Kyle's Letter

13 0 0
                                    

Sa minamahal kong Kay,

Alam ko, di ka na nagtataka kung bakit Kay ang tawag ko sayo rito. Para sayo, corny iyan pero para sa akin, hindi. Siguro ngayong binabasa mo ito, tumutulo na naman luha mo. Tsk! Ganyan ka naman e. Napaka iyakin mo. Akala mo ba maganda ka pag umiiyak? Pangit ka na nga, mas pumapangit ka pa pag umiiyak. Ngiti na Kay. Bahala ka diyan, dadalawin kita mamayang gabi. Yieee, nakangiti ka na di ba? Alam kong ayaw mo sa multo kaya nga di ko sinabi noon. Baka pag sinabi ko sayo, bigla mo akong itakwil. Haha!

Buti na lang at naisip ko iyong One Week Challenge. Oh di mas nakasama pa kita ng isang linggo. Alam mo ba na noong nagalit ka after ng soul searching ay di ako mapakali? Kaya pinuntahan kita sa bahay na rinentahan mo. Pinapanood kita habang ika'y umiiyak. Gusto kitang lapitan. Gusto kitang patahanin pero di ko magawa. Ayokong nakikita kang umiiyak kaya umalis rin agad ako. Syempre lumusot ako sa pader. Hahaha! Astig pala iyon.

Naalala mo pa ba iyong natutulog ako tapos nagpatay-patayan ako? Tinignan ko lang kung anong magiging reaction mo pag nawala ako. Noong nakita ko kung paano ka umiyak at nag alala. Natakot ako, Kay. Sinisisi ko ang Panginoon dahil binabawi niya agad ang buhay na pinahiram sa akin. Gusto ko pa mabuhay, Kay! Gusto pa kitang makasama pero wala e.

Patawad kung nakipaghiwalay ako at di sinabi sa iyo ang dahilan. Akala ko kasi iyon ang magandang gawin kaso huli na pala. Pagkatapos ng araw na nakipaghiwalay ako ay bigla ng sumakit ang ulo ko. Akala ko kasi mabubuhay pa ako ng ilang buwan. Akala ko, makaka move on ka na sa akin bago ako mawala. Kaso hindi e. Maaga akong kinuha.

Tapos alam mo ba, nagpakita sa akin si tadhana! Seryoso haha Sinabi niya sa aking may isang linggo pa akong natitira. Maaari pa akong magpakita sa isang taong gusto ko. Kaya, ikaw pinili ko. Tapos naisip ko iyong one week challenge. Alam ko kasing di ka papayag pag, sinabi ko ang totoong rason.

Kay, patawad ha? Kung di ko na matutupad ang mga pangako ko. Patawad dahil nasaktan na naman kita. Patawad kasi pinaiyak na naman kita. Patawarin mo sana ako.

Gusto ko, kalimutan mo agad ako. Gusto kong maging masaya ka kahit wala ako. Kaya mo iyan, ikaw pa! Kaya kita minahal ay dahil sa fighting spirit mo noong high school pa tayo.

Nga pala, bakit ako naniniwala na lahat ng tao may true love? Kasi nakilala kita. Kasi meron akong, ikaw. You're my true love. Kaya nga sobra akong naniniwala sa true love na iyan! Haha.

Wag ka ng iiyak, okay? Bahala ka diyan, magpapakita ako bigla sa iyong harapan at sasayaw ng Switch it electric challenge. Hahaha! Ngingiti na iyan.

Kay? Always remember that I love you. Kung magmamahal ka man ng iba, ipakilala mo muna sa akin. Ayokong mapunta lang sa ibang loko-loko ang aking minamahal. Inalagaan kita tapos sasaktan ka lang ng kahit na sino? Nako, MAKAKATIKIM SA AKIN IYAN. >.<

Masyado ng mahaba ito, Kay. Ayokong napapagod ka.

Hanggang sa muli nating pagkikita, Kay. I love you. Maghihintay ako hanggang sa makasama muli kita. Di ko sinasabing magpakamatay ka, okay? Pero parang ganun na nga. JOKE. BIRO LANG. hahaha!

Live your life to the fullest! Gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Nandito lang ako, sumusuporta palagi sayo.

I love you.

Love,
Koy  *insert heart emoticon*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Week Challenge With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon