Epilogue

8 0 0
                                    

Gwen's POV

Ramdam sa aking dibdib ang kabang aking nararamdaman. Alam kong si Teacher C lang ang makakatulong sa akin. Alam kong siya lang ang magpapatunay na buhay si Kyle!

Hinanap ko siya sa kanyang office pero sinabing nasa klase pa siya. Madaming estudyante ang nagkalat sa paligid kaya nahihirapan akong hanapin ang room na sinabi ng guro kanina.

"Gwen?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si teacher C na nagtatakang nakatingin sa akin. Tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Teacher, di ba nakita mo si Kyle dito? Di ba buhay pa siya?" Umiiyak kong tugon.

"Samahan mo muna ako sa aking office. May ipapakita ako sayo."
**

"Uminom ka ng tubig." Abot sa akin ni Teacher sa isang baso ng tubig. Kinuha ko iyon at pinakalma ko ang aking sarili.

"Nakita ko siya." Pagsisimula ni Teacher C. Nakaramdam ako ng kaunting saya ng sinabi niya iyon pero agad ding nawala sa sunod niyang sinabi.

"Pero hindi bilang tao, Gwen."

Napapikit ako sa kanyang sinabi at nag uunahan na naman sa pagtulo ang aking luha.

"Gusto kong sabihin sayo nung oras na iyon. Pero kitang kita ko sa mata mo ang sayang iyong nararamdaman. Sa mata ni Kyle, kitang kita ko doon ang sakit at pighating kanyang tinatago."

Tumayo si Teacher C at parang may hinahanap na libro. Pagkatapos ng ilang minuto ay may iniabot siya sa akin.

"Noong kinausap ko siya, humingi siya ng pabor sa akin na ibigay ko raw ito sayo." Napatingin ako sa iniabot sa akin.

"Sobrang nahihirapan si Kyle ng kinausap ko ito. Binigyan lang daw siya ng pitong araw para magpakita sa isang taong tunay niyang minamahal at ikaw ang pinili niya."

Lumapit sa akin si Teacher C at niyakap.

"Pero bakit niyo po siya nakita noon?" Sinusubukan kong linawin ang aking boses pero di ko na iyon magawa dahil pag iyak na lang talaga ang nangingibabaw.

"Meron akong third eye, Gwen. Pili ang aking nakikita at sa kabutihang palad, isa doon si Kyle."

"Teacher, ang s-sakit ho."

Para akong isang anak na nagsusumbong sa kanyang ina habang ginagamot ang sugat na aking natamo dahil sa pagkadapa.

"Be strong Gwen. Ayaw na ayaw ni Kyle na nakikita ka niyang umiiyak."
**

Bumalik ako sa resort kung saan kami nagkita ni Kyle. Kaya pala, alam niya kung nasaan ako ay dahil patay na siya. Kaya pala, nakapasok siya sa bahay na aking rinentahan. Ni locked ko iyon noon, sigurado ako pero mas pinakinggan ko ang sinabi niya. Kaya pala, ang aga niyang dumating noong pupunta kami ng mass dahil bubuksan ko na noon ang aking cellphone. Ang daming nangyari pero di ko iyon napansin. Masyadong nakatutok ang aking atensyon sa kanya mismo.

Mag isa kong pinapanood ang sunset. Napatingin ako sa kung saan nakaupo si Kyle noon. Sa kung paano ko sinabing nabo-bored ako which made him dance.

Bakit di mo sinabing may dinadala kang sakit? Eh di sana naalagaan pa kita. Eh di sana, di pa naging huli ang lahat.

Kyle, kung nasaan ka ngayon. Gusto kong maging masaya ka. Pipilitin kong tanggapin na wala ka. Pipilitin kong gawin lahat ng iyong inutos.

Napatingin ako sa kalangitan dahil gusto na namang bumuhos ang aking mga luha. Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang aking sarili.

Napatingin ako sa binigay ni Teacher C na pinapabigay ni Kyle. Wala sa sariling binuksan ko ito at binasa.

Ilang minuto pagkatapos kong basahin iyon ay napangiti ako. Ngiting may halong kalungkutan. Ngiting may halong sakit. Ngiting may halong pagkabigo.

"Kyle, kung nakikinig ka man ngayon. I love you more. Mahal na mahal kita. You'll remain forever in my heart." Sambit ko at pilit pinipigilan ang sariling umiyak na naman.

Hanggang sa muli Koy.

[The End]

One Week Challenge With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon