[Aya]
Ilang linggo na ang lumipas mula nang mag viral ang issue about sa akin. Unti-unti na itong namamatay, dahil mas kinagat ng publiko ang dating issue namin ni Jimin. Sa loob ng mga nagdaang linggo nakaschedule din ang paglabas namin ni Jimin para may proof na dating nga kami.Well, okay naman siya. Jimin is a good person naman. Mas dumami pa ang projects na inooffer sa aming dalawa, ang ayaw ko lang sa set up namin is I need to go out with him. To be honest, wala sa plano ko ang intindihin ang lovelife ko while I'm in showbiz and kung magkakaboyfriend man ako gusto ko sana na non-showbiz para walang issue, tahimik at simple lang.
Miss Aya, aayusan na po namin kayo. Natigil naman ako sa pag-iisip ng marinig kong nagsalita ang make up artist ko. Nandito ako ngayon sa isang fund-raising event and isa ako sa mga celebrity na volunteers dito. Ibat-ibang activities ang meron dito para makaipon ng funds for the street kids. Tumayo na ako at naupo sa harap ng vanity mirror. Nag umpisa na din ang glam team na ayusan ako.
Nang matapos silang ayusan ako ay agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Hindi talaga ako binibigo ng glam team ko. Napakagaling talaga nila.
(A/N: Aya's look is on Mm)
Lumipas ang oras at nag umpisa na ang event. Sa concert ako nag volunteer, yung iba naman ay sa run for a cause. Ang gagawin ko lang naman is to entertain the audience na nag avail ng ticket at yung maiipon is mapupunta sa fund.
Hindi lang ako ang nandito, madami ding artista ang dumalo at nagvolunteer.
Miss Aya ready na po kayo? Kayo na po ang next na mag perform. Inform sa akin ng isa sa mga staff ng production nitong event. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
——————————————————
Matapos akong kumanta at sumayaw ay bumalik ako sa backstage para pumunta sa dressing room ko. Aayusan ulit kasi ako para sa next kong performance.Kasalukuyan akong inaayusan ng biglang pumasok si Ate Bubbles sa loob ng dressing room.
Pwede ninyo ba kaming iwan sandali? Kakausapin ko lang si Aya. Agad naman lumabas ang glam team ko at iniwan kami ni Ate Bubbles sa loob.
Aya mamaya isa sa honored guest nila si President Lim, ipapaalala ko lang sayo na wag kang didikit sa kanya. Kakatapos lang ng issue na kinasangkutan mo. Wag ka muna gumawa ng kahit anong pwedeng makitaan ng issue. I know na sinabi mo sa akin na wala lang yung nangyari last time but mas mabuti na yung nag iingat. Seryosong sabi ni Ate Bubbles.
Alam ko naman na isa sa honored guest si Dad, nakita ko kanina sa program. Kaya nga naexcite ako kanina. May chance na makausap ko at makita si Dad kaso ngayon mukhang malabo na. Panira talaga ang nagkalat ng issue about sa akin, dahil sa kanya hindi ko makikita si Dad.
Tumango nalang ako bilang sagot kay ate Bubbles. Nagpaalam na ito na lalabas sandali para kausapin ang director ng event. Nang matapos akong ayusan for my next performance ay sandali akong lumabas ng dressing room para mawala kahit papaano ang pagkainis at pagkalungkot ko. Paglabas ko palang ng pinto nakasunod na sa akin si Agent K.
Hindi ko naman siya pinansin at tuloy lang ako sa paglakad. Nang makarating ako sa medyo tahimik na lugar ay huminto ako kaya huminto rin siya.
Nasaan nga pala si Agent M? Bakit hindi mo siya kasama? Tanong ko habang nakatalikod sa kanya.
Tsinecheck ang area. Maikling sagot niya.
Pwede mo na ako iwan muna dito. Don't worry hindi ako lalayo. I want to be alone. Sabi ko sa kanya.
Hindi pwede. That's our job, mahigpit na bilin samin ang seguridad mo. Seryosong sagot nito. You can cry now, I don't mind. Napatingin naman ako sa kanya matapos marinig ang huling sinabi niya. Nakatalikod na ito sa akin. Paano niya nalaman??
BINABASA MO ANG
Love and Bullets
Action•Completed •Second story •Bts and Yoona •Action and romance •VYoon