Bullet 3

372 25 17
                                    

[Aya]
I'm about to go ng magsalita si Nay Isay.

Anak, agahan mo ang uwi mamaya. Mamaya na darating yung sinasabi ko sayo nung isang araw. Tumango naman ako bago ako humalik para tuluyan ng umalis.

Pagdating ko sa mall agad akong pinalibutan ng mga security dahil nagsisimula ng dumagsa sa akin ang mga tao. Agad akong nagtungo sa event center, pagdating ko doon ay sobrang daming tao ang nakapila. May bitbit silang mga banners na may mukha ko, yung iba naman ay mga led lights ng pangalan ko. Nagsimula silang magsigawan ng dumating ako, kaya nginitian ko lang sila at kinawayan.

Agad akong naupo sa may table sa may stage at hinanda ang sarili para sa pag sign at pag selfie kasama ang fans ko.

Fan meeting event ko ito at hindi ko inasahan ang mga taong dumalo.

Nag umpisa na akong mag sign sa mga dala nilang magazines and poster ko. Nagpasalamat din ako sa ilang fans na may bigay ng mga gift sa akin.

Hi!! Miss Aya. Ang ganda ninyo po talaga. Idol na idol ko po kayo. Masayang sabi ng isang babaeng fan ko. Pwede po pa selfie at pa hug?

You too, maganda ka din. Sure. Tumayo naman ako para makapag selfie kami and I hug her tight. Tag me when you upload it okay? para masave ko sa phone ko and post it on my social media. Nginitian ko naman siya kaya masaya siyang nag paalam.

Sunod-sunod yung mga taong nagpapirma at nagpapicture sa akin.

Miss Aya, idol na idol ka ng anak ko. Kaya pumunta kami dito sa fan meeting mo. Sabi ng isang babae na nasa mid 20's ang edad kaya nabaling ang tingin ko sa isang bata na super cute.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Grabe ang cute niya. Hi! How old are you sweetie? You're so adorable can I hug you? Tumango naman ito kaya niyakap ko siya. Humingi din ako ng permission sa mother nitong cute na batang ito na kung okay lang ipost ang picture namin. Pumayag naman ito. Nag ask din siya ng selfie so kinuha ko ang phone niya para ako na mismo ang magselfie.

Miss Aya, super idol ko po talaga kayo. Lagi ko po pinapanood mga teleserye ninyo and even interviews po. Masayang sabi ng kasunod na fan. Nginitian ko naman siya.

Thank you so much for the love and support. I really appreciate it. Sabay sign sa poster na dala niya.

Miss Aya, alam ko pong fave ninyo po ito. Napanood ko po sa isang interview ninyo. Sabay abot ng isang box ng egg pie. Masaya ko naman siyang tiningnan.

Omg!!! Thank you. Favorite ko talaga ito. Kumuha ako ng isa at nilabas yung phone ko. Come here, lets take a selfie I'll post this to my social media. Agad naman siya lumapit at nagpicture kami. Kinuha ko din ang username niya para matag ko siya sa post ko bilang thank you sa binigay niya.

Lahat ng bigay na regalo ng fans ko ay iniingatan ko at pinapahalagahan. Sometimes, I used some of the gifts, even letters I patiently read all of that. Ganun ko pahalagahan ang fans ko dahil someone thought me to be appreciative sa lahat ng taong nagmamahal and sumusuporta sa akin. I want to be like him.
——————————————————
Lumipas ang oras at parang hindi nauubos ang pila. Kaya lumapit na ang isang staff sa akin para iinform ako to have a short break. Tumingin naman ako sa mga taong nakapila pa, ibinalik ko ulit yung tingin ko sa staff at nginitian siya.

Can you call ate Bubbles for me please? Naguguluhan naman tumango yung staff sa akin at umalis ito.

Di rin nagtagal ay dumating na si Ate Bubbles. Aya tawag mo daw ako? Nginitian ko naman si ate Bubbles at tumango.

Love and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon