Chapter Two: Continuation of Day 1

9 0 0
                                    

Gwen's POV

"Wow. Anong lugar ito?" Mangha kong tanong habang pinagmamasdan ng tingin ang kabuuan ng lugar.

"Koy Gwen. Koy." In-emphasized pa nito ang 'Koy'. Di parin talaga ako maka get over sa callsign na naisip niya.

"Okay. Koy, ano ang lugar na ito?" Mahinahon kong tanong na parang nang aasar. Tumingin siya sa buong kapaligiran at hinakbayan ako.

"Ang sabi ng tito ko, ang lugar na ito ay tinatawag na Way To Happiness." Tinanggal ko ang kamay niyang naka akbay sa akin bago nagtanong.

"Bakit tinawag na Way To Happiness?"

"Nakikita mo ba ang maliit na isla na iyon, Kay?" Hinanap ko ang kanyang sinasabi.

"Patungo doon, kailangan nating pagdaanan muna ang mga obstacles na ito." Tinuro niya ang nasa harapan namin at di ko alam kung bakit di ko iyon napansin kanina. Damn, ano ito?! Ayoko. I hate heights!

Umakbang ako paatras pero natigil iyon ng hawakan niya ang aking kamay.

"Koy, kung nandito tayo para maging masaya ulit ako kahit wala ng tayo. Please, wag na natin ituloy. Magiging masaya ako kahit di na tayo. So please, let's just leave." Deretso kong sabi at tatalikuran na dapat siya pero di niya binitawan ang aking kamay.

"You need to face your fear Kay. This is for you."

"No."

"Tara na." Hinila nito ang aking kamay pero di ko iyon hinayaan. Nagmumukha tuloy kaming mag ama na hinihila ang anak papasok sa paaralan.

"No. Koy, let's just leave. Wag dito. Wag sa heights!" Naasar kong reklamo.

Maya't maya ay nahila na ako nito papunta sa bridge na made of rope. Pagka apak ko rito ay wala na akong nagawa kung hindi pumikit. I hate you Kyle Valenzia! To the moon and back!

"Sorry. But I just need to do this Kay." Sabi nito at ramdam kong lumalapit ito sa akin habang hawak parin ang kamay ko. He kissed me on the forehead.

"Open your eyes." Bulong iyon pero sakto lang para marinig ko.

Para akong isang aso na kapag sinabing upo, uupo. Pag sinabing tayo, tatayo. Unti-unti kong sinubukang imulat ang aking mata. Siya ang una kong nakita tsaka unti unting sinundan ang kanyang tingin.

Gustong kong maluha. Gusto kong sumigaw. I never imagined myself na nandito ngayon at naka apak na sa kinakatakutan ko. Gumalaw ng kaunti si Kyle which made the bridge move. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay kaya medyo napa aray siya.

"Relax, Kay. Always remember that I'm here. If may mangyaring masama, nandito lang ako sa tabi mo. So learn to face your fear. Okay?" Nakangiti nitong sabi.

Iniba ko ang aking tingin dahil nao-awkward'an na ako. Pinagmasdan ko ang mga puno sa paligid, ang alon sa sapa at mga ibon na nagliliparan. Sinubukan kong humakbang ng paunti sa tulay. Kaya mo yan Gwen. Nandyan si Kyle. Nandyan si Kyle, paalala ko sa saking sarili. Maya't maya ay nasasanay na ako sa galaw ng tulay at nasasanay na akong tignan ang baba nito.

Tumakbo ako ng tumakbo sa tulay na iyon ng pabalik-balik. Sa sobrang saya, gusto ko ng umiyak.

"Kay, tara na. Haha! Pupunta pa tayo sa isla na iyon." Natatawang sigaw ni Kyle na nasa kabilang parte na.
**

"Is this the definition of happiness, Koy? Seeing trees? Papagudin ang sarili?" Nagtataka kong tanong dahil puro puno na ang lahat ng aming nakikita at kanina pa kami lakad ng lakad after ng mga obstacles kanina. Nasa loob na kami ng sinasabi niyang isla.

"Hayun!" Instead of answering my question, iba ang kanyang sinabi. Tss

Napatingin ako sa kanyang tinitignan. Kung paano ako namangha sa dinaanan namin. Mas namamangha ako sa lugar na ito.

"My tito said, this is the definition of happiness. Real happiness." Rinig kong sabi niya.

Pinagmasdan ko ng mabuti ito na parang gusto ko ng kabisaduhin. Damn, this is heaven!

After lahat ng mga obstacles at mga punong aming nadaanan. Di ko inaasahang isang castle ang bubungad sa amin. This is the first castle I saw. Sa tabi ng castle ay may mga batang nagtatakbuhan. Sa kabilang banda ay mga turistang katulad ko ay manghang-mangha rin. Mga ibon na nagliliparan, mga iba't ibang kulay ng bulaklak, mga paru-paro! I love this.

"I know, pangarap mong makakita ng isang castle so I brought you here. Noong tayo, balak na kitang dalhin dito pero naisip kong gusto ko, ako iyong mismong magpatayo ng castle na magpapangiti sayo, sana." Nakikinig ako sa kanya pero ang mata ko ay parang dumikit na sa kakatingin sa castle.

"But do you know, what is my happiness?"

"Hmm?" Natatangi kong sabi.

"Seeing you smile like this."

One Week Challenge With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon