[Aya]
Kakadating ko lang ngayon sa Pilipinas. At mahaba-haba pang diskusyon ang ginawa ko dahil ayaw akong payagan ni Carms na bumalik. Pinayagan niya ako ng hanggang dalawang araw.Ngayon nagiintay na ako ng taxi para makauwi muna sa mansion. Wala parin idea si Dad na umuwi ako ngayon.
Uhmm... kayo po ba si Miss Aya Wilson? Tanong sa akin ng isang lalaki kaya naman tumango ako sa kanya.
Yes. Anong kailangan m— nagulat ako ng bigla niya akong higitin at pilit takpan ang bibig ko gamit ang panyo. Napansin ko din na may tumigil na isang van sa tapat namin at sapilitan nila akong sinakay dito.
Nagpumiglas ako pero agad akong nakaramdam ng hilo at bumigat ang mga mata ko.
————————————————
[Aze]
Hindi ko inaasahan ngayon ang bisita ko. Si President Lim. Nandito siya para alamin sakin ang mga nalalaman ko.Kinuwento ko sa kanya lahat-lahat.
Walang-hiya talaga si Samuel! Galit na sabi niya. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa asawa ko at magulang mo.
Magagawa lang po natin yun president pag may evidence tayo laban sa kanila. Sabi ni Thunder kaya napatingin sila sa akin.
Nakuha mo ba? Tanong sakin ni President. Tumango naman ako sa tanong nito.
Bigla naman naputol ang usapan namin dahil sa may tumatawag kay President.
Yes iha? Napatingin naman ako matapos marinig ang sinabi niya. Si Aya kaya ang kausap niya? Sobrang miss ko na siya. I'm fine. Kayo kamusta? Tahimik lang kami nakinig ni Thunder sa pakikipag-usap ni President. What!!! Gulat kaming napatingin dito matapos marinig ang pagsigaw nito. Okay iha, salamat. At binaba na nito ang cellphone niya at tinago.
That's Carms. Pagiinform sa amin ni President. Carms? Yung bestfriend niya? Umuwi daw ng bansa si Aya ngayon. Nagkatinginan kami ni Thunder matapos sabihin iyon ni President.
Agent M samahan mo ako sa airport. Susunduin natin ang anak ko. Agad naman tumayo si Thunder at sumunod kay President Lim.
Nang makaalis sila ay hindi ko maiwasang mag-alala.
Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari?
Please Aya be safe!
————————————————
[Thunder]
Kanina pa kami nagiikot dito sa airport. Kasama ko ang ilang bodyguards ni President. Nang dumating kami dito ay agad kaming nagtanong tungkol sa arrival ng flight galing Europe at sinabi na kanina pa daw nakadating ang eroplano ni Aya Wilson.Tumawag na din ako kay Nay Isay at wala si Aya doon. Masama ang kutob ko sa nangyayari. Wag naman sana.
————————————————
[Aze]
Nang makabalik sila Thunder ay agad kong tinanong si Aya. Pero tanging iling lang ang naging sagot nito.Wala siya sa airport at sabi ni Nay Isay hindi din ito dumating sa mansion. Sabi ni Thunder.
F*ck! Sana mali ang iniisip kong lugar kung nasaan ka.
————————————————
[Aya]
Nang magising ako ay agad kong nilibot ang aking paningin, nang maalala ko ang nangyari ay agad akong nagpanic.Urrghh... urrghh... hindi ko magawang humingi ng tulong dahil may nakalagay sa aking bibig, maging ang kamay at paa ko ay nakatali din sa upuan kung saan ako nakaupo.
Maya-maya ay may pumasok na isang tao sa kwartong pinaglalagian ko.
Nang mamukhaan ko ito ay hindi ko mapigilan magpumiglas dahil sa galit.
BINABASA MO ANG
Love and Bullets
Action•Completed •Second story •Bts and Yoona •Action and romance •VYoon