Kabanata 17

1K 36 14
                                    


Kisses

Akala ko, kaya hindi ako nadaanan ni Donny ay dahil puspusan na yung training ng sasalihan niyang Triathlon. Naikuwento niya sa akin yun nung isang araw na nag usap kami. Few weeks nalang at lilipad sya papuntang Cebu kasama yung iba niyang team mates for IronMan.

Pero today, pagkadating ko sa school, hinanap ko siya sa kung saan saang lugar na pwede ko siyang mahanap pero wala siya. Umiling lang din lahat ng pinagtanungan ko kung nakita ba nila si Donny.

Pagkapasok ko sa classroom, unang pinuntahan ko ang grupo nila Kyle. "Wala ba si Donny?" tanong ko sa kanila

"Wala pa. Aabsent ba siya? Hindi naman nagpasabi kung aabsent siya today. Baka na late lang." sagot ni Inigo, tumango lang ako at pumunta na sa upuan ko.

I was a bit bothered for an unknown reason. Bakit kaya wala si Donny? Hindi man lang nagpasabi? Walang excuse letter? Walang text?

I hesitated but I still texted him.

"Nonny. Where are you?" My message was sent at 8am pero umabot nalang nang lunch time eh wala parin siya. Hinahanap siya ng teachers namin at kahit ng coach niya sa akin. Wala naman akong maisagot.

When the clock already hit 12 noon, I called him on the phone and it took at least three rings before he answered.

"Donny?"tawag ko sa kanya, "Kanina pa kita hinahanap pero wala ka sa school. Nasaan ka?" sunod kong tanong sa kanya, before he said anything, naubo muna sya bago sumagot,

"Sorry Cookies hindi na kita nadaanan kanina."sabi niyang ganun

"Hmmm. Are you okay? You sound sick." Tanong ko sa kanya

"Hmmm" yun lang yung sagot niya,

"Nonny? Do you want me to come over?" tanong ko ulit sa kanya

"No, I'm fine. I am just a bit not feeling well." Sagot niya naman sa akin at naubo ulit

"Sigurado ka?" pangungulit ko sa kanya, "Please let Ate Tinay check your temperature. Baka ang taas na ng lagnat mo dyan tapos okay ka lang nang okay." Sunod sunod kong sabi

"Donny? Just do it. Kumain ka na ba?" tanong ko ulit sa kanya, I heard him laugh on the other end kaya medyo nainis ako, "So tatawanan mo lang ako?"

"You sounded worried, Kisses." Malumanay niyang sabi

"I am. Sana hindi ako tumawag kung hindi ako nag wo-worry." Sabi ko sa kanya, "Anon a? Gumalaw ka na dyan and do something para ma update mo ako." I bossily told him

"Opo. I will. Sige na. Kumain ka muna. Sumabay ka kila Maris para may kasama ka." Sagot niya sa akin

"Will you be fine?" I reassuringly asked him

"Will you be fine there without me?" balik niya naming tanong sa akin

"Hay nako. Binalik mo pa yung tanong." Reklamo ko sa kanya, "I will. Basta alam kong okay ka din dyan."

"Thank you. Sige na. Kumain ka na." sabi niya, I was about to end the call nung nagsalita pa sya, "Pag lumapit si Markus sayo, sabihin mong may sakit lang ako. Hindi pa ako mawawala." I rolled my eyes, though he can't see it, I know that he can only imagine how I looked like with what he told me.

After lunch, hindi parin ako mapakali. It was 1:30 in the afternoon when Sir Robi only handed us problem sets in the class and let us do our thing. Naisip ko si Donny. There were no more updates since I called him. I was trying to call Ate Ella but she was unattended. Nahihiya naman akong tawagan si Tita or Tito. Hannah was still at school.

Between the SpacesWhere stories live. Discover now