Chapter Four: Day 3

6 0 0
                                    

Gwen's POV

Nagising ako isang umaga na may naamoy na pagkain. Sa sobrang bango ay di ko mapigilang bumangon. Pero teka, saan iyon nanggagaling?

Dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto at dumeretso sa kusina. Naabutan ko si Kyle doon na nagluluto.

"Gising ka na pala Kay. Good morning." Mahinahon nitong bati sa akin.

"Sino nagsabi sa iyong pwede kang magluto sa kusina ko?"

"We're doing the one week challenge. Remember? Boyfriend mo ako."

"Tss. Whatever." Sagot ko at kumuha ng tubig para maghilamos.
**

"Breakfast is done!" Masaya nitong sabi. Napatingin ako sa kanyang mga niluto. Kung kami pa siguro ni Kyle, malamang kanina pa sana ito ubos.

"Ayaw mo?" Malungkot nitong tanong. Umiling ako at kinuha ang isang tinidor. Damn, Kyle? Pwede bang umalis ka muna? Hahaha! Magpanggap na di gutom at di natatakam sa mga pagkain, is so mahirap!

"Alam kong paborito mo ang mga iyan. Kumain ka na. Wag kang mahiya Kay. Para sayo talaga iyan." Nakangiti nitong sambit na tila ba nabasa ang aking isip.

"By the way, after mong kumain. May pupuntahan muli tayo."
**

"Ano ginagawa rito?" Nagtataka kong tanong.

"Ewan ko, Kay. Nagandahan lang ako sa disenyo ng bahay kaya naisipan kong dalhin ka rito." Napatingin akong muli sa kanya dahil sa kanyang sagot. Tss dadalhin ako sa lugar na pati siya, di alam.

Maya't maya ay may nakita kaming isang babae na nasa loob ng isang booth. Parang may registration fee pa.

"Ate, ano ginagawa rito?" Agad kong tanong ng makalapit kami.

"Papasok ka ba o hindi?" Nagulat ako ng biglang ganun ang sagot niya sa aking tanong. Sa sobrang sungit ata nito, kaya konting customer lang ang pumupunta rito. Tss Nagbigay ako ng forty pesos. Ang sabi kasi sa nakasulat ay twenty pesos ang registration. Mukhang may sasabihin pa sana siya kaso hinila ko na si Kyle dahil baka sungitan na naman ulit ako.
**

"Ang sungit grabe!" Asar na sambit ko ng makapasok kami sa loob.

"Masungit ka din naman Kay." Rinig kong bulong ni Kyle. Tss Kanino ba ito kampi? Tsk

Bumungad sa amin ang isang malawak na espasyo. Walang ibang gamit. May dalawang bintana pero naka close iyon. Tanging ang dalawang ilaw lang ang nakabukas. Pero mas namamayani ang dilim. It's creepy.

"Sa mga bagong dating, maupo na kayo." Rinig kong sabi ng isang matanda sa harapan. Di ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil medyo malayo siya. Napatingin ako sa ibang mga kasamahan namin na nandirito.

"Katahimikan." Sigaw ng matanda dahilan para manahimik ang lahat. Napansin kong soundproof ang bahay na ito.

"Lumayo kayo sa isa't isa. Bigyang espasyo ang inyong pagitan." Lumayo ako ng kaunti kay Kyle ayon sa utos ng matanda. Kung anong gagawin rito, ay di ko alam.

"Kay, ihanda mo ang sarili mo. Okay?" Seryoso nitong sabi at medyo lumayo sa akin.

"Ano? Ibig sabihin alam mo kung anong ginagawa rito?" Naasar kong tanong. Napansin ko siyang nag peace sign. Ang lalaking ito! Geez.

"Please squat. Ayusin ang inyong mga upo." Pagpapatuloy ng matanda. Kaunting katahimikan ang nangyari bago siya muling nagsalita.

"Before you close your eyes, think of a reason. Think of your happiness. Think of the pain. Think of your dreams. Kahit ano." Mahinahong sabi ng matanda.

May konting sumagi sa puso ko kaya walang ibang tao ang naisip ko. My happiness, my dream and the one that caused pain. KYLE. Unti-unting kong pinikit ang aking mata.

"Pagkatapos, isipin mong nandoon ka sa sitwasyon na maaaring masaya ka, malungkot, o nasasaktan."

Sinunod ko ang kanyang sinabi. Memories flashed through my mind. Nagsimulang bumalik sa isipan ko ang masasayang ala-ala namin, malulungkot at iyong araw na nag decide siyang iwan ako. Yung araw na nagmakaawa akong wag niya akong iwan

Wala na akong ibang naririnig kundi ang mga salitang binitawan ni Kyle ng araw na iyon. Ang sakit! Ang hirap.
**

"Kay! Kay!" Minulat ko ang aking mata ng marinig ang boses na iyon. There I saw Kyle. Nilibot ko ang aking paningin at napansing nakarating na pala kami. Di ko napansing nakatulog pala ako.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito at iniabot ang panyo. Di ko siya sinagot. Lumabas ako ng kanyang sasakyan na walang sinasabi.

"Teka." Sigaw na habol ni Kyle ng makalabas na rin ito.

"Kyle, let's just end this challenge. We're done. Don't act like nothing happened. It's all over. So just leave."

Di ko na pinakinggan ang sunod niyang sinabi. Ni locked ko ang pintuan bago pa man siya makapasok.

You need to leave Kyle.

Tinapos mo na ang lahat noon, bakit mo pa ginagawa ito ngayon?

One Week Challenge With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon