Third Person's POV
"Nakakainis... nakakainis... nakakainis" paulit ulit na sabi ni Jinhee habang sinusuntok suntok ang unan niya.
"Bwisit... nakakainis... bwisit talaga" sabi niya pa
Hindi niya alam kung bakit naiinis siya siguro sa ideya na ginirlfriend ni Taehyung si Minsoo... hayst
Don't get me wrong... hindi DAW niya gusto si Taehyung!
"Argh!" She exclaim because of her irritation
"Jinhee? Nandyan ka ba? Nandito kami ni Taehyung" rinig ni Jinhee na sabi ng isang tinig mula sa labas ng kwarto
Bakit dinala niya dito si Taehyung?! Mas lalo akong naiinis. Sa isip-isipan ni Jinhee
Bumaba si Jinhee mula sa taas ng double deck at lumabas ng kwarto. Naka-pajama pa naman siya...
Pagkalabas niya ay nakita niya si Taehyung na naka-upo sa isang sofa habang si Minsoo siguro nasa kusina.
"Hey..." bati ni Taehyung
"Hey" matipid na bati din ni Jinhee.
Pumunta si Jinhee sa kusina at uminom ng tubig para mabawasan ang inis na nararamdaman niya. Kakalabas lang ni Minsoo sa banyo na nandito sa kusina.
"Oh, Minsoo. May snacks diyan. Bahala na kayo. Babalik na ako sa kwarto" bored na sabi ni Jinhee
"Ahh? Ok?" Parang nag-aalangan pang sagot ni Minsoo
Tumango na lang si Jinhee at dire-diretdong pumanik sa kwarto nang hindi bumabaling ng tingin kay Taehyung.
Ni-lock din niya ang pinto at halos maglumapasay sa sobrang inis.
"Arghhhh! Nakakainis na talaga! Bakit ba ako nagkakaganito?!" Inis na tanong ni Jinhee sa sarili
Bakit nga ba siya nagkakaganyan? Aba malay ko... tanong mo sa other self niya.
Maya pa ay may naririnig siyang tawanan sa labas na siguradong mula kina Taehyung at Minsoo kaya sa sobrang inis niya ay lumabas ulit siya ng kwarto ng padabog kaya naman natigilan ang dalawa sa pagtawa
"Lalabas muna ako..." cold na sabi ni Jinhee.
Syempre bago siya lumabas ay nagpalit muna siya ng sweat pants at blouse at jacket.
Nang makalabas siya ay agad siyang sumakay sa bisikleta niya at pumadyak papunta sa parke
Nang makarating siya doon ay pinark niya ang bisikleta niya at bored na umupo sa isang bench.
Maya pa ay may lumapit sa kanyang puting pomeranian dog siguro at umupo sa tapat ng paa niya
"Clock tck tck" tawag ni Jinhee sa aso
Agad namang tumayo ang aso at parang nagaantay.
"Anja (sit)" sabi ni Jinhee sabay paramg close ng kamay niya.
Umupo naman ang aso.
"Aigoo, jal het da (aigoo, you did well)" puri ni Jinhee sa aso.
Binuhat niya ang aso at nilagay sa lap niya. Siguro sa sobrang bored niya ay napatripan niyang makipaglaro sa aso.
"Bakit nandito ka? Sigurado ako may amo ka. Nawawala ka ba?" Tanong nito sa aso kahit alam niya namang hindi makakasagot iyon.
"Aish... asan na ba yung asong yun?!" Rinig ni Jinhee na sabi ng isang lalaki.
Binuhat niya ulit ang aso at lumapit sa lalaki "Kuya... sa'yo ba 'tong asong 'to?"
Nang lumingon ang lalaki ay doon lang din narealize ni Jinhee na si Jimin pala iyon.
"Oh. Jinhee, oo akin nga iyan. Salamat" sagot ni Jimin
"Wala 'yun. Ano ba kasing ginagawa mo at nawala mo yung aso mo?" Tanong ni Jinhee
"Ahh hehe. Bumibili ng ice cream" sagot ni Jimin habang naglalakad ulit sila papunta sa bench.
Nang maka-upo sila ay bored na namang sumandal si Jinhee sa sandalan ng bench. Napatingin naman si Jimin sa dalagang mukhang lugmok na lugmok na sa buhay
"May problema ba? Parang tungkol sa love life base sa mukha mo ah" biro ni Jimin
"Bwisit kasi yung Taehyung na iyon eh" sabi ni Jinhee bakas ang iritasyon
Siguro dahil nga bored siya at sobrang inis kaya nakikipag-usap siya tungkol doon sa ngayon lang niya naka-usap na tao.
"Oh? Si Taehyung? Bakit naman?" Interisadong tanong ni Jimin
"Hindi ko alam! Basta bigla na lang akong nainis" sagot ni Jinhee na nakakunot na ang noo ngayon
"Teka nga... bakit ba ako nakikipag-usap sa'yo. Hindi nga kita kilala eh. Kilala lang kita sa pangalan at mukha. Aalis na ako. Bye" sunod sunod na sabi ni Jinhee sa binata
"Huh? Hoy! Wag ka munang umalis. Wala ako kausap" pagpigil ng binata sa dalaga
"Humanap ka. Tutal gwapo ka naman madaming pwede kuma-usap sa'yo" bored na sagot ni Jinhee at sumakay ulit sa bisikleta niya.
Pumadyak ulit si Jinhee pauwi pero naalala niya nandoon nga pala ang dalawa kaya dumeretso na lang siya sa isang coffee shop.
Umupo siya sa isang gilid at um-order ng isang cappucino.
May umupo sa harap niya pero hindi niya iyon pinansin. Kahit sa isip-isipan niya ay baka magnanakaw ito o ano ay hindi niya lang ito pinansin
Ganyan ka inis at bored si Jinhee
"Hi ma'am! Here's your cappucino" masiglang sabi ng waitress kay Jinhee
Tumango lang si Jinhee at kinuha ang cappucino niya
"Hindi mo man lang ako kakausapin, huh? Kailan mo pa 'yan natutuhan?" Rinig niyang tanong ng tao sa harap niya
Ngayon niya lang narealize na kuya niya pala ang nasa harap niya ngayon. "Kuya..."
"Anong ginagawa mo dito? Di'ba dapat nasa bahay ka na ngayon at natutulog na? Maga-alas dyes na!" Saway ng nakatatanda kay Jinhee
"Ayaw ko" parang batang sabi ni Jinhee "Ikaw ba? Bakit nandito ka?"
"Dito po ako nagpa-part time job" sarkastikong sagot ng kuya ni Jinhee sa kanya
"Bakit nga nandito ka?" Tanong pa ni Jaewon
"Ayoko umuwi. Masasaktan lang ako"
BINABASA MO ANG
My First Love •~Taehyung FF~• ||COMPLETED||
Fanfiction"I want you to be mine" Taehyung's Fanfiction... There will be some wrong spellings so intindihin niyo na lang... haha