Chapter Seven: Day 6

7 0 0
                                    

Gwen's POV

Nanood lang kami ng maghapon sa bahay. After ng nakakaiyak na palabas ay horror ang sinunod namin. Si Kyle naman ang sobrang nag focus. Kung tissue ang mga tinapon ko, siya tinapon ang mga unan na nahahawakan niya. Nabibitawan kasi niya ito dahil sa pagkagulat. Tss

Ito ang ika anim na araw. After nito, isang araw na lang ay matatapos na. Kailangan ko ng harapin ang buhay na walang Kyle sa aking tabi.

"Tara na, Kay?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Nasa loob na kami ng sasakyan niya at naisipan naming pumunta sa school na pinasukan namin noong highschool, kung saan kami unang nagkakilala.

"Tara." Sagot ko at ngumiti.
**

"Kay, mauna ka na sa loob. Sunod na lang ako." Sabi ni Kyle kaya bumaba na ako ng sasakyan.

Nagsimula na akong maglakad at nadatnan ko ang isang guard sa gate. Walang pasok ngayon ang mga estudyante dahil sabado.

"Rish? Ikaw ba iyan?" Tanong ng guard at parang kinikilala parin ang aking mukha.

"Ako nga ho kuya Guard." Nakangiti kong sagot.

"Oh? Bakit ka naparito? Mas lalo tayong gumanda ngayon a?" Biro nito.

"Mamasyal lang ho kami ni Kyle rito. Maaari po ba?"

"Oo naman. Oh nasaan ang lalaking iyon? Nakakamiss rin ang kakulitan ng lalaking iyon." Natatawang komento nito.

"Nag park lang po saglit pero sinabing susunod raw po siya."

"Ah sige. Pasok ka na iha."

"Salamat po kuya guard."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakangiting pinagmasdan ang field, mga rooms, gym at ang mga bench. Nakakamiss maging highschool.

"Hallah, sorry po ate." Nag aalalang sigaw ng isang batang lalaki. Nasa first year or second year na siguro ito. Natamaan kasi ako ng bola ng volleyball.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa direksyon ni Kyle ng dumating ito. Nag nod ako bilang sagot at tumingin doon sa bata.

"Ayos lang bata. Sige na, maglaro na kayo doon." Nakangiti kong sabi.
**

"Eto yung kung saan tayo nag meet di ba?" Nakangiti kong tanong kay Kyle. Nandito kami ngayon sa labas ng library. Gusto ko sanang pumasok kaso naka lock.

"Yeah. Eto yung nadamay ka sa kalokohan ko. Pero kung hindi dahil doon, di kita nakilala." Sagot nito.

"Teka, kuha tayo ng litrato." Suggestion ko ngunit pinigilan ako ni Kyle.

"You don't need to take pictures, it should be in your heart because pictures may fade and burn but memories aren't." Woa! Pabigla bigla naman itong mag English. Pero tama siya, mas mabuti ng pagmasdan at alalahanin na lang.

Nagpatuloy kami sa paglakad at saktong nakasalubong namin si Teacher Carol. Ang guro na botong boto sa loveteam namin noon ni Kyle.

"Teacher C!" Sigaw ko. Nung makita ako nito ay bigla siyang kumaway. Dali dali kaming lumapit sa kanya at niyakap.

"Woa! Kayo parin?" Masaya nitong tanong.

"Nah. Hindi na po." Depensa ko.

"Oy Kyle, ano ginawa mo?" Seryosong tanong ni Teacher C kay Kyle.

"Inubos po kasi niya pera ko. Wala na akong perang pambili ng kakainin niya kaya iyon nagalit po." Birong sagot ni Kyle kaya medyo binatukan ko siya.

"Aray!"

"Nako, tandang tanda ko pa na ganyan rin kayo mag asaran noong nandito pa kayo." Nakangiting komento ni Teacher C.

Nagkwentuhan kami ng mga kalokohan namin at masasayang alaala. Maya't maya ay naisipan ng magpa alam ni Teacher C dahil may hinahabol pa siyang mga test papers daw.

"Mauna na ako. Kyle, alagaan mo si Gwen okay?"

"Teacher, di na nga po kami." Sambit ko.

"Opo Teacher!" Sagot naman ni Kyle kaya inirapan ko siya. Paano mo ako maaalagaan kung di naman na tayo? Tsk

"Sige. Paalam na. Gwen, kahit di na kayo. Be strong. Okay?" Nakangiting advice ni Teacher C. Di ko malaman kung bakit may bahid ng kalungkutan sa kanyang mata. Pero alam ko kasing labis niyang sinuportahan dati ang aming relasyon. Hays

"Ah Kyle?" Baling ni Teacher C kay Kyle bago pa man ito makalayo.

"Gusto kitang makausap."

One Week Challenge With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon