[Aya]
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Matapos akong halikan ni Zander ay tiningnan ko siya. Z-Zander paano si Agent X? Naguguluhan kong tanong.Eh paano ba naman ako hindi maguguluhan, sinabi niya ngayon na mahal niya ako pero nakita ko sila si Agent X nung gabi na magkausap sila.
What do you mean? Kunot-noong tanong niya sa akin kaya napabuntong-hininga ako.
I saw you and Agent X that night, 4th day. A night before ako bumalik kasama si Thunder. Tiningnan niya lang ako. Nakita kong hinalikan ka niya at hin—
So you assume na siya ang mahal ko dahil you saw her kissing me? Seryosong sabi ni Zander kaya tumango ako. Did you see what happen after she kissed me? Naninigurado niyang tanong.
Umalis agad ako after nung hinalikan ka niya. Mahinang sabi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Naiilang kasi ako dahil bukod sa hawak niya parin ako at magkalapit kami ay lumalabas na nagseselos ako, eh! Wala pa naman akong karapatan.
I see. Sagot nito kaya napatingin ako sa kanya bago tuluyan niyang kinuwento sa akin ang buong nangyari.
————————————————
[Aze]
(Flashback)
(A/N: ito yung time na hinalikan ni Aliza si Zander at patakbong umalis si Aya matapos makita yung nangyari)Nagulat ako sa pag-amin sakin ni Aliza hindi ko inaasahan ito at mas lalo pa akong nagulat ng halikan niya ako kaya agad kong natulak siya palayo sa akin.
Agent X bakit mo ginawa iyon? May inis kong tanong. Napatungo naman siya dahil sa tanong ko.
Agent K... inantay ko lang ang sunod niyang sasabihin pero nanatili lamang itong nakatungo kaya minabuti ko ng magsalita.
Agent X mabait kang tao, girlfriend-material ka at masarap kasama, nagpapasalamat ako sa pagmamahal mo pero hindi ko kasi kayang suklian yung pagmamahal na iyon sa paraan na kagaya ng binibigay mo. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. Sorry. Mahinahon kong sabi sa kanya kaya napatingin ito sa akin.
May mahal ka na ba? Natigilan naman ako sa tanong niya pero sinagot ko naman siya ng tango. Si Miss Aya ba? Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ni Aya pero agad din ako nakabawi at sinagot siya.
Oo. Seryoso kong sabi. Natawa naman siya pero lumalandas sa mga mata niya ang mga luha niya.
Agent K nalimutan mo na ba na hindi pwede iyan? Mission natin siya and alam mo na after this mission ay mapuputol na ang connection natin with her. Seryoso nitong sabi. Alam mong bawal Agent K na magkaroon tayo ng affection sa mission natin. Hindi makapaniwalang sabi.
Alam ko. Tangi kong sagot.
You know?!! pero ano itong ginagawa mo? Alam mo ang mangyayari sayo pag sumuway ka. Pagsesermon nito.
I know what's the consequences of what I'm doing and I'm willing to take the risk. Kalmado kong sabi.
Willing to take the risk? Agent K naririnig mo ba ang sarili mo? Irisk mo ang position mo bilang top agent para sa kanya? Unbelievable! Mapait nitong sabi.
Yes, I will risk everything for her because I love her. Maiintindihan mo din ako someday kapag nagmahal ka. Sunod-sunod pumatak ang mga luha niya. I'm sorry. Yun lang ang sinabi ko at tumalikod na ako para bumalik sa kwarto.
(End of flashback)
————————————————
[Aya]
Matapos kong marinig ang totoong nangyari ay naging malinaw na sakin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Love and Bullets
Action•Completed •Second story •Bts and Yoona •Action and romance •VYoon