Chapter 1 - Lunes (Nang tayo'y magkakilala)

902 25 3
                                    

- Hana -

'' pwede patabi? ''

Napalingon ako sa kaliwa para tingnan kung ako nga ba ang kinakausap ng tinig ng isang babae at nakumpirma ko na ako nga. Nakatapat kasi ito sa akin at nakatingin. Nakasakay ako sa pampasaherong bus ngayon.

Binaba ko ng kaunti ang ray ban ko sa bandang may ilong at tiningnan ko muna ang babae, mula ulo hanggang paa. Wala akong pakialam kung sinundan niya pa ng tingin ang mga mata ko.

May katamtaman siyang haba ng itim na buhok. Hugis puso na mukha, kulay brown na mga mata, matangos na ilong at may mapupulang mga labi. Naka baseball cap ito na kulay asul, naka puting t-shirt na may nakasukbit na salamin, ray ban din kagaya ng sa akin (gaya gaya paglaki buwaya), naka shorts at naka tsinelas, pero tatak havaianas naman (may taste). May dala rin siyang medyo may kalakihang back pack. Turista ang datingan ni ateng.

Hmmmm medyo maganda at seksi, oo medyo lang talaga - sabi ng utak ko.

'' pwede ba? '' tanong niya na may bakas ng pagtataka sa mukha.

'' okay '' tipid ko namang sagot sabay kibit balikat.

'' salamat '' ngumiti siya at umupo na.

Kinuha ko ang cellphone ko, nilagay ang earphone at nagpatugtog, tumingin ako sa labas ng bintana. Nakasanayan ko na rin kasing gawin ang ganito kapag nasa byahe. Pagmasdan ang paligid, langhapin ang sariwang hangin, pansinin ang mga nagliliparang ibon at magmasid sa bughaw na ulap. Kapag nasa ganitong estado ako ay tuluyan akong nakakalma.

Kakaandar pa lang halos ng bus ng kinalabit ako ng katabi ko. Nung una hindi ko siya pinansin pero inulit niya pa rin. This time ay mas malakas leaving me no choice but to look at her. She signals me to remove my earphone. Ginawa ko naman.

'' hi '' bati niya na akala mo ay kakakita pa lang namin sa isa't isa at walang nangyaring tanungan kanina. Dahil parang ayaw ko naman siyang mapahiya, sumagot ako kahit it feels awkward.

'' hello? '' 

Babalik na sana ako sa pag muni muni sa labas ng bintana ng nagsalita itong muli at nagpakilala.

'' I'm Frans '' masigla niyang saad. Itinapat niya rin ang kamay niya sa akin.

Pumilantik pataas ng hindi sadya ang isa kong kilay. Like fc (feeling close) ba 'to si ate, ate muna tawag ko kahit mukhang parehas lang naman kami ng edad. Ganito naman tayo sa pinas kahit nga mas bata pa o mukhang matanda sa atin basta hindi kilala ate or kuya ang tawag diba.

'' Ang sungit mo naman nakikipagkilala lang naman eh, you know ikaw yung una kong nakatabi at nakausap ng makatakas ako '' ngumiti siya, yung ngiti na parang nakakatunaw. ugh!

'' makatakas san? '' tanong ko naman, ang gulo kasi nung last part na sinabi niya. San siya tumakas?

Napatawa siya ng kaunti.

'' wala yun don't mind it, so ang pangalan ko Frans ikaw? '' pagsambit niya muli sa pangalan, mas nilapit niya rin ang kamay niya sa akin.

'' Hana '' kinuha ko na kamay niya kawawa naman kasi baka mapagod.

After we shook hands ang akala ko ay papatahimikin na niya ako, dun ako nagkamali. Ang dami niyang tanong at sinasabi at ako naman sagot lang ng sagot para matapos na.

'' san ang destinasyon mo? ''

'' san mateo ''

'' ako naman san martin ''

'' magkalapit lang na bayan yung dalawang yun, yun nga lang may kalayuan ang byahe ''

'' talaga ba? mabuti na lang hindi ako maboboring dahil ikaw ang katabi ko, dalawang oras din ang travel diba? '' tanong niya.

