[Aze]
Nakatayo ako sa tapat ng puntod nang babaeng...Nagbigay ng buhay sa buhay ko ngayon.
Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko sabay ng pagngiti niya.
Mommy si Zander po, boyfriend ko. Pagpapakilala niya sa akin.
Ilang months na ang nakalipas simula nung muntik na siyang mawala sa akin. Takot na takot ako that time na mawala siya sa akin at malaki ang pagpapasalamat ko ng gumising siya at hindi niya ako iniwan. Zander mag hi ka kay Mommy. Nakanguso nitong sabi sa akin kaya natawa ako. Bago nakangiting nagpakilala sa mommy niya.
Hello po! Ako po si Zander Blaize Kim boyfriend po ng anak ninyo. Sabay pisil ko sa kamay niya kaya napangiti siya. Makakaasa po kayo na aalagaan at mamahalin ko ang anak ninyo gaya ng pagmamahal at pag aalaga ninyo ng daddy niya. Tiningnan ko si Aya bago ngumiti. Wish me luck din po. Napakunot naman ang noo ni Aya dahil sa sinabi ko.
What do you mean by that? Tanong nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Aalis na po kami. Pagpapaalam ko sa mommy niya. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng memorial park.
Uy! Zander, anong ibig mong sabihin doon? Pangungulit ni Aya sa akin.
Wala, humingi lang ako ng good luck para mas mahabaan ko pa ang pasensya ko sa pagsusungit mo sa akin. Natatawa kong biro sa kanya. Inirapan niya lang ako at nauna nang maglakad sa akin.
Pinagbuksan ko naman siya ng pinto ng sasakyan at hindi parin niya ako pinapansin.
Habang nasa byahe kami ay tahimik parin siya.
Hey, sorry na. I'm just joking. Don't get mad at me. Malambing kong sabi sa kanya habang sinulyapan ko siya sandali.
Psh! Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa labas. Saan tayo pupunta? Hindi ito yung way papunta sa bahay. Tanong nito sa akin.
Bati na ba tayo? Inirapan naman niya akong muli kaya kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito.
Sorry na. Malambing kong sabi. I love you. Hindi nakatakas sa akin ang palihim niyang pag ngiti. Kaya alam kong bati na kami.
Psh! I love you too. Kunwaring inis niyang sabi sa akin.
Nang makarating kami sa next naming pupuntahan ay agad nilibot ni Aya ang paningin niya.
*** cemetery? Kunot noong sabi niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at inaya na siya maglakad sa loob.
Tumigil kami sa tapat ng dalawang puntod.
Alexander Kim
Alliana KimMa, pa, si Aeia Leire Lim po girlfriend ko. Pagpapakilala ko kay Aya sa mga magulang namin. Tumingin ako kay Aya.
Hello po! Nice to meet you po. Nakangiti niyang sabi.
Ma, pa bigyan po ninyo ako ng lakas ng loob. Agad naman akong nakatanggap ng hampas mula kay Aya.
Ano na naman iyan sinasabi mo?!! Baka isipin ng parents mo at ni Mommy hindi ako good girlfriend sayo. Naiinis niyang sabi kaya natawa ako, inakbayan ko siya bago binalik muli ang tingin sa puntod ng parents ko.
BINABASA MO ANG
Love and Bullets
Action•Completed •Second story •Bts and Yoona •Action and romance •VYoon