Bullet 30

385 17 10
                                    

[Third person]
Nahihilong bumangon si Zander matapos  makatanggap ng hampas sa ulo. Naramdaman na naman niya ang pag-agos ng dugo sa kanyang ulo kaya agad niya itong pinunasan.

Zander! Narinig niyang sigaw ni Aya kaya napatingin siya dito. Nginitian niya ito at hindi ininda ang sakit na nararamdaman.

Aya magtago ka muna, pangako ililigtas kita dito. Agad siyang sinunod ni Aya at nagtago pero sinigurado ni Aya na nakikita niya ang mga ito. Hindi naman siya makagalaw ng ayos dahil nanatili parin sa katawan niya ang kadenang may bomba.

Haha. Kahit matalo mo ako dito sa tingin mo makakaligtas kayo? Bago mo magawa iyon ay sasabog na ang lugar na ito kasama ang anak ni Simon Lim. At tumawa ito ng malademonyo. Dahil matapang ka uunahin na kita tutal gusto mo na din naman makita ang magulang mo, pagbibigyan kita. Matapos iyon ay sinugod niya si Aze. Parehas silang magaling ang fighting skills kaya halos tabla sila.

Nakakasuntok si Aze at nakakabawi din ang kalaban niya.

Ilang minuto din tumagal ang palitan nila ng suntok. Kailangan na ni Aze magmadali dahil tumatakbo ang oras niya kailangan na niyang idefuse ang bomba.

Si Aze ang sumugod at hindi niya inaasahan ang pinakawalang suntok ng kalaban niya. Tinamaan ang sugat niya na ngayon ay dumudugo na.

Lumayo muna siya dito at mababakas mo sa mukha niya na nasaktan ito.

Oops... mukhang nakasapul ako ah. Nakangising sabi ng tauhan ni Samuel habang nakatingin sa kamao niyang may mantsa ng dugo. Si Aze naman ay ngiwing napahawak sa sugat niya.

Biglang sumugod kay Aze ang kalaban niya at nang maiwasan nito ang suntok ay agad niya itong kinuhang pagkakataon para kulungin gamit ang bisig niya.

Hindi naman nagpatinag ang kalaban niya at pilit kumakawala, sinisiko nito ang sugat niya para matinag siya sa pagkakahawak niya dito. Kagat-labing tinapat ni Aze ang relo niya sa leeg nito at saka pinindot ang isang button. Tinulak niya ito ng ubod ng lakas kasabay ng pagkakatumba niya.

Balak na sana siyang sugudin muli nang bigla itong huminto at agad humawak sa dibdib niya. Para itong hindi makahinga at maya-maya din ay bumagsak na ito at wala ng buhay.

Agad naman lumabas sa pinagtataguan si Aya at lumapit kay Aze.

Zander. Naluluha si Aya matapos makita ang kalagayan ni Aze.

Napatingin naman sa kanya si Aze at nginitian siya at lumapit sa kanya. Shh... don't cry. Ililigtas kita. Malambing na sabi nito bago sinimulang idefuse ang bombang nakakabit sa kanya.

3 minuto nalang ang natitirang oras.
















Focus na focus si Aze sa pagdedefuse ng bomba. Pinagpapawisan na siya at nahihilo dulot ng kalagayan pero isinawalang-bahala niya ito.

1 minute...

Nakatitig lang si Aya kay Zander. Naiiyak siya dahil alam niyang hindi na maganda ang kalagayan nito pero pinipilit niyang iligtas siya. Zander, umalis ka na. Iwan mo na ako dito. Lumuluhang sabi ni Aya.

Napatingin naman sa kanya si Aze sandali bago binalik ulit ang atensyon sa pag defuse ng bomba. Ano bang sinasabi mo Aya? Alam mong hindi ko gagawin iyan. Kahit anong mangyari hindi kita iiwan dito. Seryosong sabi nito at patuloy sa pagtingin-tingin sa wire.

Makaligtas man tayo sa bomba Zander, malalagay ka naman sa alanganin. Tingnan mo ang kalagayan mo? Zander pakiusap umalis ka na. Iligtas mo ang sarili mo. Lumuluha parin sabi ni Aya.

Love and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon