Chapter 19

7 0 0
                                    

Jinhee's POV

Maganda ang gising ko ngayon pero hindi ko alam kung bakit. Parang may nase-sense ang katawan ko na may magandang mangyayari ngayon.

Pero again, hindi ko alam kung ano yun

Oo nga pala, pagkatapos mag-usap nina Minsoo at Taehyung ay parang iniiwasan na naman ako ni Minsoo. Para ding mugto ang mata niya na parang umiyak nang matagal.

Maaga daw pumasok si Minsoo ngayon sabi ni Sehun. Great stalker.

Malakas tama nun kay Minsoo eh. Simula nang ipakilala ko siya kay Minsoo, hindi niya na tinigilan.

Beep, beep

Wag ka, busina ng kotse 'yan...

Pero sino naman ang bubusina ng kots--

Must be Sehun.

Lumabas ako ng apartment sa pag-aakalang si Sehun iyon pero si Taehyung ang nadatnan ko sa loob ng kotse niya

"Sinusundo mo ba si Minsoo? Sorry, nauna na siya. Maaga daw pumasok sabi ni Sehun" giit ko

Oo nga pala, nag break na din kami ni Sehun kahapon. Paninindigan niya na daw si Minsoo. Lakas ng tama... may boyfriend pa nga yung tao eh.

At iyong ideyang iyon ay ang nagpa-inis na naman sa akin.

Ina-admit ko na... matagal na. Noong maga-apat na araw na may kami ni Sehun in-admit ko na.

Gusto ko si Taehyung... pero hindi lang gusto.

Mahal ko na siya.

"Alam ko na maaga siyang pumasok. Ikaw ang sinusundo ko" sagot ni Taehyung na biglang nagpatibok ng mabilis sa puso ko

Ano ba, Jinhee! Just act normal. Normal lang! Wag ka papahalata na may gusto ka sa kanya!... paulit ulit kong sabi sa isip

"Huh? Ako? Bakit naman ako? Baka magselos pa iyong babaeng iyon. Selo--"

"Wala na kami" pagputol niya sa sinasabi ko, dahilan para matigilan ako

Ano sabi niya? Wala na sila?

"Kailan pa?" Gulat na tanong ko

"Kahapon... pero pwede ba? Sumakay ka na sa kotse kung ayaw mo ma-late?" Pagbabago niya ng topic

Sumakay na ako sa kotse at medyo gulat pa rin sa impormasyon.

Kaya ba umiiyak si Minsoo? Pero bakit hindi niya ako pinapansin? May alam ba si Sehun?

At dahil sa sobrang pagkawala sa isip ko ay hindi ko na namalayan na nandito na kami sa parking lot ng school.

"M-mauna na ako. Kakausapin ko muna si Minsoo" paalam ko

He replies 'hmm' and I make my way inside the school. Nasa kalayuan pa lang ay nakita ko agad si Minsoo sa garden na naka-upo sa isang bench at nasisigurado kong kahit nasa malayuan ay umiiyak siya.

Agad ko siyang nilapitan at tama nga ako, umiiyak siya.

"M-minsoo" tawag ko sa kanya

Nang akmang hahawakan ko sana ang balikat niya ay bigla siyang umiwas.

Hanla! Galit na naman ba siya sa akin?

"M-minsoo may problema ba?"

"Ikaw! Ikaw ang problema!" Bigla niyang sigaw

"M-mins--" hindi ko pa man din natatapos ang sinasabi ko, tumakbo agad siya

Nanlumo naman ako. Ano na naman ba ang nagawa ko?!

~

"Jinhee!" Masiglang tawag sa akin ni Sehun "Single na ulit si Minsoo! Wah!"

"Oo nga eh" malungkot kong tugon sa kanya

"You should be a supportive besfriend to me! Bakit parang malungkot ka? Di'ba dapa-"

"Galit siya sa akin, hindi ko alam kung bakit" pagputol ko sa kanya

"Oh? Baka kasi akala niya ikaw yung dahilan ng break-up nila which is half true" giit niya

Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko

"Bakit na naman ako?" Matamlay kong tanong

"Aish, jinjja... 'di ba halata? Gumana ang plano natin, pabo!" Aniya

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko

"Gago ka talaga... sa tingin mo? Bakit parang walang interes si Taehyung kay Minsoo kahit siya mismo ang nag-aya na maging sila? Bakit ka sinundo ni Taehyung kahit kaka-break pa lang nila?" Sunod sunod niyang tanong

I just look at him confusedly " It's because he realize that he loves you not Minsoo"

"At kailan ka pa naging love guru?" Tanong ko sa kanya, note the sarcasm

"Hindi ako love guru. Bobo ka lang talaga" aniya

"Bobo daw. Parang naka-first ka na sa board exam ah" bulong ko

"May sinasabi ka?" Mataray niyang tanong sa akin

Minsan talaga nagtataka ako kung lalaki ba talaga 'to o nagko-cross dress lang eh.

"Wala po, LOVE GURU" sagot ko

This time, umirap naman siya.

Aish. Lalaki ba talaga 'tong kaibigan ko?

"Natutuwa ka lang kasi may chance ka kay Minsoo eh" sabi ko

"Matagal naman na akong may chance sa kanya... hindi lang talaga ako maka-porma dahil madami nang may alam na sila ni Taehyung, pabo" giit niya

Ayan na naman siya sa pabo niya..

"Tss" tangi kong nasabi

Tinignan ko ang phone ko at tinignan ang wallpaper. Yung wallpaper ko kasi yung picture namin ni Minsoo noong 2nd year.

Kailangan namin mag-usap.

Tama, tatawagan ko siya.

Agad kong hinanap ang pangalan ni Minsoo sa contacts ko at dinial iyon. Buti na lang sinagot niya

"Hello, Minsoo! Mag-usap tayo pwede?"

"Sige. Sa rooftop, ngayon na" aniya sabay baba ng tawag

Ang cold naman niya. Wala man lang hi, hello..

Ay, ngayon na pala!

Agad akong nagpaalam kay Sehun na kumakain ng chips at dali daling umakyat sa rooftop at nakita si Minsoo na nakatalikod at tinitignan ang view.

Masaya akong naglakad sa gilid niya at kinalabit siya with a smile on my face. Pero nawala agad iyon nang ma-realize ko ang ginawa niya sa akin pag-kalingon at pag-kalingon niya pa lang sa akin

She slapped me...

My First Love •~Taehyung FF~• ||COMPLETED||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon