Gwen's POV
Paggising ko ng umaga ay walang Kyle na bumungad sa akin. Walang Kyle na nanggugulat. Walang Kyle na naggugulo at nakiki alam sa kusina. Pero ayos na ito, let's move on Gwen!
Kasalukuyan akong kumakain sa kainan malapit sa maliit na bahay na aking rinentahan. Napatingin ako sa labas ng may nagsisigawan doon. Kung ano man ang meron doon, ay hindi ko alam. Pero dahil curious ako ay agad ko ng tinapos ang aking pang umagahan at nagtungo sa labas.Nadatnan ko ang isang lalaking nakaluhod. Hawak ang isang kwintas at sa likod nito ay may nakasulat na 'Will you be my girlfriend again?' May isa pang lalaki na nakahawak ng bulaklak. Mukhang kasamahan din niya ito.
What a heart touching scene.
"Alam ko, may mga kasalanan akong nagawa. Alam ko, mali ko iyon. Patawad kung iniwan kita. Patawad kung bigla-bigla akong nag desisyon but please, be my girlfriend again." Seryosong sabi nito. Gusto kong maiyak pero mas nangingibabaw ang ngiti sa aking labi.
"Yes. Yes." Naiiyak na sagot ng babae pero ramdam mo dun ang sayang kanyang nararamdaman. Maswerte ang lalaki dahil nagawa padin siyang patawarin nung babae. Pakipahalagahan. Sana magtagal kayo.
Nagpatuloy na ako sa paglakad at di ko alam kung saan tutungo. Nag ikot ikot ako sa buong resort dahil wala naman akong gagawin. Pero, nasaan na kaya si Kyle? Saan kaya room niya dito? Umalis na ba siya? Hays! Erase erase!
Iginiya ko ang aking paningin sa kung nasaan na ako at saktong sa kung saan kami umupo ni Kyle noon ang nakita ko. Tsk! Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad pabalik sa bahay. Eto ang gusto mo Gwen. Kalayaan!
**Nagising ako dahil sa alarm na aking sinet. Lumabas ako ng aking kwarto at dumeretso sa sala. Binuksan ko ang telebisyon at nanood na lang. Palubog na rin ang araw. May pagkain pa naman sa ref kaya dito na lang ako magdi-dinner.
Maya't maya ay parang may narinig akong nagpapatugtog. Hininaan ko ang boses ng telebisyon at pinakinggang mabuti ang aking naririnig. Someone is serenading. Dali dali akong nagtungo sa bintana.
There I saw Kyle, holding a guitar.
"When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?
Well, I won't give up on us.
Even if the skies get rough"I wiped my tears ng mapansing basa na ang aking pisngi dahil sa luha. His voice is still my favorite music. Maya't maya ay bigla na siyang nagsalita.
"I'm sorry. I didn't mean anything noong pumunta tayo sa Soul Searching house na iyon. Gusto ko lang gumaan ang iyong pakiramdam. Pero di ko inaakalang nag iba ang linya noong matanda. Noong nandun kasi ako, naging maganda yung effect sa akin. Kaya inisip kong baka makakabuti rin iyon sa iyo. Sorry na Kay." Deretso nitong sabi. Kahit di siya umiyak, alam kong malungkot siya. Ramdam ko sa kanyang boses at kitang kita ko sa kanyang mata.
"Sorry Gwen. Please, forgive me." Lumapit ito sa akin sa bintana at iniabot ang isang bouquet of flowers. Tinitigan ko lang iyon at binalik ang tingin sa kanya.
"Okay lang if di mo ako mapatawad sa ngayon. Maybe someday, tuluyan mo na akong mapatawad sa puso mo. Hihintayin ko iyon."
Babawiin na dapat niya ang bouquet ng bigla ko itong abutin.
"Okay. After this one week challenge, tama na diba?" I asked.
"Yeah?"
"Then, let's continue that challenge. Kahit papaano, makabawi ka sa ginawa mong pang iiwan. Tss"
Sinara ko na ang bintana at wala sa sariling natulala sa kawalan.
Tama ba? Tama bang magpatuloy sa challenge na ito?
BINABASA MO ANG
One Week Challenge With My Ex
Teen FictionLive your life to the fullest. Appreciate every existence. For you, not to experience regrets in the future. xoxo