- Hana -
Iminulat ko ang aking mga mata sa lugar na akala ko ay hanggang sa dulo ay magiging masaya. I thought nananaginip lang ako. Frans saying words to me while sleeping.
She told me na mahal na mahal niya ako. That she did what she did dahil pinili niya yun and I was right. She was about to give up pero nagbago ang isip niya at nagawa niyang tumakas, kung saan? hindi ko rin alam. Wala daw kahulugan ang buhay niya before she met me.
At tama raw ako oo masama siya. She did things na wala sa libro ng kabutihan, pero kung ang pagiging masama ang magiging dahilan para magkakilala kami ay wala siyang pinagsisisihan. And she's willing to choose the wrong side over and over again if it means days of us being together. If it means na magmamahal siya kahit sa ilang araw lang. If it means na mararamdaman niya na kumpleto siya. And if means that despite of all things she have gone through, nabigyan siya ng pagkakataon na mabuhay muli dahil sa totoo matagal na siyang patay.
Bumangon ako and realised that my dream was the reality. Umalis na si frans. She left the gold necklace beside me with a written note of...
I'll do the right thing. I promise.
----------------------------------
'' hoy friend saan ka ba nagsususuot at umitim ka ata '' si frank, yung kaibigan kong bakla kasama si faye isa pa naming kaibigan.
Nagpasundo na ako sa kanila. Wala na rin akong rason para manatili pa sa bahay ni auntie. Lahat ng kanto wala akong ibang makita kundi siya, pati pagsilip sa dagat si frans pa rin, maging ang mga piraso ng baso na binato ko kagabi ay nasa sahig pa rin. Nakakalat na animo'y tumatawag sa akin para masaktan muli.
'' Wala dito lang naman, site seeing '' walang gana kong sagot habang sumasakay sa backseat ng kotse.
'' okay ka lang ba.? '' tanong naman ni faye na siyang driver namin.
Tumango lang ako. Wala akong maramdaman kundi kalungkutan. Oras pa lang ang nakakalipas subalit nangungulila na ako sa kanya. Pinapaalala pa sa akin ni frank at faye si frans, puro kasi letter f ang simula ng mga pangalan nila.
Hay.
Nagsimula ng umandar ang sasakyan at habang nasa byahe ay binuksan ko ang maliit na tv sa likod ng passenger seat. Walang humpay ang daldalan nung dalawa sa unahan. Akala mo ay ngayon lang nagkita.
Eksakto naman na balita na hindi ko binibigyan ng halaga ang bumugad sa tv, kaya mas lalo akong nainis. Ililipat ko na sana ng channel when I saw something, rather someone interesting. Pinanuod ko ang sinasabi ng news anchor.
Nang matapos ang balita...
'' Faye sa bahay tayo '' gulat siyang lumingon sa akin.
'' bahay mo o bahay niyo talaga? ''
'' Bahay ni dad ''
'' sigurado ka girl??? '' si frank.
Halatang halata ang pagkabigla sa mukha ng dalawa kong kaibigan.. This is my first time in 6 years na tutungtong muli sa bahay ng kinamumuhian ko. But I have a plan to carry on.
So yes I am hella sure.
'' affirmative '' ngumisi ako ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Pag-ibig (gxg)
RomanceIt was started with a '' hi '' and '' hello '' and then Our roller coaster ride of love for A WEEK began. Started : Feb. 3 , 2019 Ended : Feb. 13, 2019