Kabanata 6

1K 32 7
                                    

Donny

"Ah. Baka hinahanap na ako nila AC." sagot sa akin ni Kisses, "I'd love to pero maybe some other time? Nagmamadali din ako kase punta pa akong library. I have to help Sir Robi on some of the researches, kailangan na kasi namin yun by next week." paliwanag niya sa akin

"Ganun ba." sabi ko sabay napakamot sa ulo, "Sige. See you around."

"Next time. Tsaka wag ka nang mag aya, makiupo ka na agad pag nakita mo akong kumakain sa canteen." sabi niya and smiled sweetly

"Okaaay. Ayos yun ah." sagot ko sa kanya amd flashed a big smile

"I'll go ahead, Donny. Ingat ka!" sabi niya and waved me a goodbye

"Someone finally caught Donato Antonio's attention!" nagulat ako nang biglang may dumagan sa akin sa likod

"Aray ano ba!" sagot ko kay Iñigo

"Type mo ba si Kisses?" straight forward nyang tanong sa akin.

"No!" mabilis ko namang sagot sa kanya,

"O chill! I was just asking. Akala kase namin type mo eh." sabi niyang natatawa habang sabay kami na naglalakad papuntang canteen, "Hindi mo tinatantanan napapansin na namin."

"WTH." sagot ko sa kanya, "I'm not even doing anything."

"Talaga ba Donato?" tanong niyang nang aasar

"Stop calling me Donato." sabi ko sa kanya,

"So sino type mo?" pangungulit niya ulit sa akin

"Ang tsimoso mo bro! Atupagin mo nga yung panliligaw mo kay Maris. Olats na olats yung datingan mo." sabi ko sa kanyang natatawa

"Bahala ka. Crush pa naman ni Markus si bebegirl." sabing ganun ni Iñigo

"Ha? Crush ni Markus sino? Sinong bebegirl?" tanong ko sa kanya, biglang dumating si Kyle at sumingit sa usapan namin,

"Hindi mo kilala si bebegirl?" tanong niyang natatawa at nakipaghigh five kay Iñigo, lumingo naman ako

"Edi si Kisses! Actually, hindi na nga bebegirl eh. Dream girl niya nga yun." sagot ni Iñigo stating a fact

"Kailan pa? Ba't d ko alam yan?" tanong ko sa kanila

"Ewan namin sayo!" sabay nilang sagot

"Ano na? Hahaha. Bagay pa naman si Markus at Kisses!!!!" tuksong ganun ni Kyle

"Tumahimik nga kayo!" sabi ko na lang sa kanila at umorder na ng pagkain

Hinanap ng mata ko bigla si Kisses. Gusto ko siyang makita kahit wala pa namang isang oras mula nung nakita ko siya kanina. But I calmed my thoughts down. Bakit ako nabobother?

Bothered na ba ko sa lagay nato? Syempre hindi. Syempre hindi pwede.
Matapos naming kumain, nilapitan kami ni Sue

"Nakita niyo si Markus?" tanong niya

"Hindi eh. Hindi din naman sumabay samin na kumain." sagot sa kanya ni Kyle

"Kainis naman yang si Markus. Eh nasa kanya yung draft ng research proposal ko eh!" inis na sagot ni Sue

"Parang hindi ka na nasanay sa bestfriend mo Sue. Upo ka nga muna. Tas tawagan mo." umupo naman si Sue at sumunod sa sinabi ko, nakailang dial pa sya bago sya sinagot ni Markus

"Asan ka yung research proposal ko?!!!!....Ano? Library? Kailan ka pa natutong pumasok dyan?.....Hay nako Markus!!!!! Wag kang umalis dyan ah! Malilintikan ka talaga sa akin!"

Tumayo na si Sue at nagpaalam samin, "Alis muna ko mga panget. Nasa library daw. Ano na namang ginagawa nung kababalaghan."

"Sige brooooo. Ingat!" sagot nila Iñigo sa kanya. I gathered my things at tumayo din,

"Samahan na kita Sue. May kukunin din akong gamit malapit sa library eh." sabi ko sa kanya

Nagkatinginan naman si Iñigo at Kyle. Tapos biglang ngumiti.

"Tara na?" aya ni Sue sakin, tumango lang ako at naglakad na kami.

Pagkadating sa labas ng library, nagpaalam si Sue na papasok na, tinanguan ko sya at nag hintay ng ilan pang minuto para sumunod din sa loob.

I don't know also why im here. I just want to see something. Someone. Kaya naman dahan dahan kong binuksan ang pinto para makasilip sa loob.

And it hit me there and then, I saw Kisses busy doing something on her laptop. While Sir Robi was on his table doing also his own thing. May lalakeng nasa harap ni Kisses. At sigurado ako kung sino yun. I am also aware of what he's doing. Markus is seriously looking at Kisses while pretending to read also.

Then Sue came. She interrupted him. Markus came back to his senses and stood up. Nangamot ng ulo. Tumingon ulit kay Kisses while Kisses gave him a little smile.

Tumalikod na ako. Naglakad palayo.

Kisses

Almost 8:30 pm na nang matapos kami sa research. It was tiring. Nakakagutom. Nakakapanghina. Wala si Daddy for a week kase inaasikaso yung ibang negosyo namin sa Masbate, I was left to commute for a few days kaya mas hassle umuwi ng gabi na.

I was at the lobby of the school waiting for my grab. Nakaupo. Mag isa. When a car parked infront of me.

It was Sue and Markus. Markus' window opened and he asked me kung gusto kong sumabay sa kanila. I was really hesitant. Kase alam kong ou of the way yung bahay ko sa kanila.

"Sige na Kisses." sabing ganun ni Ate Sue.

"Hmmm. May Grab naman po ako. Hintayin ko nalang." sabi ko sa kanila, but I was almost convinced. Almost, when another car parked besided them.

I knew it was Donny. I rode on it twice.

"Sakay ka na." sabi niya pagkababa ng window side niya

"Hindi na Donny. May grab akong parating na." sagot ko sa kanya, tumaas yung kilay niya and I saw a hint of disgust kahit hindi ko paman siya sinagot.

He exhaled.

I walked up to Sue and Markus and told them I won't join the ride. They agreed and went on. Bumusina sila kay Donny at nagpatianod naman sya.

"Sumakay ka na, Kisses." sabi ulit ni Donny, again, with full of hesitations, I did. Because I felt like I have to.

Between the SpacesWhere stories live. Discover now