Bullet 24

322 18 9
                                    

[Aya]
Kadadating lang namin sa resort at agad kaming sinalubong ng mga staff doon.

Welcome Miss Aya. Agad naman nila inasikaso ang mga dala naming maleta.

Nagpaalam naman sila Nay Isay at Tay Ramon na pupunta muna sila ng kwarto nila kaya tinanguan ko sila.

Agad naman nagpaalam si Thunder at Agent X na i check lang nila ang cctv room at mag rounds na din ng area.

Psh! Kaya ko nga sila sinama dito para magrelax naman sila kahit papaano at hindi puro trabaho ang iniisip nila. Pinili ko nalang na mag ikot-ikot sa resort.

Matagal na din ng huli akong bumisita dito. Madaming tao ngayon dito dahil peak season na.

Napatingin naman ako sa likod ko ng maramdaman na may kanina pang sumusunod sa akin.

Zander. Tawag ko dito. Seryoso lang siyang nakatayo sa likod ko. Akala ko kasama mo sila Thunder mag rounds?! Gulat kong tanong.

Tss. Sa tingin mo, sino magbabantay sayo kung kasama nila ako? Natawa naman ako sa pagkaseryoso ng pagkakasabi niya.

Nag iikot lang naman ako, wala naman mangyayari masama sa akin. Nakangiti kong sabi.

Tss. Hindi ba sumagi sa isip mo na anytime ay— nevermind! Ngumiti naman ako sa kanya.

Na anytime may pwedeng pumatay sa akin dito. Natawa naman ako. May bago ba? Eh parang laging kadikit ko na yun. Natatawa ko naman biro pero nanatili siyang nakatingin sakin ng seryoso at hindi natawa manlang.

Hindi magandang biro iyan. Sabi nito kaya natigil ako sa pagtawa.

Oo na, chill! Napaka seryoso naman nito. Sabi ko nalang.

Tss. Mag-iikot ka p—

Di ba ikaw si Aya Wilson? Hindi natapos ni Zander ang sasabihin niya dahil may biglang lalaking lumapit sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. Wow! Isa ako sa fan mo, pwede magpapicture? Tumango naman ako sa kanya at nagselfie kaming dalawa.

Medyo madami nakapansin samin kaya dinagsa na ako ng mga tao para magpapicture. Nang matapos ako ay tiningnan kong muli ang nakakunot-noong si Zander.

Sorry Zander. Tara na? Alanganin kong ngiti sa kanya. Mukha kasi siyang bad mood.

Tss. Puro lalaki ba ang fans mo? May inis niyang tanong. Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.

Mostly lalaki pero may mga babae din akong fans, diba kasama kapatid mo dun? Nabanggit sakin ni Ally noon na idol daw niya ako at isa siya sa mga avid fans ko.

Tss. Ganun ka ba ka close kapag nagpapapicture sila? Tanong nitong muli kaya napahinto na ako sa paglalakad.

Psh! Ano bang pinoproblema nito? Agad naman may sumagi sa isip ko ang maaring dahilan kung bakit mainit ang ulo nito.

Lumapit ako dito at nilahad ang kamay ko sa harap niya na parang may hinihingi. Can I have your phone? Kumunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko kaya naman tinaasan ko siya ng kilay at ginalaw ang kamay ko. Dinukot naman niya ito sa bulsa ng coat niya.

Nasa beach siya pero naka coat? Iba din trip ni Zander eh! Nang maabot niya sa akin ang phone niya ay agad kong tinap ang camera.

Love and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon