Chapter 8

14 0 0
                                    

Jinhee's POV

Natapos kaming maglaro hanggang sa makauwi kami ay hindi pa rin ako pinapansin ni Minsoo. Ano ba kasing problema niya?

Nakatayo ako malapit sa kama habang nilalapag ang mga gamit ko. Pumunta ako saglit sa kusina para kumha ng maiinom at sakto namang andoon rin si Minsoo.

Mukhang napansin niya ako dahil tumingin siya sa akin. Napansin kong umirap siya bago naglakad palagpas sa akin. At sadyang tinamaan ang balikat ko.

Hindi ko kaya ang ganitong sitwasyon kaya napagpasyahan kong lumabas muna ng apartment namin.

Malamig nga pala nakalimutan ko. At nakalimutan ko ding magdala ng jacket. Pagkalabas ay damang dama mo ang bawat simoy ng hangin na sumasampal sa mukha mo.

Dahil wala naman akong ibang kaibigan na pwede ko munang puntahan ay napagpasiyahan kong pumunta na lang sa pinakamalapit na park.

Habang naglalakad ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Agad kong tinignan kung anong meron. May nagtext lang pala.

Tinignan ko kung sino ang nagtext sa akin habangnaglalakad.

Nakauwi ba kayo ng
ligtas?
-Unknown number

Sino naman 'to?

Ahm. Baka wrong
sent po kayo.
-Jinhee

Di katagalan ay nakatanggap agad ako ng reply

Ako 'to si Jungkook
-Unknown Number

Pinalitan ko ang pangalan niya ng Jungkook.

Oh okay. Saan mo
naman nakuha ang
number ko?
-Jinhee

Ah kay Taehyung.
-Jungkook

Aba't walang hiya yung mokong na iyon ah! Ibigay ba naman daw ang number ko ng walang pahintulot ko?!

Ah okay. Bakit ka
nga pala napatext?
-Jinhee

Ahm. Sinisigurado
lang kung nakauwi
kayo ng maayos.
-Jungkook

Reply niya sa akin. Napangiti naman ako sa 'di malamang dahilan.

Ok lang naman kami.
Nakauwi kami ng maayos.
Salamat sa pagaalala.
-Jinhee

Itinago ko muna ang cellphone ko bago magpatuloy sa paglalakad. Tumunog ang cellphone atmay message

You don't have enough
load to send this message

Letse naman! Wala agad akong load!

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang park. Pagkarating ko doon ay nakita ko si Jeong Yoo. Yung crush ko.

Gahd! Is this Fate?!

Akmang lalapit na sana ako sa kanya nang biglang may nauna sa akin na lalaki. May ibinulong ito sa kanya at bakas sa mukha niya ang kilig sapagkat namumula na ang kanyang pisngi.

D-don't tell me na....

Biglang hinalikan ng isang lalaki si Jeong Yoo sa pisngi.

Oh to the Em to the Gee! B-bakla s-siya?!

Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko na namalayan na may tao sa likod ko. Pagkatalikod ko kasi ay nauntog ako sa dibdib ng isang lalaki

Pagkatingala ko ay nakita ko si Taehyung na mukhang nakatingin kina Jeong Yoo. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay napatingin rin siya sa akin.

Halatang halata na pinipigilan niya ang matawa. Pero pagkatapos noon ay unti unting lumitaw ang smirk sa labi niya na unti unting nagiging pang demonyo.

Wala na! Alam niya nang crush ko si Jeong Yoo. At ang malala ay nalaman niya rin na bakla yung crush ko!

Wrong timing nga naman oo

Bahagya akong lumayo sa kanya at tumingin kung saan. He leaned at my ear and whispers something

"Didn't know na magkakagusto ka sa isang bakla" he said and I can clearly sense that he was saying it with a smirk.

Tinulak ko siga papalayo at dineath glare siya.

"Bakit? Totoo naman ah" aniya na parang nanunuya.

"Letse Taehyung 'wag ngayon!" Singhal ko sa kanya at akmang lalakad na papalayo sa kanya.

Pero hinawakan niya ang braso ko kaya naman napatingin ako sa kanya

"Tama ba ang narinig ko kanina? May gusto saa kin si Minsoo?" Aniya na ikinagulat ko

Walang hiyang chismoso 'to!

"Oo bakit? Is the feelings mutual? Then go make her your girlfriend because I don't want to see my friend hurted because she was rejected by the love of her life" ani ko

Naging seryoso naman ang mukha niya

"'Di ko siya type at wala akong gusto sa kanya. 'Di ako magkakagusto sa babaeng selosa at akala mo sa kanya lahat--" 'di niya na natuloy ang sinasabi niya nang bigla ko siyang masampal.

'Di ko kaya na pinagsasalitaan ng ganyan ang kaibigan ko. Kaya ko siya nasampal. Hindi ko napansin na may tumutulo na pa lang luha sa magkabila kong mata

"Hindi porke may gusto siya sa iyo ay pwede mo na siyang pagsalitaan ng ganyan! Walang hiya kang lalaki ka!" Sigaw ko sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa mga sinambit kong salita. Tumakbo ako ng walang tigil hangga't hindi pa ako nakakalayo sa park.

Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad sa pagtakbo kong ito pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Hindi ko lubusang maisip ang dahilan kung bakit ko talaga sinampal si Taehyung. Siguro ay dahil sa mga salitang binitawan niya sa kaibigan ko.

My First Love •~Taehyung FF~• ||COMPLETED||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon