Gwen's POV
Nagising ako dahil sa tugtog na aking naririnig. Sa pagkaka alam ko, You Are The Reason by Calum Scott ang pamagat nun. Nakaramdam ako ng sakit sa aking ulo ng minulat ko ang aking mata. Ramdam ko rin ang basa sa aking mukha na tila ba galing ako sa pag iyak.
Bumungad sa akin ang puting kisame. Teka, nasaan ako? Pilit kong inaalala kung anong nangyari pero wala akong ibang maalala maliban sa kasama ko si Kyle sa isang tent. Napahawak ako sa aking ulo dahil iba ang sakit nun.
"Dahan-dahan lang anak." Rinig kong sabi ng isang matanda. Teka, iginaya ko ang aking paningin sa kung nasaan ako. Teka, ano ginagawa ko rito sa hospital?
"Ma? Ano ginagawa ko rito?" Nagtataka kong tanong. Ang matandang nagsalita kanina ay si mama pala. Pero, di pa naman siya ganun katanda, boses lang niya. Joke.
"May nakakita raw sayo sa isang tent sa isang resort iha. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nag aalala nitong tanong. Napatingin naman ako kay papa na nag aabang ng aking sasabihin. Makikita mo sa kanilang mata ang pag aalala.
"Ayos lang ho ako pero nasaan si Kyle?"
Nagkatinginan silang dalawa na tila ba hindi alam ang isasagot. Hinintay ko ang kanilang sasabihin pero iniba lang nila ang topic.
"Ma? Pa? Nasaan si Kyle? Gusto ko siya makita! Sinabi niya sa akin kagabi na mag i-stay na siya sakin." Masaya kong sabi pero may halong kalungkutan. Di ko alam pero pakiramdam ko, may hindi sila sinasabi. Ayaw na ba nila kay Kyle?
"Anak, iha. You have to rest. Dadating si Kyle, mamaya. Pinauwi lang namin siya, saglit." Nakahinga ako ng maluwag ng sinabi iyon ni papa. I just can't wait na makita siyang muli.
"Gusto mo ng apple?" Nakangiting alok sa akin ni mama. Nag nod ako bilang sagot dahil sa totoo lang, gutom na ako.
"Alam mo ba ma? Nakipagbalikan na sa akin si Kyle." Masaya kong sabi habang nginunguya ang iniaabot niya saking apple.
"Oh? Mabuti iyon." Sagot nito. Kahit di sabihin ni mama, ramdam kong parang di na siya boto sa amin. Pero siguro, pagdating ng araw matatanggap din nila si Kyle ulit.
"Sorry po pala kasi ibang resort ang pinuntahan ko."
"Ayos lang iyon. Ang mahalaga nandito ka na." My mother is the best. Pinapagalitan ako minsan pero mabilis din siyang nagpapatawad.
**"Ma, alas sais na ng hapon pero wala parin siya." Tanong ko kay mama habang tinitignan ang orasan. Umalis saglit si papa para i check yung company na iniwan niya pero nangako siyang babalik din agad kinabukasan.
"Anak, baka bukas na iyon makakapunta rito. Namiss din kasi siya ng magulang niya."
"Ganun po ba? Hays." Kung sabagay, ilang araw din siyang nawala. Ayoko naman maging selfish.
Napatingin ako sa shoulder bag na dating tinitigan ni Kyle. Akala ko dati, type niya tong bag e. Mukhang kinuha na nina mama ang lahat ng gamit ko sa resort na iyon.
Nakita ko sa loob nito ang isang polbo, lotion, at ilang mga pabango. Nakita ko din sa loob ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nakitang may ilang percent pa ang battery nito.
"Anak, ano gusto mo? Bibili ako ng pang dinner."
"Kahit ano na po." Masaya kong sagot. Pinanood ko siya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.
Nilabas ko na ng tuluyan ang cellphone at binalik ang bag. Damn, I miss my phone. Binuksan ko ang inbox dahil sobrang dami na ng mensahe doon.
Nakita ko ang message ng isa kong kaibigan na si Aly na almost thirty plus ang sinend. Galing kay mama, papa at kay Kyle naman ang iba. Actually, sa kanilang apat lang umiikot ang mundo ko.
Una kong binasa ang mensaheng sinend ni Kyle. Ilan sa mga iyon ay humihingi siya ng sorry. Ang ilan naman ay tanging mga pag aalala lang. Sinunod ko ang kay papa na isa lang naman ang sinasabi. Kung nasaan daw ba ako. Sinunod ko ang kay mama na sa sobrang dami ay di na ako nag effort na basahin ang mga iyon. Alam kong, pag aalala lang din ang mga laman nun.
"Anak?" Nag angat ako ng tingin ng dumating na si mama. Di ko alam kung bakit tila may nabubuong luha sa kanyang mata.
Tumingin akong muli sa cell phone na hawak ko. Bumagsak ang luha sa aking mata ng mabasa ang ilang mensahe ni Aly sa akin.
"Gwen. Where are you? Are you okay? Call me please. Nag aalala na ako para sayo." 6:54 AM
"Gwen, be strong please. Nandito lang kami para sayo." 7:10 AM
"Nasaan ka? Please, umuwi ka na. Miss na kita bebs. :<" 8:23 AM
"Gwen, wala na si Kyle. ;(" 4:33 PM
BINABASA MO ANG
One Week Challenge With My Ex
Teen FictionLive your life to the fullest. Appreciate every existence. For you, not to experience regrets in the future. xoxo