Gwen's POV
"Hey, gising!" Naalimpungatan ako ng maramdaman ang kamay na sumasagi sa pisngi ko na pilit ata akong ginigising.
"Maaga pa." Reklamo ko at nagpatuloy sa pagtulog.
"You promised, remember?" Minulat ko ang aking mata at wala sa sariling napaupo sa aking kama.
"Damn, what are you doing here? How did you get here?" I asked.
"You forgot to lock the door. As usual." Sagot nito na natatawa.
"Then, what are you doing here?"
"You promised, we'll do the one week challenge. Right? So get up!" Sagot nito at pilit hinila ang kumot.
"Tekaaa!" Sigaw ko at binawi ang kumot.
"Go on! May muta ka pa sa mata mo tapos-" Nagulat ako sa kanyang sinabi at wala sa sariling napatalon mula sa kama. Nagtungo ako sa bathroom at wala sa sariling napatingin sa salamin.
I saw myself in the mirror and wala naman akong muta! Damn that guy! He never change!
Napatingin ako sa pintuan kung saan nanggagaling ang tawang aking naririnig. I miss that laugh.
**"Ang tagal mo, kay!" Bungad na reklamo ni Kyle ng lumabas ako ng banyo.
"Sinabi ko bang maghintay ka?" Sabat ko at nagtungo na sa sala para kunin ang aking shoulder bag.
"Hindi naman." Natatawang sagot nito. Lumingon ako sa kanya at nagtataka kong sinundan ang kanyang tinitignan.
"What? Gusto mo bag ko?" I asked curiously. Inagaw nito ang aking bag at nilagay muli sa lalagyan nito.
"We're not going to malls, restaurants, nor a park Kay. We're going to an adventure." Nakangiti itong hinila ang aking kamay at nagsimula ng maglakad.
"Teka, kung ganun kain muna ako! Di pa ako nag agahan!" Reklamo ko at pilit binabawi ang kamay ko.
"No. Doon na Kay. Kahit ngayon, tiisin mo gutom mo." Sagot nito.
"Ano ba?! Nagugutom ako, okay? Ikaw nga mag dinner ng six! Tapos di ka kakain ng pang agahan."
Natigil ako sa paglalakad ng bigla siyang tumingin sa akin at nagtama ang aming mata.
"Kay, ilang minuto lang ang iyong titiisin. Kaya mo naman iyon, diba? Kasi di ka naman mamatay agad. Kung reklamo ka ng reklamo, baka di ka maka agahan." Seryoso nitong sabi. Nag nod na lang ako bilang sagot dahil sobrang lapit niya.
Hinawakan muli nito ang aking kamay at nagpatuloy kami sa paglalakad. Damn this guy! Kaka break lang namin last week, tapos ngayon bigla siyang dadating? Nag mo-move on yung tao e. Tss
**"Eat that for the mean time." Abot nito sa akin ang isang spaghetti, burger at isang coke float. Kinuha ko iyon dahil no choice. Gutom ako.
Kung saan niya ako dadalhin, ay hindi ko alam. Pero may tiwala naman ako sa kanya. Sa tagal ba naman naming magkasama. Natural lang na makilala ko na kung sino talaga siya.
"Kay?" Nabalik ako sa aking sarili ng marinig muli ang kanyang boses.
"Ano ba? Bakit ka ba kay ng kay ha? Di ko naman iyon pangalan!" Dere-deretso kong sabi. Totoo iyon. Kanina pa ako tinatawag na Kay, di lang ako magkaroon ng time para tanungin siya.
"Noong tayo, gusto ko sanang maging callsign natin ay Koy at Kay."
"Bakit?"
"Lagi mo kasi akong tinatawag na Kengkoy. Nung una, ayoko sa Kengkoy pero habang tumatagal ay nasasanay na ako and I learn to love that."
"Oh? Tapos?"
"KengKoy ako. Tapos ikaw, kengKay."
Muntik ko ng mailabas ang spaghetti na aking kinakain dahil sa kanyang sinabi.
"Seriously?" Natatawa kong tanong. Damn, this is super duper corny! And at the same time, nakakatawa! Ghad! Hahaha!
"Seryoso iyon. Kaya ngayon, tawagin mo akong Koy tapos tatawagin kitang Kay."
BINABASA MO ANG
One Week Challenge With My Ex
Teen FictionLive your life to the fullest. Appreciate every existence. For you, not to experience regrets in the future. xoxo