Kabanata 2

1.2K 33 0
                                    

Donny

"...for coming back." tiningnan niya ako pero parang ako yung nahiya kaya naman I looked away.

"Sorry, what did you say?" tanong ko sa kanya

"Thanks for coming back Donny." sabi nya at ngumiti, "Hindi naman nag inform yung weather alert sa phone ko na uulan pala. Hindi man lang ako nakapagdala ng payong." dagdag niya sabi

"Ah. Yun. Okay. No problem." sabi ko sa kanya, tumango lang siya sa akin at ngumiti and looked away instantly

Kisses now is so near. Yet like I always say, she still seemed to be so far. Nakikita ko lang pero hindi ko maabot.

"Hatid kita sa inyo? Hindi ka masusundo ng Dad mo?" tanong ko sa kanya

"Can you pull over saglit dyan sa may laboratory? Tawagan ko lang saglit si Dad? Is it too much to ask?" sunod sunod niyang tanong, umiling lang ako at sumenyas na it's okay.

Hindi ko alam ang nangyayari pero biglang walang salitang lumalabas sa bibig ko ngayon.

"Dad? Hi! I'm here at school pa Dad. Hinihintay kita tas biglang umulan. Susunduin mo pa ba ako?.... Ahh. Okay. Hindi okay lang po. Nakisakay naman na ako kay Donny. Yes Dad. Yung anak ni tito Anthony. Don't worry Dad. Opo. Sige bye. Love you!"

After the call, Kisses looked at me.

"Soooo? Hindi ka masusundo?" tanong ko sa kanya and she bit her lip then nodded

"Orayt. Let's go."

Kisses

It's almost 10 minutes na nasakay ako sa kotse ni Donny pero parang hindi na ako makahinga. Napakatahimik na walang ni isa sa amin na nagsasalita. Ako ba dapat kumausap? Anong sasabihin ko?

I tried looking at him pero he is too busy driving. Eyes on the road eh. Pero hindi din ako mapakali.

"Kisses..."
"Donny..."

We both called each other at the same time.

"Ay sige sorry. Mauna ka na." sabi niya sa akin

"Hindi mauna ka na." sagot ko naman

"I forgot what to say." sabi niya at napakamot sa ulo, natawa naman ako kay tumingin siya sa akin

"I'm too tired from the practice. Pasensya ka na at wala ako sa sarili." he apologized

"Uy sorry naabala pa kita ah." sabi ko

"Anong sasabihin mo?" tanong niya sa akin

"Hmm. Wala. I'll bring some cookies tomorrow. Pa thank you ko sa paghatid mo sa akin ngayon." sabi ko sa kanya

"Wow thank you! But you don't have to. Minsan lang naman mangyari to." sabi niyang ganun

"Okay lang. Iwan ko sa locker mo bukas."

"Ayi ayi!"

"Akala ko ba you're too tired already?" tanong ko sa kanya

"May cookies bukas eh." tas bigla syang humalakhak, nailing nalang ako. Eto ba yung crush na crush ng mga girls sa school? Lakas tumawa. Hahaha. Pero nakakatuwa.

"Kulit!" sabi ko sa kanya, "Baba mo na ko dyan, yan na yung bahay namin." sabi ko naman sa kanya, he just nodded and stopped infront of my house

"Donny, thank you. I'll bring cookies tomorrow for this." sabi ko habang nakatingin naman sya sa akin na papasok sa gate

"No problem Kisses." sagot niya naman, "Pumasok ka na at baka umulan ulit."

"Thank you ulit. Bye!" sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay.

For the longest time that we've known each other, it seemed to be the first time that we actually really talked.

Nakakapanibago but it feels good. Better than I imagined.

Twitter post.

@kissesyou posted

Thank you, 🏃



Between the SpacesWhere stories live. Discover now