'' oo dagdagan mo ng dalawa pa so apat, 4 hours ang byahe at bakit wala ka bang balak patahimikin ako? '' direkta kong saad.

Hindi naman kasi ako palakaibigan, sanay ako na ako lang. Alone time? madami ako nyan, kaya nga I don't have lots of friends at di ko rin naman kailangan.

'' ang direkta mo magsalita noh, ayaw mo ba akong kausap '' nakangiti pa rin ito sa akin. Napapatitig tuloy ako.

'' actually hindi talaga ako mahilig makipag usap yun lang yun '' hindi naman ako nagsusungit pero parang ganun na din.

'' ganyan ka ba talaga? ''

'' ganito? ''  di ko na gets ang gusto niyang sabihin.

'' ganyan kasungit '' tumawa ito ng mahina. Pumilantik na naman lang tuloy pataas ang kilay ko na halos kakababa lang.🤨

'' Fyi Frans, hilig ko lang talaga na mag sounds at tumingin sa labas althrough out the drive. If you find me masungit then that's your problem. I don't want to talk okay ''

'' okay chill hana, ang ganda pa naman ng pangalan mo parang ikaw ''

Ako - 😳 ano daw??

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maganda talaga ako (mamatay ng kokontra). Marami naman kasi talagang nagsasabi pero bakit kaya ganun para akong kinilig ng si frans na medyo maganda lang naman ang nagsalita.

hmmmm.

'' hana you okay? '' tanong niya.

'' huh? ''

'' okay ka lang? mga 5 secs ka natulala, namumula ka rin ata. ''

Napahawak ako bigla sa pisngi ko.

'' pasensya na ''

'' sus kinilig ka pag sabi kong maganda?? '' she teased.

'' hoy hindi ah. Who are you to make me kilig? '' bulyaw ko dito.

'' ang ingay!!! '' sigaw ng isang pasahero.

Napatingin ako sa dako ng nagreklamo at humingi ng paumanhin. Pinalo ko si frans sa braso.

pak!

'' aray para saan yan? ''

'' sa pagiging madaldal mo ayan tuloy ako ang nasabihang maingay '' umirap ako. Alam ko di niya naman kita dahil nakasalamin ako.

'' ako talagang sinisi mo ha ''

'' malamang sino pa ba? alangan si kuyang konduktor o  si manong driver. Umirap ako ulit.

'' oo na sige na hindi na kita guguluhin  ''

'' good! hanggang pagbaba ha. ''

'' Oo na nga '' parang pilit nitong pagpayag.

Nagpalatak lang ako at bumalik sa dati kong ginagawa. Lagay ng earphone, play ng music at tingin sa labas ng bintana.

Patuloy ang pag andar ng bus. Ang sarap ng hangin at ang ganda ng paligid. Nag ienjoy talaga ako kapag ganito. Haaay!!!

Papikit na sana ang mga mata ko gawa sa antok. ng maramdaman ko na may ulo na sumandal sa aking balikat. Nakatulog na si frans. Dumako ang atensyon ko sa natutulog na dalaga.

Nakatagilid na ang baseball cap nito sa kanyang ulo. At dahil halos mahuhulog na rin lang naman ito kaya tinuluyan ko na. I removed the cap, pagkatanggal ko ay napatitig ako sa kabuuhan ng mukha. Hindi lang pala siya medyo maganda dahil ubod siya ng ganda. Ang haba ng pilik mata ba't kaya hindi ko ito napansin kanina?

aha binabawi ko na po yung word na medyo.

Ang plano ko na madaliang pagtitig ay hindi na nasunod. Tutok na tutok ako sa pagmasid sa natutulog na magandang dilag. Tinanggal ko na ang earphone at inayos siya sa  pagkakasandal sa akin. Nararamdaman ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan at ang amoy niya ay pumapasok sa aking ilong. Amoy cake, nakakatawa naman ang naiisip ko. Cake talaga o nagugutom lang ako??

Sana pala nakipagkwentuhan na lang ako sa kanya. Pero kung ginawa ko yun wala akong moment na ganito. Ang moment na malaya kong natititigan ang babae sa bus.

Isang Linggong Pag-ibig (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon