Gwen's POV
"HAHAHAHAHAHA!" Nakatingin ako ng masama kay Kyle na kanina pa tawa ng tawa. Kanina pa daw ito gising pero naisip niyang pagtrip'an ako. Tsk Inayos ko ang aking sarili at tumayo.
"I hate you to the moon and back Kyle Valenzia!" Seryoso kong sigaw.
"Hahaha! Sorry na Kay. Hahaha! Tara na?" Iniabot nito ang kanyang kamay pero tinitigan ko lang iyon.
"Ayokong masayang ang oras Kay. Tara na. Sorry na, okay?" Nakangiti nitong sabi at kusang inagaw sa akin ang aking kamay.
"Ayoko." Bawi ko sa aking kamay. Di ko parin talaga matanggap na pinagtrip'an niya ako. Tapos ako, dalang dala. Kung ano pa ang mga sinasabi ko.
"Kay, mahal ko? Lalabs ko? Iniibig ko? Patawarin mo na ang iyong hari slash, prinsipe. Please?" Naka pout pa ito ng sinasabi ang mga iyon. Ang tawang aking pinipigilan ay tuluyan ng lumabas.
"Sorry na." Pagpapatuloy nito.
**"Walang imposible sa pagmamahal. Ito ang salita ng Panginoon." Rinig kong sabi ng pari. Nandito na kami sa loob ng simbahan at buti na lang di pa tapos. May natitirang upuan pa sa gilid na parte kaya lumapit kami rito. Madaming nagsisimba rito dahil malapit ito sa sambayanan.
"Magsitayo po tayong lahat."
Hinawakan ni Kyle ang aking kamay ng nagsimula ng kumanta ang lahat. Kumakanta ako pero mas nangingibabaw sa aking tabi ang boses niya. Napapikit ako dahil ang gandang pakinggan ng kanyang boses.
"Maupo na po tayo."
Minulat ko ang aking mata at nahuli ko si Kyle na nakatitig sa akin.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong bago umupo. Nakangiti siyang umiling at nakinig ng muli sa nagsasalita sa harapan.
**Nakatitig ako kay Kyle habang nakaluhod at nagdadasal. Tila ba ang lalim ng kanyang dinadasal dahil kanina pa siya nakaluhod. Maya't maya ay nag sign of the cross na ito at naupo sa tabi ko.
"Ano ang dinasal mo?" Tanong ko.
"Bakit gusto mong malaman Kay?"
"Wala."
"Tanungin mo na lang si God kung ano ba iyon." Natatangi niyang sagot. Tsk Itinuon ko sa harap ang aking tingin ng bigla ulit siyang may sinabi.
"Pero isa na doon, ang sana pakasalan ka."
**"Dali na, tara!" Hinihila ko si Kyle na sumakay sa ferries wheel pero ayaw nito. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dahil sa ginagawa namin.
"Last day na nga e." Nagtatampo kong sabi. Binitawan ko siya at nagsimula ng maglakad paalis.
"Oo na, oo na." Rinig kong sabi niya sa likuran ko. Nakangisi akong tumingin sa kanya at bago pa man niya bawiin ang kanyang sinabi ay hinila ko na siya.
Nakita ko kung paano siya masuka sa sobrang bilis ng ikot ng ferries wheel. Nakita ko ang takot sa kanyang mata.
"Ayoko na." Hinihingal nitong sabi ng matapos.
"Hahaha! Matatakutin."
"Kay, di ako takot. Nakakahilo lang yung ikot ng ferries wheel. Mas gusto ko iyong sa Korea, yung mabagal yung ikot."
**Nakarating kami sa bahay ng pasado alas kwatro. Ayokong pumasok sa bahay. Ayokong lumabas ng sasakyan niya. Kyle, pwedeng extend?
"Nood tayo ng sunset?" Napatingin ako sa kanya ng sinabi niya iyon. Parang narinig agad ng Panginoon ang aking hiling.
"Sige." Pagsasang ayon ko. Last day naman na Gwen kaya sulitin mo na. After nito, magkakalimutan na kayo ng tuluyan. Okay, Gwen? Okay.
Lumabas kami ng sasakyan at nakita kong may kinuha si Kyle sa likod nito. Nang makabalik ay may dala na itong isang folded tent at mga kumot.
"Akala ko, manonood lang ng sunset?" Natatawa kong tanong.
"Ganun na rin ito. I just want to spend this night with you." Nakangiti itong sagot at nagsimula ng maglakad.
BINABASA MO ANG
One Week Challenge With My Ex
Teen FictionLive your life to the fullest. Appreciate every existence. For you, not to experience regrets in the future. xoxo