Chapter 8

357 14 0
                                    

- Hana -

'' san tayo pupunta? '' tanong sa akin ni frans.

Matapos naming dumalaw sa isang kaibigan ko dito ay napagpasyahan naming magkape. Matapos yun ay tumungo kami sa isang mini resto bar. Alam niyo na inom inom saglit. Wala naman pinagbago ang San mateo kung anong hitsura nito noon ay ganun pa rin ngayon. Parang napag iiwanan sa ibang salita. So eto na nga nakaramdam ako ng pagkauhaw pero hindi sa tubig, ang tagal ko na rin na hindi nakatikim at nalalapatan ng likido na may kakaibang lasa ang lalamunan ko.

I ordered, dalawa lang muna tig isa kami ni frans kaso ayaw uminom.  Maya maya ay naging kj siya, saway ng saway  dahil nakaka lima na daw ako - limang bote ng beer. Hindi niya alam hindi ako kaagad nalalasing. Pero dahil nagpupumilit na siya ay di umayaw na ako kahit ramdam ko pa ang uhaw sa alak.

'' hana san pa ba tayo pupunta? '' ulit na naman niya. Nagpahid pa ito ng kamay sa pants. Hindi ko tuloy maiwasan na padalaydayan ng tingin ang mga daliri niya maging ang kanyang mga hita. Agad ko din naman itong binawi.

Imbes  na sumagot ako ay hinila ko siya papasok ng isang barong barong, ay mali lumang gusali pala. Iba na ang paningin ko eh, char!

'' tara magpahula  tayo ''

'' hula? psssh naniniwala ka ba dun? ''

'' oo naman, wala namang mawawala eh diba '' sagot ko, nagkibit balikat lang siya.

'' tara na '' ungot ko at hinila ko na siya sa isang kwarto.

Sumalubong sa amin ang dilim ng paligid. Isang 5watts lang ng bumbilya ang nasa loob, pang horror ang datingan tapos amoy anay at kahapon pa. Luma na kasi itong gusali kaya ganito na ang amoy. Pero nakakatakot talaga. Parang anumang oras ay may hahablot sa amin, sasaksak at kakatay sa mga sexy naming katawan...gosh!😨

Subalit ang iniisip ko ay pumutok ng parang bula ng may mag salita, medyo mahinahon ang boses kaya nabawasan ang pagkabahala ko.

'' pasok mga binibini '' bati sa amin ng babae na parang edad 40's.

Lumapit na kami at umupo. Hinila ko pa nga si frans dahil ayaw niya daw talaga.
Yun lang ng binantaan ko siya na hindi papansinin ay agad itong naupo. Takot pala eh😉.

'' so ano ang gusto niyong malaman? '' tanong ni ate.

'' lahat po '' intrimitida kong sagot.

'' mahal kapag ganun iha ''

'' ganun po ba, okay I don't have cash. Siguro enough na po itong kabayaran ''

Nilabas ko ang gintong kuwintas. Nakita ko na nanlaki mga mata ni ateng manghuhula . Hindi rin naman nagpatalo sa tingin si frans. Kung mala platito ang mata ni ate, plato ang kanya.

'' ginto ba yan?? '' kinuha na ni ate ang alahas.

'' sige madali akong kausap '' ngingiti ngiti pa ito.

'' ayy saglit po, medyo nakainom na po kasi itong kasama ko so pera na lang po okay, '' kinuha ni frans yung ginto sa kamay nung manghuhula at siya'y dumukot sa bulsa.

'' it's 5 thousand siguro naman sobra pa yan kahit maka tatlong balik kami para sa hula ''

Nawala man ang ngiti kanina ni ate ay agad din naman itong naibalik. Mukhang pera ata to si ate aha, mga tao nga naman tsk!

'' halika nga muna '' diin na bulong ni frans sabay hila sa akin sa may pinto. Sa pinto na parang pinagkaitan na ng panahon.

'' what? ''

'' anong what, sira ka ba ba't ba tayo nandito? ''

'' ikaw ang mas sira ngayon ka pa nagtanong kung kailan nasa kanya na ang pera mo '' ngumisi ako. Tinapik tapik ko rin na may pangangantyaw ang pisngi niyang ang saraaap panggigilan.

Isang Linggong Pag-ibig (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon