Chapter 10

10 0 0
                                    

Jinhee's POV

Pagkatapos ng breaktime ay napaisip ako kung pupunta ba ako sa sinabi niyang lugar sa akin.

Sa totoo lang wala talaga kaming lakad ni Jungkook. Gusto ko lang talaga siyang asarin... kung maasar?

Papunta na sana ako sa susunod kong klase nang may makasalubong akong kaklase ko sa subject na iyon

"Bakit naglalakad ka pa dito? Di'ba may klase pa tayo?" Tanong ko sa kanya

Ngumiti siya at nagsalita "Wala daw si Sir ngayon. Ibig sabihin wala ding klase. Sige, una na ako ah"

Tumango na lang ako at saka nagsinulang maglakad ulit. Saan naman ako pupunta ngayon?

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumunimuni ko ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Agad ko iyon kinuha at tinignan kung sino man ang nagtext sa akin.

Pumunta ka na sa
storage room. At 'wag
ka na ring magdahilan
ng kung ano kasi alam
kong wala yung teacher
mo sa klase mo dapat mgayon
-Weirdo

Bwisit!

Naglakad ako papunta sa 3rd floor kung saan nandoon ang storage room. Kaunti lang ang pumupunta dito since madaming kumakalat na may mga kaluluwa daw na ligaw dito

Inaamin ko na takot din ako pero nilakasan ko ang loob ko makarating lang agad sa storage room

Nang nasa pangalawang pinto na ako mula sa dulo which is the abandoned music room.

Medyo napatingin ako roon pero agad din akong nagiwas at nagtatakbo papubta sa storage room

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay may narinig akong kaluskos at kung ano ano pang tunog. Yung tunog na parang nagdo-drawing?

Hindi na ako kumatok pa at agad akong pumasok sa loob.

Nakita ko si Taehyung na nakasalampak sa papatong patong na mga papel habang nasa binti niya naman ay may nakapatong na parang sketch book at may hawak na lapis.

Nang narinig niya ang tunog ng pinto ay agad niya namang tinago yung sketch pad na iyon.

Pumasok ako sa loob at sinara yung pinto.

"Lock mo" aniya.

Bakit kailangan pa i-lock?!

Nag- 'tss' na lang ako bago ko tuluyang i-lock ang pinto at agad din naman akong umupo sa gilid.

"'Di pa rin kayo nag-uusap ni Minsoo?" Tanong niya.

"Hindi. Kahit nga ang tignan ako, hindi niya magawa eh." Sagot ko

"Tss. Kala naman ni Minsoo masyadong malaking problema para hindi tignan si Jinhee" bulong niya pa pero narinig ko pa rin

Hindi ko na lang iyon pinansin at sa halip ay nagkalikot ako ng mga papel.

"Huwag mo nga 'yang galawin. Bawal mo makita iyan" aniya

"Edi 'wag" sagot ko

Namumuo ang makapal na yelo sa sobrang tahimik namin ngayon. Pero agad niya din iyong binasag.

"Jinhee..." panimula niya

"Hmm?" Tugon ko

"Ganoon ba ka-big deal ang mga sinabi ko tungkol kay Minsoo para sampalin mo ako at hindi pansinin ng isang linggo?" Tanong niya na ikinabigla ko

"Uhh. Ehem. Syempre. Kaibigan ko siya eh alangan naman hindi ako masaktan sa mga sinasabi mo sa kanya di'ba?" Sagot ko

Bakit feeling ko nasa question and answer portion kami ngayon?

"Wow naman. Hindi ko alam na isang hamak na binibining Jinhee ay isang anghel na nasa harap ko" biro niya

Bahagay akong napatawa at nalangiti naman siya

"Ako pa ba ginoong Taehyung?" Pagsakay ko sa trip niya.

Napatawa din siya at kasunod noon ay ang pagtayo niya.

Nakangiti pa rin siyang pumupunta sa direksiyon ko

"Kung ganoon binibining Jinhee. Maari bang imbitahan kita sa aking tahanan bukas ng gabi para sa kaunting pagsasalo-salo?" Bigla niyang tanong sa kin sabay lahad ng kamay niya.

"Uhh" sabi ko habang nakatingin sa kamay niya.

Bahagya akong ngumiti at sinagot ang tanong niya.

"Oo ginoong Taehyung. Maaring maari" sagot ko sabay hawak sa kamay niya






My First Love •~Taehyung FF~• ||COMPLETED||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon