Jinhee's POV
Nasa kwarto ako ngayon. Nag-aayos ng sarili. Himala nga at nandito si Minsoo eh, pero hindi rin ako pinapansin. Hindi din naman masyadong cold ang awra niya.
Yung parang mag-kahalong cold at playful ang awra niya?
Eh, basta... 'di ko siya ma-gets
Nakapag-bihis na nga din pala ako. Red cocktail dress ang suot ko. Inaayos ko na lang ang make-up at buhok ko.
Ginawa kong wavy ang buhok ko at nag-simple make-up. Ayoko kasi ng masyadong makapal ang make-up.
'Di katulad nung Narae na 'yun. Mukhang clown sa sobrang kapal ng make-up.
Alas-otso ang simula ng party pero sabi ni Minsoo 8:30 na daw kami pumunta.
Aba! Buti kinausap pa ako! Himala yun ah
Hinanap ko ang black heels ko at sinuot iyon pati yung shiny bloody red kong pouch.
Time check: 8:26 na
Ah, oo nga pala. Yung suot ni Minsoo ay blue cocktail dress. Cocktail din sa kanya kasi paano, siya yung bumili ng gamit ko ng hindi ko alam...
Weird, right?
Ang alam ko galit siya sa akin... sinampal pa nga ako eh.
"Tara na" cold niyang sabi pero may weird smile sa mukha niya
Ok? Naguguluhan na ako
Tumakbo ako para sundan si Minsoo sa dala niyang kotse. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng kotse nang ganon-ganon lang.
Nakatakbo pa ako sa lagay na iyan ah!
With long dress and 2 inch heels naka-takbo pa ako.
Pumasok agad ako sa montero sports niya at sinimulan niya nang mag-maneho. Parang ang cool niya lang magmaneho habang ako ewan!
May pangiti-ngiti pa siya! Siguro nagkabalikan na sila? Huwat?! Ang bilis naman?!
Sa kaka-isip ko ng kung anu-ano ay hindi ko na namalayang nasa tapat na kami ng school.
Nasa labas pa lang kitang kita mo na ang maliliwanag na ilaw at ang malalakas na tugtugan sa loob ng stadium namin. Doon kasi gaganapin daw ang prom.
Sabi ni Minsoo ay ipa-park niya daw muna ang kotse. Weird talaga, galit pero kinakausap ako. Hindi naman kasi ganyan 'yan 'pag galit sa akin.
Hindi niya ako kinakausap, ni titignan, o kung anuman kapag galit siya sa akin.
Nag-lakad ako papasok sa loob at nakita kong walang guard man lang.
Ano 'yun?! Hindi man lang secured ang lugar na'to!
Hindi ko na lang pinansin at pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko pa lang ay sa akin na lahat nakatingin ang mga estudyante na nandito sa loob na may nakakalokong ngiti sa labi nila.
Ano bang meron sa mukha ko?!
Bigla ding tumigil ang masiglang tugtog at dumilim ang paligid. Tapos ay may spotlight ding tumapat sa akin
Anong nangyayari?!
Maya pa ay may sweet na tunog ang nag-play at may dalawang lalakimg lumapit sa akin at ang sabi ay aalalayan daw ako
Wala akong sakit huh! Ano 'to? Escort ko?
Pina-upo nila ako sa isang upuan na parang pang-royal at iniwan na ako.
Mamaya pa ay may narinig na akong kumanta...
"Kkoccdeuri gadeukhan georie
(In the streets full of flowers)
Oneuldo geudaereul boneyo
(I see you today too)
Nae ane damgyeojilkkayo?
(Will it be in me?) "
BINABASA MO ANG
My First Love •~Taehyung FF~• ||COMPLETED||
Fanfiction"I want you to be mine" Taehyung's Fanfiction... There will be some wrong spellings so intindihin niyo na lang... haha