Gwen's POV
Tahimik lang kaming nakatingin sa papalubog na araw. Parang kailan lang nung nakaupo kami rito at pinapanood ang sunset.
FLASHBACK
"Seven days. Let's do the one week challenge. For the last time, please?"
What? One week challenge? Tumingin ako sa kanya ng nagtataka.
"You're kidding, right?"
"No." Seryoso nitong sagot. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Gusto kong kahit isang linggo pa. Gusto kitang makasama."
"Kapal. After mong makipaghiwalay ng ganun-ganun, pupunta ka dito at hihiling ng ganyan? Wow Kyle! Wow!" Natatawa kong sabi. Tinapos na niya di ba? Tapos ano na naman itong ginagawa niya?
"Gwen, listen-"
"No, you listen to me Kyle! I am tired listening with your words. Sobra na akong nasasaktan! Just leave!"
"No. Please, Gwen. Give this favor to me. Please-" Pumiyok ang kanyang boses. Tumingin siya sa kawalan upang di magtama ang aming paningin. Ako, nanatili lang na nakatitig sa kanya.
"Just leave." Buong tapang kong sambit at aalis na sana ng bigla muli siyang nagsalita.
"Please, Gwen-" Hinawakan nitong muli ang isa kong kamay at unti-unting lumuhod. Damn, ano itong ginagawa niya? Kung gaano ako nasaktan noong nakipaghiwalay siya sa akin ay tila mas nasasaktan siya ngayon na parang ikakamatay niya pag di ako pumayag sa one week challenge na sinasabi niya.
"G-gwen, please. Just t-this time. After nito, aalis na ako. Di na ako magpapakita sayo. P-please, please."
End of Flashback
"Kay, pasensya na kung bigla akong nakipaghiwalay sayo." Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang magsalita. Binalik ko sa palubog na araw ang aking tingin bago siya sinagot.
"Di ko matatanggap ang paumanhin na iyan, sa ngayon. Siguro soon, kapag naghilom na ang sugat." Malungkot kong sagot. Lumalamig na ang simoy ng hangin dahil tuluyan ng nawala ang araw. At ibig sabihin nun, ilang oras na lang at matatapos na ang araw na ito. Mahihiwalay na ako sa kanya.
"Pero kung, manliligaw ba ulit ako. Papayag ka?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Di ko alam kung anong isasagot. Oo? Kasi mahal ko pa naman siya. O hindi? Kasi nasaktan na ako.
"Di ko alam." Iyon ang lumabas sa labi ko. Natawa siya ng kaunti.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Wala." Simpleng sagot niya.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. Tuluyan na ba talaga siyang lalayo kinabukasan?
"Ah Kyle, di mo na ba talaga ako mahal?" Wala sa sarili kong tanong. Ilang minuto ang nakalipas bago ito sumagot.
"Mahal kita." Nahihirapan nitong sabi. Tumingin ako sa kanya at nakita ko kung paano niya pinipigilan ang luhang gustong lumabas sa mata niya. Pero nagsisisi akong tumingin pa ako sa kanya dahil tila nakikipaghabulan ang luha sa mata ko.
"P-pero bakit ka nakipaghiwalay? May nagawa ba ako?"
"May mga bagay kasi na kahit gusto mong mag stay, di na pwede."
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.
"Mahal kita. Sabi mo, mahal mo rin ako. Ilang taon din iyong pinagsamahan natin Kyle. Bakit bigla-bigla mong itatapon?" Pagpapatuloy ko.
"Gwen, can I hug you?"
Bago ko pa siya sagutin ay hinila na niya ako at niyakap. Gusto kong magreklamo, gusto kong umalis sa yakap niya pero di ko magawa. Ang luhang kanyang pinipigilan kanina ay tuluyan na niyang nilabas. Kung ano man ang nangyayari ay hindi ko alam. I just found myself hugging him back.
Ilang oras akong nasa bisig niya. Mukhang wala siyang balak umalis sa pagkakayakap sa akin.
"Ah Kyle?" Pagsisira ko sa katahimikan. Napansin ata niyang kanina pa niya akong niyayakap kaya pinakawalan na niya ako.
"Pasensya na." Sabi nito at inayos ang sarili.
"Doon ka na sa tent matulog. Dito lang ako sa labas, gusto kong kantahan kita bago man lang matapos ang araw na ito." Suhestyon nito.
"Pero Kyle, maaari pa naman nating ituloy ito kinabukasan di ba?" Seryoso kong tanong pero di niya ako sinagot.
"Magkikita pa tayo bukas, di ba?" Pagpapatuloy ko pero tila wala siyang naririnig. Kyle, ano ang nangyayari? Di ko maintindihan!
Nagsimula na siyang mag strum sa kanyang gitara na tila ba hindi ang kanyang sagot sa aking tanong.
"There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now
There goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now"Sinusubukan niyang kumanta ng normal pero halata sa boses nito na umiiyak na siya.
Niyakap ko siya sa likod dahil di ko malaman kung bakit parang ang bigat ng kanyang dinadala.
"Kyle, please stay. Kahit ilang ulit ko pang ulit-ulitin, please stay. Please."
Basang basa na ang kanyang likod dahil sa pag iyak ko. Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala siyang sinasabi.
"Kyleeee! P-please? Can w-we just continue our relationship?"
"Okay. Stop crying."
He face me then wipe my tears. Kung nagmumukha akong pangit sa harapan niya ngayon ay wala na akong paki alam.
"You'll stay?" Masaya kong tanong. Hinila niya ako at niyakap.
"I'll stay. I'll try."
"Try?"
"No. I'll stay."
"Promise?"
"Promise. I love you Gwen. I'm so inlove with you."
BINABASA MO ANG
One Week Challenge With My Ex
Teen FictionLive your life to the fullest. Appreciate every existence. For you, not to experience regrets in the future. xoxo