(2 months passed)
(A/N: naka fast forward ulit ito)
[Ally]
Kadadating ko lang sa bahay galing sa school. Sa loob ng dalawang buwan ay nakapag adjust na ako sa bagong school ko.Hindi alam ni ate Aya na noong unang buwan ko dito sa Europe ay kinakamusta pa ako ni Kuya pero ngayon ay hindi na at hindi ko maiwasan mag-alala sa kanya.
Alam ko lahat...
Lahat-lahat, dahil ako ang dahilan kung bakit nagawa ni kuya iyon kay ate Aya.
Hindi ko na kayang itago at magpanggap na walang alam. Kahit nakikita kong ngumingiti si ate Aya ay alam kong nasasaktan parin siya.
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya kung gaano siya kamahal ni Kuya pero hindi ko magawa, dahil iyon ang sabi sa akin ni kuya. Ang wag sabihin ang totoo kay ate Aya.
Lumapit ako kay ate Aya na nakaupo dito sa may garden at umiinom ng kape niya habang malalim na naman ang iniisip.
Ate Aya. Lumingon naman siya sa akin.
Ally. Nakangiti niyang sabi. Kanina ka pa? Tanong nito sa akin pero hindi ko inabalang sagutin ang tanong niya at seryoso ko siyang tiningnan.
May kailangan po kayong malaman. Seryoso kong sabi bago huminga ng malalim at sinimulang sabihin sa kanya ang totoo.
(Flashback)
(A/N: ito yung time na may relationship na si Aya at Zander.)
Pauwi na ako galing sa ojt ko. Kausap ko si kuya dahil nagiging overprotective na naman ito sa akin.Pauwi na nga ako kuya. Nag iint—hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko kay kuya dahil may van na biglang tumigil sa harap ng shed na pinagiintayan ko at sapilitan akong isinasakay.
Teka!! Sino kayo?!! Anong gagawin ninyo sakin?!! Bitawan ninyo ako!!pagpupumiglas ko pero agad akong tinutukan ng baril ng isa sa kanila kaya nabalot ako ng takot. Nang masakay nila ako ay may nilagay sila sa panyo at saka pinaamoy ito sa akin hanggang sa mawalan ako ng malay.
Nang magising ako ay nasa isang magandang kwarto ako at nang maalala ang nangyari ay agad akong tumakbo sa may pintuan para tumakas kaso naka lock ito.
Ilang araw ang lumipas at nakakulong lang ako sa kwartong ito hanggang sa may ilang lalaki ang pinalabas ako at dinala ako sa isang kwarto. Nagulat ako ng makita ang kuya ko.
Kuya!! Natatakot kong tawag kay Kuya. May nakatutok kasing baril sa ulo ko at sa likod ko.
Ally! Tawag sa akin ni kuya ng makita niya ako. Please wag ninyong sasaktan ang kapatid ko. Nagmamakaawang sabi ni Kuya. Inilibot ko naman ang tingin ko sa kabuuan ng lugar. Lahat ng lalaki sa loob na ito ay armado ng mga matataas na kalibre ng baril maliban lang sa isang lalaki na prenteng nakaupo sa sofa.
Napangisi ito ng mapansin nakatingin ako sa kanya. Base sa itsura niya ay malamang siya ang amo ng mga tao dito. Mababakas mo din sa kanya na mayaman siya at mukhang businessman kahit napakabata pa nito.
Agent Kim gaya ng pangako ko. Nakita mo na ang kapatid mo at maari mo na din siyang maiuwi sa oras na tanggapin mo ang proposal ko? Nakangiti nitong tanong kay Kuya. Proposal? Anong sinasabi niya?
Tiningnan ako ni Kuya bago ibalik ang tingin sa lalaking nagsalita kanina.
Y-yes. I'll accept your offer Loui Choi. Wala akong idea kung ano ang pinag-uusapan nila ang alam ko lang ay hindi iyon gusto ni kuya dahil nakita ko kung gaano nalang itikom ni kuya ang kamao niya.
BINABASA MO ANG
Love and Bullets
Action•Completed •Second story •Bts and Yoona •Action and romance •VYoon