Gwen's POV
Kasalukuyan akong naghuhugas ng aking pinagkainan kagabi ng may kumatok sa pintuan.
"Teka lang po!" Sigaw ko dahil sunod sunod ang katok nito sa aking pintuan. Dali dali akong lumapit at binuksan ito.Bumungad sa akin ang nakangiting si Kyle. Mukhang ang bilis niyang bumawi sa kalungkutan a? Hmm.
"Oh bakit?" Tanong ko ng makapasok na siya.
"Naghuhugas ka, Kay?" Di niya pinansin ang aking tanong kaya di ko na rin pinansin ang kanyang tanong.
Nagtungo ako sa kusina at agad na tinapos ang aking ginagawa. Ilang minuto pa ay wala akong naririnig na boses ni Kyle. Di ba pumasok siya kanina? Bakit parang ang tahimik ata niya? Hinanap ng aking mata kung saan siya nagtungo.
Pumunta ako ng sala pero di ko siya makita. Pumunta ako ng aking kwarto pero wala siya doon. Saan naman kaya siya nagpunta? Baka umalis na? Teka, bakit di siya nag paalam? Tsk
Bumalik ako ss kusina at laking gulat ko ng makita siya roon na nakatayo tapos naka earphone. Tinapunan niya lang ako ng nagtatakang tingin.
"Bakit?" Tanong nito at tinanggal ang earphone. Napansin ata nitong nakatitig lang ako sa kanya.
"Wala." Simpleng sagot ko.
"Sus miss mo lang titigan ang mukha ko, Kay." Hirit nito at nag earphone muli. Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Sinabi kong itutuloy namin ni Kyle ang one week challenge.
"Bakit ka nakabihis?" Bungad na tanong niya sa akin ng makalabas ako sa kwarto.
"Wala tayong pupuntahan ngayon?" Nagtataka kong tanong. Teka Gwen, wala naman kasi siyang sinabi di ba? Napapikit ako ng ma realize iyon. Damn
"Wala. Natatakot akong baka pag may pinuntahan muli tayo, magalit ka. Di matuloy itong one week challenge. Ayoko nga."
Hays. Bakit ba kasi ako nagbihis?
"Eh ano gagawin natin ngayon?" Taka kong tanong at umupo sa isang sofa malapit sa kanya.
"Manonood, Kay. Movie marathon." Nakangiti nitong sabi at binuksan ang telebisyon.
"Wala ka bang makakain diyan sa ref mo? Kahit ice cream, popcorn or kahit ano na."
"Inuutusan mo ba ako Koy?" Seryoso kong tanong.
"Oo? De joke. Sabi ko kasi, ako na kukuha." Depensa nito.
**"You left remember? Now leave."
"Teka, pakinggan mo ang eksplanasyon ko!"
"Explain? Iyan ang gusto kong marinig noon pero di mo binigay. Di mo ginawa. Ngayon, hihirit ka? Ang galing."
"Pasensya na ha? Di ko kasi magawang iwan ang nanay ko noong panahon na iyon dahil may sakit siya! Ayoko maging selfish! Pasensya na kung iniwan kita ng walang pasabi."
Ang dami ng tissue ang nagkalat sa sala dahil sa nakakaiyak na scene na aming pinapanood.
"Sinabi ko kasing yung horror na lang panoorin natin e. Nakakaubos ng tissue ang drama." Rinig kong reklamo ni Kyle.
"Nakakaiyak kasi yung istorya niyan Koy oh. Yung mahal nila isa't isa pero pinagkaitan ng tadhana."
Nagsimula ulit akong umiyak ng makitang umalis yung lalaki at iniwan muli yung babae. Kyle tapped my back para pakalmahin ako.
"Ssh. Tahan na Kay oh." Nag aalala nitong sabi. Pinagpatuloy ko ang pag iyak dahil di nagkatuluyan yung dalawang bida. It sucks!
"Kay, tahan na. Palabas lang iyan. Sabi kasing horror na lang dapat e. Kay, tahan na oh. Gusto mo bang sayaw muli ako para tumawa ka?" Napatingin ako sa kanya ng sinabi iyon.
"Joke." Agad nitong bawi.
Dahil gusto kong sumayaw muli siya, ay nag fake akong umiyak.
"Aaaah! Bakit di sila nagkatuluyan?"
"Kay, tahan na. Palabas lang kasi iyon. Baka in real life, sila talaga. Kay tahan na please." Nag aalala nitong pagpapatahan sa akin. Deep inside sobra na akong natatawa.
Ilang minuto ang nakalipas ay tumayo si Kyle at kinuha ang basurahan para pulutin ang mga nagkalat na tissue. After nun ay bigla siyang nag angat ng tingin.
"What?" Agad kong tanong.
"Kay, can you promise me one thing?" Seryoso niyang tanong. Di ako sumagot at hinintay lang ang sunod niyang sasabihin.
"Promise me, you'll never cry like that again."
BINABASA MO ANG
One Week Challenge With My Ex
Teen FictionLive your life to the fullest. Appreciate every existence. For you, not to experience regrets in the future. xoxo