Gwen's POV
[Now playing: You Are The Reason by Calum Scott]
Kinabukasan, tinuro sa akin ni mama kung saan nakalibing si Kyle. Nagpumilit ako kagabi kaso sinabing masyado ng delikado. Ngayon, ay sinamahan niya ako pero sinabi kong mauna na siyang umuwi at susunod na lang ako.
Napaupo ako sa pangalan na nakaukit sa aking harapan. Katabi nun ay may isang bulaklak na galing ata sa parents niya. Isang kandila na nakasindi parin.
Walang salita ang lumalabas sa aking labi. Wala akong lakas na magsalita. Ang gusto ko lang ngayon ay umiyak ng umiyak sa kanyang harapan.
'Bakit?' Tanong na gusto kong itanong. Gusto ko ng kasagutan pero alam kong wala akong maririnig.
We just spent the night yesterday, tapos ngayon nandito na siya? I'm just dreaming, right? Please wake me up!
Maling katawan ang nakalibing rito! Hindi siya ito! No. No!
"G-gwen." Napatingin ako sa taong tumawag ng aking pangalan. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil iyon ang kailangan ko ngayon.
"Stay strong Gwen." Malungkot na sambit ni Aly.
"Nananaginip lang ako, diba? Kasama ko pa siya nung nasa resort ako!" Humiwalay ako sa kanya at napaupo. This is not happening. Ayoko, please. Ayoko!
"Gwen, days after you broke up, tinakbo na siya sa hospital na walang malay. Walang nakaka alam na may dinadala siyang sakit. Tinawagan ka namin pero nakapatay ang phone mo. Tinawagan din namin ang pinsan ng mama mo na sinabi mong iyong pupuntahan pero di ka raw doon nagpunta. Nag stay pa siya ng one week sa hospital at pilit lumalaban pero wala. Noong nakita ka namin sa sinasabing tent sa isang resort, doon na siya tuluyang bumitaw." Napalunok ako dahil sa kanyang sinabi. Nag-uunahan ang luha sa aking mata dahil sa aking nalaman.
"Tsaka, ayaw daw kasi ni Kyle na makita siyang nakahiga sa kabaong kaya nilibing agad siya."
Natawa ako ng maalala ang sinabi niya dati na kapag nawala siya, ayaw niyang tinititigan siya sa kabaong. Nakaka pangit raw kasi iyon. Kaya kung maaari, ililibing siya agad.
"Dala mo ba sasakyan mo?" Agad kong tanong kay Aly.
"Yeah? Bakit?"
"May pupuntahan lang ako."
"Pero-"
"Please, Aly!"
Wala na itong nagawa at binigay sa akin ang susi.
"Paki sabi kay mama at papa, ayos lang ako." Matamlay kong sabi at nagpaalam na.
**Nagtungo ako sa resort kung saan kami nagkita. Hindi pa siya patay, alam ko iyon! Alam kong magpapakita siya sa akin dito! Alam ko iyon.
"Ah miss? Pwede bang magtanong?"
"Ano po iyon?"
"May nag register bang Kyle Valenzia dito? Mga last week lang?" Hinanap nito ang pangalang Kyle sa isang notebook. Alam ko, nandito siya noon.
"Wala pong Kyle dito."
Nagpaalam ako sa babae at nagsimulang hinanap ang guard. Di lang siguro siya nag book kaya wala ang pangalan niya doon.
"Maam?" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Saktong bumungad sa aking ang mukhang aking hinahanap.
"Kuya, nakita mo di ba? May kasama ako dito noon?" Malungkot kong tanong.
"Ha? Mag isa nga lang ho kayo riyan."
"Kuya, pumito ka pa nga noon dahil nakita mo siya na pumupuslit doon sa bintana!" Turo ko sa bahay na rinentahan ko noon.
"Ah hindi po sa inyo iyon. Sa ibang bahay po iyon."
Nagpaalam ang guard bago sagutin ang aking katanungan. Don't give up Gwen! Buhay si Kyle!
Sunod kong pinuntahan ang soul searching na bahay. Baka sakaling nakita nila na kasama ko si Kyle noon.
"Ah excuse me ho? Nandito po ba yung babaeng nag i-stay sa booth na iyon?" Tanong ko sa isang mamang nagwawalis.
"Kung di po ako nagkakamali, baka nandun po siya sa loob kasama si lolo Tacio."
Pinasalamatan ko ito at nagtungo sa loob ng bahay. Buti na lang at di iyon sarado. Bumungad sa akin ang dating istura nito. Pero sobrang dilim, wala akong makita.
"Ano ginagawa mo rito?" Nagulat ako sa boses ng babae. Bumukas ang ilaw at ng maaninag ko kung sino iyon, ay di ako nagkakamaling siya iyon.
"Nakita mo ba iyong lalaking kasama ko noon?" Sana naman sagutin niya ako ng maayos.
"Iha, sino iyan?" Hinanap ko kung kaninong boses iyon.
"Oh ikaw pala? Ikaw yung babaeng umiyak dito noon." Natatawa niyang sabi.
"Ako nga po iyon. Nakita niyo po ba iyong kasama kong lalaki rito?"
"Ha? Wala kang kasama noon."
"Kaya nga nagtataka ako kung bakit forty pesos ang binigay mo sa registration noon. Di ko alam kung bulag ka ba o tanga lang. Twenty ang nakalagay pero forty binigay mo."
Inirapan ko lang siya dahil sa kanyang sinabi.
"Wala kaming nakita iha." Pagpapatuloy ng matanda.
"Ah sige po. Salamat."
Wala sa sariling naglakad ako patungo sa sasakyan. Wala na ba talaga siya? Paano nangyari iyon?!
Napayuko ako sa loob ng sasakyan dahil nauubusan na ako ng pag asang buhay pa siya. Ayoko siyang mawala. Ayokong gumising isang araw na di ko na masisilayan ng tuluyan ang kanyang mukha. Ayoko!
Natigil ako sa pag iyak ng may ideyang pumasok sa isipan ko.
Damn, si Teacher C! Nakausap pa niya noon si Kyle!
BINABASA MO ANG
One Week Challenge With My Ex
Teen FictionLive your life to the fullest. Appreciate every existence. For you, not to experience regrets in the future. xoxo