- Frans -
Nang sumakay ako ng bus wala akong ibang nakitang bakante kundi dun sa magandang babae. Unang kita ko pa lang ay talagang nabighani ako. Hindi ako tomboy ha, well sa pagkakaalam ko. Pero ngayon tingin ko baka nga.
Tama nga siguro yung mga tsismosa sa amin dati. Si aleng trining, yung may ari ng tindahan sa kanto at ang dakilang tsismosa. Palagi na lang ang bukam bibig ay ako- kesyo ang ganda ganda ko daw tapos baril barilan ang hawak ko imbes na manika. Mas gusto ko pa ang habulan kesa bahay bahayan. Nakikipagsuntukan rin daw ako. Hindi daw ganun ang dalagang pilipina, dugtong pa ni aleng choleng, yung kumare niya na wala ng ginawa kundi ang mag hithit ng sigarilyo mapa umaga, tanghali at gabi. Wala na nga silang makain eh puro pa bisyo ang inaatupag.
Sa araw araw na ginawa ng diyos. Simula 7 years old ako hanggang sa magdalaga kahit hindi ko na kalaro sina bentong at baldo, isama mo pa si kardo eh ganun pa rin sinasabi nila. Grabe kung maka judge. Ay bahala naman sila, basta ako gusto ko katabi si miss.
Nakabuo ako ng plano sa isip ko.
Lakas loob akong lumapit sa kanya, tinanong ko pa siya kung pwedeng tumabi. Aba akalain mo bago pumayag pinasadahan niya muna ako ng mapanuring tingin. Nailang tuloy ako ng very very slight. Pero mabuti at pumayag rin naman.
Unang plano makatabi siya - 👍🤗
Akala ko kapag nakatabi ko na siya ay magiging mas smooth ang lahat yun pala hindi, ang ilap niyang kausap at para siyang may sariling mundo. Naka earphone at nakatingin lang sa labas ng bintana. So kinalabit ko siya, naka dalawang try pa ako bago ito lumingon. Hay. Ang hirap pala magpapansin.🤦♀️
I gestured her to remove her earphone and thankfully she did (yes!)
I introuduced myself to her sabi ko ako si frans, pinaganda ko pa ang pagkabigkas ko para naman iba yung dating ahahaha. Pero ang ilap ng pagkakataon sa akin. Ang suplada. Binigay niya nga yung name niya Hana daw, ang pinakamaganda ng pangalan na narinig ko, kasing ganda niya (hay actually ako yung kinilig talaga, pakunwari pa ako na sinabi kong siya.)
It's weird kasi hindi naman ako ganito kahit dati pa, hindi ako madaldal at hindi ako palakausap ng katabi pero kay hana hay ano ba yan may iba eh (kinilig ulit)
Nagsimula ulit ako ng usapan.
'' san ang destinasyon mo? '' tanong ko.
'' san mateo ''
'' ako naman san martin '' sinabi ko na lang din yung akin kahit hindi niya tinatanong.
'' magkalapit lang na bayan yung dalawang yun, yun nga lang may kalayuan ang byahe ''
'' talaga ba? mabuti na lang hindi ako maboboring dahil ikaw ang katabi ko, dalawang oras din ang travel diba? '' turan ko kahit alam ko namang apat talaga.
'' oo dagdagan mo ng dalawa pa so apat, 4 hours ang byahe at bakit wala ka bang balak patahimikin ako? '' direkta nyang saad.
Tsunget!
Pinilit ko pa rin makipag usap sa kanya pero mukhang ayaw niya talaga. May pagkamagaan din ang kamay niya nahampas ako agad eh tapos ako pa yung sinabihan niya na madaldal at sinisi sa lahat. So sabi ko na lang hindi ko na siya guguluhin.
Bumalik na siya sa dati niyang ginagawa. Ako naman ay naghanap ng maaari kong gawin. Una nag bibilang ako sa isip ko, naka isang libo na ako pero wala, napapatingin pa rin ako sa babaeng katabi ko. Ang lakas ng enerhiya niya, parang hinihila ako parati papalapit sa kanya o tumingin.
Lihim ko siyang pinagmasdan, mahaba ang buhok niyang kulay takip-silim, naka pony tail ito. Hindi ko makita ang kulay ng mata niya dahil sa suot niyang salamin. Naka long sleeve siya na itim at itim din na fitted pants. Medyo payat siya sa akin, parang malnourished (natawa ako sa naisip ko), pero biro lang yun pang model ang katawan niya. Kung ako naka tsinelas siya rin naman, uyyy meant to be kami (ayie!).
Naisip ko tuloy kung anong gagawin niya sa pupuntahan niya kasi wala naman siyang dala bukod sa maliit na messenger bag. Samantalang ako ay pati na ata kama at kusina ng bahay ay bitbit na.
Kahit gusto ko pa siyang titigan ay pinagbawalan ko na ang sarili ko dahil hindi ako pwedeng ma side track. Kailangan ko makarating sa lugar kung saan walang nakakakilala sa akin. Sumang ayon na ang katawang lupa ko sa naisip ko. Pero isang nakakalokang pangyayari ang naganap. Inantok ako.
Napaka minor case lang naman ng ganitong senaryo sa kahit anong pampasaherong sasakyan. Ang hindi normal ay ng makuryente ako ng lumapat ang ulo ko sa balikat niya. Like normal ba yun? hindi diba.
Agad siyang napalingon kaya nagpanggap akong tulog na talaga. Sa bagay gusto ko rin naman, kasama nga to sa mga plano ko sa byaheng to with this beautiful gal.
I thought tatanggalin niya ang ulo ko pero iba ang nangyari, mas inayos niya pa pagkakahilig ng aking ulo. Tinanggal niya rin ang mahuhulog ko ng sumbrero. Kahit pa nakapikit ako ay ramdam ko na nakatitig siya sa akin.
Halos marinig ko na rin ang pagkabog ng dibdib ko. Yung nagdodoble? o triple? ganun.
hala bakit ganito???
Imbes na makapag focus ako sa pagtutulug tulugan ay hindi ko na nagawa. Nagsimula ng mamawis ang aking mga kamay at pinagpapawisan na rin ako ng bahagya sa gawing noo. Gumalaw siya ng kaunti, parang umikot yung katawan niya at may dinukot?? ewan kung ano yun. Maya maya ay naramdaman ko na may dumampi sa may noo ko.
Ayyy pinunasan niya ako. Syete!!! kinikilig na naman ako wooooo thank you pooo lord!!!!!
Nagpatuloy ang byahe namin at yung pagkukunwari ko ay natuluyan na. Nakatulog na ako sa balikat ng babae sa bus na mala dyosa sa ganda.
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Pag-ibig (gxg)
RomanceIt was started with a '' hi '' and '' hello '' and then Our roller coaster ride of love for A WEEK began. Started : Feb. 3 , 2019 Ended : Feb. 13, 2019