Chapter 15

263 12 0
                                    

- Hana -

'' frans matagal ka pa nangangati na ako '' tanong ko kay frans na naliligo sa banyo. Pinauna ko na at ako ang nagpresenta na magluto ng dinner naming dalawa.

'' malapit na po '' sagot naman nito.

Malamang nagbabanlaw na siya dahil wala ng tigil ang pagbuhos ng tubig sa gripo. Hindi ko tuloy mapigilan na ma excite, makikita ko kasi ang katawan niya na nakabalot lang sa tuwalya.🤗

#pervertalert

Habang naghihintay ay may nahagip ang aking paningin. Ang malaking itim na bag ni frans. Nakalagay lang ito sa sulok and to think of it, hindi ko pa nakikita na binuksan niya ito sa harap ko.

Lumapit ako sa bag. Napansin ko na lang na may nakaumbok na kung anong bagay na mukhang matigas. Tumingin muna ako sa direksyon ng banyo bago ko kinapa. Hindi pa rin naman tapos si frans.

Masilip nga.

When I got a direct contact I proved na matigas nga at medyo pahaba ang kung anong bagay ang nasa loob. My forehead creased. I unzipped the bag and the moment I saw what's inside was the exact moment na pinagsisihan ko. Sana hindi ko na lang pala binuksan.

Biglang sumakit ang dibdib ko and my eyes got teary. I can't believe that she's one of them.

- Frans -

'' bakit ang tahimik mo? may problema ba? '' tanong ko sa katapat ko na kanina pa hindi nagsasalita.

Nakabihis na ako, nakaligo na rin siya at kumakain na kami yet she's not saying anything.

'' hana what's wrong? '' mahinahon kong saad.

katahimikan

Aabutin ko sana ang kamay niya pero bigla niya itong nilayo.

'' hana? ''

katahimikan

'' hana please kausapin mo ako ''

Imbes na may mamutawi na mga salita sa kanyang bibig ay sunod sunod na patak ng mga luha ang bumagsak sa kanyang mga mata.

I panicked, tatayo na sana ako to comfort her pero bigla siyang sumigaw.

'' SIT DOWN!!!! ''

Kahit naguguluhan ako sa inaasal niya ay sumunod ako. Umupo akong muli. Nakamasid lang at nakikiramdam sa nangyayari. Yung kuting ay naging isang malaki at mabangis na tigre. Si david ay naging si goliath at ang langaw ay naging bubuyog.

Mukhang hahalo ang balat sa tinalupan.

'' A...ano ba ang problema? '' halos pabulong kong sambit.

'' Kailan mo sasabihin sa akin? '' kumunot ang noo ko.

'' O may balak ka bang ipagtapat sa akin ang lahat? ''

'' huh? a..ano ba --'' pinutol niya ang sasabihin ko. Galit at malakas niyang pinukpok ang pareho niyang kamay sa mesa at tumayo.

''BULLSHIT FRANS ALAM MO ANG TINUTUKOY KO!!!! ''

'' you....you have, y...yo... you've saw? '' putol putol at nangangatal kong saad.

Tumingin ako sa plato na nasa harapan. I can't look at her, ayaw kong makita na galit siya.

'' Alam mong ayaw ko sa tatay ko dahil he's god damn mad, ayaw ko sa masasamang tao frans but it turns out na isa ka sa kanila! '' hikbi niya.

I meet her gaze. What I've saw broke me. Namumula na ang buong mukha niya sa galit at pag iyak.

'' I am not '' mahina lang ang pagkasabi ko.

'' YOURE NOT?! SO ANO ANG NAKITA KO SA BAG MO? TOY GUN??? HINDI AKO TANGA FRANS ALAM KONG TOTOONG BARIL YUN. AND GUESS WHAT I'VE SEEN THREE!!! '' binalibag niya ang baso sa pader.

Umalingawngaw ang ingay ng nabasag na baso sa paligid. Wala akong ibang magawa kundi ang tumingin sa nakayukom kong mga palad na nakapatong sa hita. Hindi na rin mapakali ang pag indayog ng tuhod ko sa sobrang kaba at takot na baka kamuhian niya ako.

Alam ko naman kung saan niya hinuhugot ang galit. I lied to her pero wala naman akong choice. Kung meron ay di sana hindi ko pinili kung ano ako ngayon.

'' hana please, wala lang akong choice ''

'' We all have choices, we have options pero mas pinili mo ang maging masama, ang gumawa ng masama. I thought you're different from them. Akala ko iba ka. Pero sabi nga nila EXPECT THE UNEXPECTED 'COS  LIFE IS FULL OF SURPRISES.  Congratulations Frans you just proved those to me ''

I know she's hurting, wala pa rin humpay ang pag iyak niya. Nakatingin siya sa akin pero wala akong ibang makita doon kundi galit, sakit at pagkabigo. Ito yung moment na ayaw kong dumating pero hindi ko hawak ang oras at mapaglaro ang kapalaran. I am at the finish line.

Yumuko ulit ako.

'' I'm sorry '' pigil na pag iyak kong sambit. Nanatiling nakayukom ang aking mga palad at halos masugat na ng matatalas kong kuko.

'' I don't get the logic why people say they sorry pero umuulit pa rin naman at ginagawa pa rin nila ang mali. So tell me frans, are you worth it para tumanggap ng pagpapatawad? It won't reverse anything. Sorry means nothing kung hindi mo gagawin ang tama. ''

Umangat ako ng tingin. Tumitig sa mukha niya as I nod my head. And to this point, alam ko na ang pipiliin ko.

Gagawin ko ang tama.

Isang Linggong Pag-ibig (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon