Kabanata 8

1K 33 5
                                    

Donny

"Iwan mo nalang yung lunchbox dito sa sasakyan. Ako na magdadala mamaya sa canteen." sabi ko kay Kisses bago kami bumaba sa saksakyan pagdating sa school, tumango naman siya

"Mauna ka na sa classroom Donny. Pupunta lang ako saglit kay Sir Robi at ihahatid to." she showed me a usb na may files ng research na ginagawa nila.

Kisses is an intelligent woman. And she is more than just a sweet girl.

"Sige. Akin na yang bag mo, ako na magdadala." sabi ko sa kanya at kinuha yung backpack niya sa likod niya. Wala naman na siyang nagawa

Tiningnan niya lang ako nang nilagay ko yung bag niya sa unahan ko.

"Thank you. Sige na. Mauna na ako sa library." tumango ako at pumunta na din sa classroom

Pagpasok ko sa loob, una kong nilagay ang bag ni Kisses sa upuan niya. There goes Maymay and Maris talking at each other.

Hindi ko sila pinansin. Nilagay ko lang yung bag ni Kisses sa gitna ng mga upuan nila. Napatingin sila sa akin. Nakakunot ang noo ni Maris

"Bat ikaw nagdadala ng bag ni Kisses?" tanong niyang pasigaw sa akin

"Dumaan pa sya sa library." sabi ko and smiled, patalikod na sana ako nang tawagin ako ni Maymay

"Oy Donato! Halika nga dito." tawag niya sa akin kaya naman nilingon ko sya

"Yes Maymay?" tanong ko sa kanya

"BAKIT IKAW NAGDALA NG BAG NI KISSES?" singhal niya sa akin pero natatawa

"Bro si Maymay oh. Inaaway ako!" sumbong ko kay Edward at tumawa. Hindi ko sila sinagot. Alam ko naman na tutuksuhin din naman kami sagutin ko man yung mga tanong nila o hindi.

"Babe wag mong awayin si Donny." Edward sweetly told Maymay

"At nagkampihan pa kayo!" sabi ni Maymay sa amin

"Lika nga dito Donato." sabing ganun ni Kyle sabay tapik sa upuan ko, I gladly went to my chair and settled my things there

"Anong ibig sabihin nung picture na pinost mo kagabi sa twitter at instagram mo?" parang imbestigador na tanong ni Kyle

"Bat kayo magkasama ni Kisses?!" Iñigo seconded

"Bakit ikaw yung may dala ng bag ni Kisses?" tanong din ni Edward

Tumawa lang ako at umiling.

"Tatawanan mo lang ba kami?" tanong nila sa akin ulit

"Secretive na ngayon si Donny." nagtatampong sabi ni Edward

"May gusto ka kay Kisses no?" tanong ulit ni Kyle

"Donny! Sagot!" sabi ni Iñigo

"Hey! Chumill nga kayo! Walang ganun okay?" sabi ko sa kanila

"Anong walang ganun?" tanong ni Kyle

"Kung ano man yang iniisip niyo. Walang ganun. Kisses and I are friends now. Yun yun. Kaya ganun." pag eexplain ko sa kanila

"Kaya kayo sabay umuuwi araw araw?" tanong ni Kyle

"Kaya mo dala yung bag niya?" Iñigo stated, tumawa lang ako

"Labo mo talaga bro." dagdag naman ni Edward

Lunch Time, 12:00PM

"Mauna na kayong mag lunch," sabi ko sa kanila, "May kukunin lang ako sa sasakyan." tumango sila at umalis ako, dali dali kong kinuha yung pabaon ni Tita na lunch para sa aming dalawa ni Kisses. 

Between the SpacesWhere stories live. Discover now