yang pinagtatanong mo?!" Saway ko at pinalo ko na naman siya sa braso

"K-kuya mo?" Tanong bigla ni Taehyung

"Uhh... yes?" Nagaalangan kong sagot

"Ah. Hi po. Kim Taehyung po ang pangalan ko, 19 years old. Tsaka... opo, kaya kong buhayin ang kapatid niyo" ani Taehyung habang nakatingin sa akin at nakangisi

"So kayo nga?" Tanong ni Kuya

"HINDI NGA SABI!" sigaw ko

"Ah okay. Kim Jiwon, 24. Kuya ni Jinhee" ani Kuya sabay lahad ng kamay.

Kinuha naman iyon ng ugok

"Nice meeting you po" ani Taehyung

"Ang bait nito. Galing mo pumili kapatid. Kailan mo papakilala kay mama at papa? Bagay na bagay kayo ni Jinhee" panguusisa pa ni Kuya.

Napataas na lang ako ng kilay habang nakapako sa kinalalagyan ko

"Ahh... Opo. Alam ko po iyon" sagot ni Taehyung

My First Love •~Taehyung FF~• ||COMPLETED||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon