Gwen's POV
I wake up early in the morning na nakangiti. Ikaw kaya ang makakita ng castle. Akala ko kasi sa mga drama lang iyon totoo. Now, I realize na lahat ng fantasies ng tao ay maaring magkatotoo.
"Goodmorning!" Nabitawan ko ang tubig na hawak ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Kyle mula sa bintana.
"Ano ba?! Ganyan ba mag greet ha?" Umagang-umaga nang gu-gulat. Tss
"Hahaha! Parang di ka pa nasanay sa akin Kay." Natatawa nitong sagot.
Inirapan ko lang siya at tinignan ang basong nabasag.
"Teka, teka!" Napa angat ako ng tingin ng bigla ulit siyang sumigaw.
"Masusugatan ka sa gagawin mo. Teka lang." Pinagmasdan ko kung anong gagawin niya. Umupo ako sa isang sofa at pinanood siya habang pilit pinapasok ang kanyang sarili sa bintana. Maya't maya ay may narinig akong pumito dahilan upang tumigil din si Kyle sa kanyang ginagawa.
"Sh*t." Bulong nito. Napatingin ito sa akin na parang nahihiya.
"Sir, bawal po iyan." Rinig kong sabi ng isang guard mula sa labas. Sinusubukang bawiin ni Karl ang kanyang ulong siniksik niya sa bintana pero di nya iyon mabawi.
"Next time kasi, wag na manggugulat. Okay?" Mahinahon kong sabi at pilit pinipigilan ang sariling matawa.
"Oo na. Pero, ako na maglilinis nung basag na baso." Binuksan ko na ng tuluyan ang bintana at nakita ko ang isang guard.
"Don't worry po. Kasamahan ko po siya."
"Ha?"
Sasagot pa sana ako kaso biglang humarang si Kyle.
"Mauna na po kayo." Sabi nito. Ngumiti ako na parang baliw dahil sa kanyang ginawa.
**"Kumain ka na?" Tanong nito ng makapasok. Actually nasa isa akong resort ngayon para sana mag move on kaso biglang dumating yung taong dahilan nito. May isang sala, isang maliit na kusina at isang kwarto.
"Hindi pa." Napansin ko ang pag iba ng kanyang mukha.
"Kumain ka na." Seryoso nitong sabi.
"Maya."
"Kumain ka na Kay."
"Ayoko."
Ilang minuto ay naubusan na ito ng pasensya kaya naisipang hilain na ako palabas.
"Oo na. Kakain na. Haha!" Natatawa kong sabi.
Dumeretso kami sa isang kainan malapit sa bahay na rinentahan ko. Di ko alam kung anong resort ito. Nakita ko lang sa daan noong papunta ako sa resort ng pinsan ni mama. Gusto kong mapag isa kaya naisipan kong dito na lang. Walang mang gugulo- ah mali.
**"Wala ka bang balak ngayon?" Bored kong tanong. Kanina pa kasi siya nakamasid lang sa mga batang naglalaro sa dalampasigan.
"Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. This is the first time na nakasama kita sa ganitong lugar. Nakaka refresh." Sagot nito.
"Ayaw mo kasi akong dalhin sa lugar na ganito e." Totoo iyon. Never kaming nag outing. Apat na taon kaming magkarelasyon tapos ni isang araw, di niya ako dinala sa mga lugar na ito. Tsk
"Di sa ayaw. Alam ko kasing mas gusto mong dalhin kita sa lugar na may makakain." Napatingin ako sa kanyang sinabi. Di ko alam kung nang aasar ba siya o ano e.
Maya't maya ay bigla siyang tumayo. Umalis na ang mga bata sa dalampasigan dahil tumataas na ang alon. Tumayo ito sa aking harapan kaya nagtataka ako.
"Ano gagawin mo?" I asked.
"Sabi mo bored ka e."
Ilang minuto ay bigla siyang sumayaw.
"Ano ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong.
"Sinasayaw ang Switch It Electric Challenge." Nakangiti nitong sagot.
"Ha? Switch it Electric Challenge?" Natatawa kong sagot. Kung gaano kaganda ang boses ni Kyle, ganun kapangit ang pagsayaw niya. I'm telling the truth.
"Oo."
"Baka naman kasi, Switch It Up Challenge iyon?"
"This is my version Kay. Switch It Electric Challenge."
"Saan mo naman iyan nakuha?" Nagtataka kong tanong.
"Para kasi akong nakokoryente pag sinasayaw yung switch it up e. Kaya nilagyan ko na lang ng electric yung name para sakto sa kung paano ko ito sayawin." Seryoso nitong sagot.
Di ko alam kung anong pumapasok sa kanyang isipan. Tumawa ako ng tumawa na parang wala ng bukas. Bakit ko minahal si Kyle? Kasi I find happiness whenever I'm with him.
Five days left. Can we just extend the one week challenge?
BINABASA MO ANG
One Week Challenge With My Ex
Teen FictionLive your life to the fullest. Appreciate every existence. For you, not to experience regrets in the future. xoxo