- Hana -
Matapos namin sa karinderya ay lumabas na kami at naglakad lakad. Alas dos na ng hapon, tirik na ang araw, ang alikabok ay banayad na paroon at parito sa paligid, sumasalubong sa bawat taong naglalakad.
Nagsisimula ng magsidatingan at dumagdag ang bilang ng mga bisita na nagmula pa sa kabilang bayan. Ang kada dumadaan na bus ay punong puno ng mga pasahero na dadalaw sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. May mga nakasabit pa at naghihiyawan. Ang iba ay may dalang mga tambol at trumpeta para sa parada. Nakasuot rin ng iba't ibang disenyo ng makukulay na damit. May pintura sa mukha, itim, puti at ang iba ay berde. Handang handa na sa kanilang palabas mamaya para makapagpasaya sa pagdiriwang na nakagawian na.
'' bakit ang dami naman atang tao ngayon? '' tanong ni frans na ngayon ay balot na balot na ng balabal ang mukha. Kung pagmamasdan mo siya ay parang takot na takot masinagan ng araw ang kayumanggi ngunit makinis na balat.
'' fiesta kasi ngayon dito. Hapon ang nakagawian nilang pagsasagawa ng programa kaya ayan nagsisidatingan na sila '' tinuro ko yung mga taong naglalakad na at yung kabababa pa lang ng bus.
'' so madaming tao? ''
I chuckle '' seryoso ka ba sa tanong na yan malamang madaming tao, fiesta nga diba duh! ''
Ano ba 'to si frans, napaikot tuloy ng wala sa oras ang mga mata ko.
'' eh sa nagtatanong ako at kapag fiesta sa amin wala naman ganito kadaming bilang ng tao ''
'' huh? bakit ganun? ''
Nagtaka naman ako pwede ba yun?
'' kasi wala kaming handa eh '' nahihiya nitong saad.
Pinigilan kong tumawa. Akala ko nagbibiro lang siya. Ngunit naramdaman ko na totoo ang namutawi sa kanyang mapang akit na mga labi. Parang nahiya pa siya sa impormasyon na ibinigay niya sa akin ngayon. Kung ibang tao lang to sigurado humagalpak na ako sa pagtawa.
Nag isip ako ng sasabihin para naman hindi siya mailang sa akin.
'' ganun? hmmm okay lang yun, kami din naman hindi naghahanda. Alam mo na pagod lang tapos ikaw pa maghuhugas sa huli. '' pagkunwa'y ko na nakatingin lang sa mga tao na paroon na't parito.
Unti unti ng napupuno ng mga bisita ang plasa kung saan may pagtatanghal na magaganap.
'' talaga ba? alam mo marunong ako kumilatis ng tao, sabi ng balat mo may kaya ka sa buhay so imposible ata ang nabanggit mo ''
Tumingin ako sa kanya. Magkasingtangkad lang naman kami kaya kitang kita ko kabuuhan ng kanyang mukha.
'' hindi ko alam may talent ka pala na makipag usap sa balat ng isang tao '' pigil na pagtawa kong saad. I saw her smirk na mas nakapagpaganda pa sa kanya. The way her lips curled up, the way her eyes took its blink pati nga ata yung fine line sa noo niya kapag tumitingin siya sa akin ay napapansin ko.
'' well ganun talaga mahiwaga na ang mundo lahat maaaring mangyari at maganap. At ngayon alam ko na sarkastiko ka rin pala ''
'' at di ko alam na tsusera ka ''
'' huh anong tsusera? '' napanguso naman ito.
Hindi ko na siya sinagot pa dahil nahumaling na naman ako sa maganda nitong mukha. Minu- minuto ata siya gumaganda, ahem.
'' at di ko alam na mahilig ka palang tumitig '' mahina niyang sambit.
Napakagat ako sa pang ibaba kong labi, mannerism ko kapag nahuhuli ako na nakatitig at kinakabahan.
'' at mahilig ka mag lip bite '' dagdag niya pa, ngumisi din siya sa akin.
Gusto kong ilayo ang atensyon ko sa kanya pero para akong na mamagnet. Damn! ano bang mayroon sa babaeng ito at nagkakaganito ako??
Pumilantik na naman ng di sadya ang kilay ko. Napatighim rin ako ng mas lumapit siya para hawakan ang aking kamay. Akala ko kung ano na ang gagawin niya, naramdaman ko ang mahinang pagdamyos ng hangin sa aking pisngi maging ang pag galaw ng buhok ko sa pagkahulog ng aking balabal. Hinila niya ako. Kaagad akong nakaramdam ng malambot na pares ng langit.
Ang lambooot!!!!
'' bakit mo ako hinila! '' singhal dapat ng isang tigre ang gagawin ko pero nauwi ito sa singhal ng isang kuting (meow.)
Wala na talaga, there's something wrong with me everytime I am near her.
'' next time huwag kang haharang harang sa parada '' itinuro niya ang papalapit na parada gamit ang nguso niya.
The awkward thing is that we're facing each other, so namula ako dahil akala ko gusto niya akong humalik sa kanya. And the worst thing ever to think of? muntik ko ng gawin.
Oh my God!!🙀🙀🙀(kahiya talaga).
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Pag-ibig (gxg)
RomansaIt was started with a '' hi '' and '' hello '' and then Our roller coaster ride of love for A WEEK began. Started : Feb. 3 , 2019 Ended : Feb. 13, 2019