[Thunder]
Kanina ko pa napapansin na parang may kakaiba sa dalawang ito. Hmmm...Hanggang sa makarating na kami ng mansion, Miss Aya okay lang po kayo? Mukhang hindi po maganda ang timpla ninyo. Pasimpleng sabi ko dito.
Psh! Ask your moody friend. Sabay lakad papunta sa taas. Tiningnan ko naman si Aze para tanungin pero ang gag* nag kibit-balikat lang.
Hmmm... lihim naman akong napangiti. Iba to! Mukhang masaya manood ng mga mangyayari ah! Iiling naman akong napasipol at sumunod na kay moody friend.
——————————————————
(Kinabukasan)
Maaga kaming naghanda dahil maaga ang schedule ni Miss Aya. Grabe ito ang pinaka busy na taong naging mission ko.Nandito kami ngayon ni Aze sa labas para magpahangin habang umiinom ng kape.
Kailan kaya tayo matatapos sa mission natin bro? Mukhang matatagalan pa tayo kasi parehong bigatin ang client natin. Pambasag ko ng katahimikan namin.
I don't know. We need to find clues kung sino ang tao behind this. Seryosong sabi niya.
Maiba ako, ano ba talaga nangyari kahapon bakit bad mood si Miss Aya? Anong ginawa mo? Usisa kong tanong.
Tss. Wala naman. Nakangising sabi nito. Psh! Iiling-iling nalang ako sa naging sagot niya. Di talaga makausap ng matino.
Pumasok na kami sa loob, naabutan namin si Miss Aya na naka ayos na. Grabe! Ang ganda talaga ni Miss Aya kaya kahit mahirap itong mission namin at nakakalimutan ko na ang mga chicks ko ay solve na ako.
Good morning Miss Aya. Nakangiting bati ko. Ngumiti naman siya sa akin at binati din ako at nang mapatingin siya kay Aze ay napairap ito. Haha.
Na curious tuloy ako kung ano ba talaga ang ginawa ni Aze sa kanya?
——————————————————
Nandito kami ngayon sa office ni Miss Aya. Kitang-kita ko kung gaano kadami ang paperworks ni Miss Aya sa table niya.Agad naman siyang naupo at nag umpisang basahin ito. Lumipas ang oras at ganun lang ang ginawa niya. Kami naman habang nakabantay sa kanya ay gumagawa din ng paperworks para sa LS.
Maya-maya ay tumawag si Miss Aya sa kanyang secretary para magpa deliver ng pagkain.
Nang mahatid ng secretary niya ang mga pagkain ay agad namin itong inayos sa table. Patuloy parin si Miss Aya sa kanyang ginagawa. Grabe! kahit mukhang stress na ito ay maganda parin.
Niligpit na namin ang mga gamit namin samantalang si Miss Aya ay pagod na tumayo sa kanyang upuan. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginawa ni Miss Aya. Tinanggal niya kasi ang blazer niya kaya kitang kita ang suot niyang damit. Grabe parang uminit!
Nakasuot kasi si Miss Aya ng tube top na kulay puti at isang pencil cut na maroon skirt. Grabe ang hot!
Tinaasan naman niya ako ng kilay kaya agad akong napainom ng tubig.
Ready na ba yung food nagugutom na kasi ako? Tulalang napatango ako sa kanya. Tiningnan ko naman si Aze at wala manlang reaksyon ang gag*. Psh! Manhid ata ito eh. Kahit sinong nandito matutulala kay Miss Aya.
Sige lang Aze food is life! Please note my sarcasm.
Yes po Miss Aya. Kain na po tayo. Nag umpisa na itong kumuha at kumain kaya ganun din ang ginawa namin.
——————————————————
Nang matapos si Miss Aya sa office ay agad kaming pumunta sa next appointment niya. Sa isang noontime show kung saan siya magpropromote.Nasa byahe kami ngayon at natutulog ito. May takip siyang eye mask at may earphones sa tenga niya.
Bro, grabe kanina no? Para akong aatakihin, ang hot ni Miss Aya. Pagkausap ko kay Aze.
BINABASA MO ANG
Love and Bullets
Action•Completed •Second story •Bts and Yoona •Action and romance •VYoon