[Aya]
Kaninang umaga nakilala ko na ang bagong agent na magbabantay sa akin. Isa lang ang masasabi ko tungkol sa kanya—hindi ko siya gusto!
Aya focus!!! Saan ka ba nakatingin?!! Sigaw ni Direk sa akin. Nagsorry naman ako kaya sinabi niyang mag break muna. Agad akong napanguso dahil sa nangyayari.
Ano bang nangyayari sayo Aya?!! Umayos ka nga!! Tinapik-tapik ko naman ang mukha ko para magising ako kahit papaano. Kaso pagharap ko agad napataas ang kilay ko sa nakikita ko.
Nakakairita! Dito pa talaga naglandian sa set!
Agad naman akong dumaan sa gawi nila at dire-diretsong pumunta sa tent ko.
Aissshhh! Nakakainis!!
——————————————————
Lumipas ang oras at nandito parin kami sa taping. Pagod na pagod na ako at gusto ko na magpahinga. Nakadagdag pa sa pagod ko ang nakikita kong nakakairitang bagay.Aya pinabibigay ni Jimin ito sayo. Sabi ni ate Judy bitbit ang isang milktea. Kinuha ko naman ito at ininom habang masama ang tingin sa dalawang taong kanina pa naglalandian sa harap ko.
Kung nakakamatay lang ang titig Aya for sure bubulagta na yung dalawang yun. Agad naman akong napatingin kay Agent M ng magsalita ito. Napairap naman ako sa kanya kaya natawa ito.
Psh! Tigilan mo ako agent M, pagod ako wala ako sa mood. Walang gana kong sabi. Anong ginagawa mo dito bakit hindi ka sumali sa kanila? (nang hindi sila naglalandian sa harap ko). Pabulong ko nalang sinabi yung huli kong salita.
Tsinecheck ko kasi yung area Aya. Tsaka mukhang kailangan mo ng kausap. Nakangiting sabi nito.
Buti ka pa ginawa mo yung trabaho mo di gaya ng iba kay bago-bago landi agad. Natawa naman si Agent M dahil sa sinabi ko.
Mabait naman si Agent X, Aya. Ganyan lang siya kay Agent K kasi matagal nang may pagtingin si Agent X kay Agent K. Lalo tuloy sumingkit ang mata ko dahil sa sinabi ni Agent M.
Hindi ko mapaliwanag bakit ako asar na asar sa kanila. Siguro di nila ginagawa ang trabaho nila. Tama! Yun nga!
Nang matapos ang break ay agad akong bumalik sa taping.
Nakakamiss si Carms for sure maiinis din siya sa kanila.
——————————————————
Pauwi na kami at pagod na pagod ako. Madaling araw na natapos ang taping namin. Buti nalang pinayagan ako ni Ate Bubbles magpahinga bukas at sa mga susunod na araw. Next week na kasi ang concert ko kaya dapat paghandaan ko ito.Pagdating namin ng mansion ay nagulat ako ng makita si Carms kaya patakbo ko siyang niyakap.
Babae namiss kita. Niyakap din niya ako.
Oh Gosh! Namiss din kita babae. Look ang dami kong pasalubong for you. Sabay pakita ng mga dala niya.
Aya, check lang namin ang area. Tumango naman ako sa sinabi ni Agent M at hindi pinansin ang nakatingin na si Agent K at X.
Pagkaalis nila ay tiningnan naman ako ni Carms ng makahulugan. I saw that babae. Who's that girl? Ngayon ko lang siya nakita. Tanong nito. Naglakad naman kami papunta sa hagdan para pumunta sa kwarto ko.
Well, new bodyguard. Walang gana kong sabi.
Hmm... I smell something. Sabay amoy sa akin. I smell something jelly. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Of course not! Agad kong tanggi sa sinabi niya.
Yes you are. Crush mo no? Tanong niya sa akin habang taas baba ang kilay. Psh! Ako??magiging crush yun....
BINABASA MO ANG
Love and Bullets
Action•Completed •Second story •Bts and Yoona •Action and romance •VYoon