Chapter Eight: Day 7

6 0 0
                                    

Gwen's POV

After makausap ni Teacher C si Kyle ay umuwi na kami. Gusto ko pa sanang magpaalam sa kanya kaso sinabi ni Kyle na sobrang busy raw ito. Pagdating namin sa guard house ay wala na din si kuya guard.

Nakatingin ako sa bintana ng kwarto na medyo nakabukas. Pumapasok doon ang kaunting sinag ng araw. Nasa alas singko na siguro ng umaga. Parang tinatamad akong bumangon. Parang gusto kong matigil ang oras dahil pagkatapos nito ay tuluyan na niya akong iiwan. Haharapin ko na ang bukas na wala siya sa aking tabi.

Napatingin ako sa cellphone na nasa aking tabi. Bubuksan ko sana ito kagabi kaso di ko namalayang nakatulog pala ako. Kinuha ko ito at sinubukang i open. Noong nakipaghiwalay si Kyle ay shinut-down ko lahat ng gadgets ko. Sinabi kasi niyang ayaw na talaga niya kaya naisipan kong kalimutan na siya. Masakit, oo. Kasi apat na taon na yun e.

Bumungad sa akin ang ilang missed calls na galing kay mama. Napansin ko ding may mahigit one hundred messages ang nasa inbox ko. Kung sino ang mga nag txt ay hindi ko alam.

Bubuksan ko palang sana ito ng biglang may kumatok sa pintuan ng bahay. Teka, alas singko palang ng umaga di ba? Bakit parang ang aga naman ata niya? Sinabi niyang second mass kami pupunta.

Dali dali kong inayos ang aking sarili at nagtungo roon. Bumungad sa akin ang isang kapiraso ng rosas.

"Goodmorning Kay." Nakangiti itong bati sa akin. Ang amo niyang tignan pero di maitatagong parang di siya natulog.

"Ang aga mo naman ata? Di ba second mass?" Nagtataka kong tanong.

"Gusto ko na mag first mass. Ayokong sayangin ang dalawang oras na kakahintay bago kita makita."

Bago pa man din ako makasagot ay pumasok na ito sa loob at nahiga sa sofa.

"Maligo ka na. Hihintayin kita rito." Sabi nito at pinikit na ang mga mata. Sabi na e, di ito natulog kagabi.

Nagtungo ako sa aking kwarto para maligo at mag ayos na. Is this really the last day? Bakit ang sakit? Bakit parang gusto kong i-extend? No! Gwen, tapos na kayo di ba? Makakabuti ito para sa inyo. Siguro hindi ito ang tamang panahon para sa inyo. Kung kayo, kayo talaga.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan kong mahimbing siyang natutulog.

"Koy?" Bulong ko dahil baka nagkukunwari lang siyang tulog? Di ba? Pero ilang ulit ko siyang sinagi ay di parin ito nagigising. Umupo ako malapit sa kanya at tinitigan ang maamo niyang mukha.

Wala naman naging problema, pero bakit nag desisyon kang makipag hiwalay? Tapos ngayon, bigla bigla kang hihingi ng pabor. One week challenge? Di ba one day challenge lang iyon? Yung sa magjowa challenge? Napangiti ako ng mapansin iyon. Baka sabihin na naman niyang, 'di naman tayo mag jowa'. Whatever Kyle.

Napatingin ako sa aking relo ng mapansing mag a-alas otso na. Second mass na ang sunod.

"Kyle?" Bulong ko sa pangalan niya pero mas malakas na iyon ngayon. Sorry to interrupt his sleep, pero kailangan na naming pumunta sa church. Ilang ulit ko siyang sinagi pero di parin ito nagigising.

"Oy kyle!" Nag aalala kong sigaw pero di parin ito gumigising o kahit gumalaw man lang.

"Oy Kyle! Wag ganyan! Wag ka magbiro ng ganyan! Gising na!" Naiiyak kong sigaw pero wala paring nangyayari.

"Kyleeee! Gising na oh! Oy, magche-church pa tayo! Kyle, tatapusin pa natin itong challenge! Kyle!"

Di ko na napigilan ang pag tulo ng aking luha. Ayos lang sa akin na makipaghiwalay siya pero ang mawala siya ng tuluyan sa buhay ko ay di ko makakaya. Kahit makita ko lang siya sa malayo, ayos na. Kahit makita ko lang siyang masaya kahit di na ako ang dahilan, ayos na. So please, Kyle wake up.

One Week Challenge With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon