Bullet 22

332 17 22
                                    

[Third person]
Laman ng balita ngayon ang nangayari kay Aya sa meeting de Avanze ng partido ni President Lim.

Maraming reporters ang nakaabang sa labas ng hospital, naghihintay ng kahit konting impormasyon at pahayag mula sa mga taong involved sa nangyari.

Hindi naman mapakali si President Lim sa labas ng operating room kakaantay sa lagay ng kanyang anak na kasalukuyang inooperahan sa loob. Pinapakalma naman siya ni Samuel Buenaventura na abot-abot ang tuwa dahil sa nangyari.

Maging si Aze ay hindi din mapakali kakahintay. Sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari kay Aya. Kung hindi niya pinairal ang galit at agad hinanap ang isang sniper sana ay wala si Aya ngayon sa hospital. Nawala sa isip niya ang dapat niyang gawin dahil sa nakaharap niya.

Lahat sila ay napatingin ng bumukas ang pinto ng operating room at bumungad sa kanila ang doctor.

Doc kamusta si Ms. Wilson? Agad na tanong ni President Lim sa doktor.

The patient is now stable. Natanggal na namin ang bala sa katawan niya. Maswerte ito dahil sa balikat ito tinamaan at hindi sa puso. Nakahinga naman ng maluwag si Aze matapos marinig ang sinabi ng doktor. Maya-maya ay pwede na siyang ilipat sa private room. Excuse me. Pagpapaalam nito.

Maswerte si Aya dahil napigilan ni Thunder ang huling sniper kaya hindi naging malala ang tama niya.

Lumipas ang oras at nalipat na si Aya sa isang private room. Umalis na sila President at Vice-President matapos masigurong ligtas si Aya para harapin ang nangyari.

Dumating na din sila Nay Isay at Tay Roman para sila ang magbantay kay Aya. Napanood nila ito sa balita kanina kaya nagmadali silang pumunta sa nasabing hospital.

Nagbabantay din naman sila Aze, Thunder at Aliza sa hospital at naireport narin nila ang nangyari kay Chief Dela Costa. Nagpadala na din ng ilang tao si Chief Dela Costa para makatulong nilang magbantay.

Nasa loob lang sila Aze at iniintay magkamalay si Aya.

Iho, ano bang nangyari bakit nabaril ang alaga ko? Naiiyak na tanong ni Nay Isay kay Aze.

Sorry Nay Isay. Nangako ako na proprotektahan ko siya pero hindi ko nagawa. Mahinang sabi ni Aze.

Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin dahil hindi kita sinisisi iho, alam kong ginawa mo ang lahat para proteksyunan ang alaga ko. Hindi ko lang maiwasan na mag-alala para sa alaga ko. Mahabang sabi ni Nay Isay.

Naging tahimik na sa kwartong iyon matapos sabihin iyon ni Nay Isay. Inintay na lamang nila na magising si Aya.
————————————————
[Aya]
Nang minulat ko ang aking mata at sandaling kong ginalaw ang aking katawan ay agad akong napapikit dahil sa kirot na aking naramdaman.

Aya. Napalingon ako sa aking tabi matapos marinig ang boses na tumawag sa pangalan ko. May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Nag-aalala niyang tanong.

Tubig. Namamaos kong sabi. Agad naman niya akong kinuha ng tubig. Tinulungan niya akong maupo ng maayos saka inabot sakin ang baso na may lamang tubig. Matapos kong uminom, salamat. Agad naman niya pinatong ang baso sa mesa sa tabi ng kama ko.

Kamusta ang pakiramdam mo? Tanong nito sa akin. Mababakas mo sa mukha niya na malungkot siya kaya nginitian ko siya.

Ayos lang ako, medyo kumikirot yung balikat ko pag gumagalaw ako. No need to worry. Nakangiti kong sabi. Tumango naman ito sa akin.

Sorry. Mahina niyang sabi.

Para saan? Para dito? Sabay angat ko sa balikat ko kung saan may tama. Hindi mo naman kailangan humingi ng sorry dahil wala ka naman kasalanan sa nangyari. Alam ko naman ginawa mo ang lahat para proteksyunan ako. Kaya salamat Zander. Nakangiti kong sabi dito. Ramdam kong iniisip niya na kasalanan niya ang nangyari sa akin pero dapat ay hindi niya isipin iyon dahil hindi ko siya sinisisi. Si Dad ayos lang ba siya? Nag-aalala kong tanong dito.

Love and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon