Chapter 12- Biyernes (Ay puno ng Pagmamahalan)

346 14 0
                                    

- Frans -

'' can I touch this? '' tukoy niya sa flat tummy ko. Medyo nakaangat kasi ang tshirt ko ng bigla akong humiga sa kama. Nakashorts lang din ako na mas nakapag pasexy pa sa akin.

Matapos ang pag uusap kagabi ay pumayag ako na sumama siya. Kung may nalaman pa akong ugali niya ay yun ang pagiging stubborn, kaya wala na rin akong magawa kundi isama siya sa muling pagtakas at pagtago.

Naalala ko na nabanggit ng nanay ko dati na may kakilala siya dito sa brgy. Marcelino, anim na oras ang layo from san mateo kaya naisip ko na dito kami tumungo. Mabuti na lang at napakabait ng kaibigan ni nanay at pinatuloy kami sa isa niyang bahay. Konkreto ito at kumpleto sa kasangkapan. Hindi katulad sa san mateo na puro alikabok ang paligid, dito ay nasa tabi ng dagat. So yes fresh air. Salamat naman.

'' sure '' walang ilang kong sagot kay hana. She smiled seductively and started to touch my stomach.

Nakakakiliti na nakakakuryente. Iniikot ikot niya ang kanyang daliri palibot sa aking pusod tapos titingin sa akin. Yun pa nga lang ang ginagawa niya ay napapasinghap na ako. Nakaupo siya sa gilid ko hanggang sa tinapat na niya ang kanyang katawan sa akin at ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko na napansin na tumigil na pala siya sa kaninang ginagawa.

'' can i kiss you? '' walang kagatol gatol nitong tanong. Husky pa ang boses niya kaya tumalbo na ng tunay ang kaluluwa ko.

Sobra ang nararamdaman kong kilig at tuwa like wtf oo naman pwedeng pwede!!!!!😍😍-siguro ganyan na ang mga mata ko. Si hana naman kasi nakagat labi pa rin. urgh!!!!!

Ang isinisigaw ng utak ko ay hanggang dun na lang, para kasing naka duct tape ang bibig ko at hindi na makasalita. Dumagdag pa sa nagrarambulan kong sistema ang halos magdikit na naming mga labi. Imbes na magsalita ay tumango na lang ako.

Napangiti muna siya at tumitig, yung titig na nanunuot sa kaluluwa hanggang ayaaaan na...malapit na, magdidikit na in 3, 2 --

'' FRANS NANDITO KA BA????!! '' may biglang sumilip sa bintana. Naitulak ko tuloy si hana gawa ng gulat at nahulog ito sa sahig. Kung hindi ko kasi nasabi yung bintana na tinutukoy ko ay dito mismo sa kwarto.

Napaupo ako kaagad at inayos ang damit.

'' OHh auntie bakit po? '' kabado kong tanong, baka kasi nakita niya kami ni hana.

Mabuti na lang napansin ko na hindi niya suot ang salamin sa mata kaya nakahinga ako ng maluwag. Malamang wala siya nakita kung meron man, malabo haha(pagtawanan ba naman?).

Imbes na sumagot si auntie ay naaninag niya si hana na tumatayo. Mas pinaningkit pa nito ang kanyang mga mata para masigurado.

'' si hana ba yan? ''

'' ahm opo auntie '' sagot ni hana na pumapagpag ng dumi niya sa pwet.

'' ano namang ginagawa mo sa sahig? '' bago ito sumagot ay umirap muna ito sa akin.

'' may nahulog po kasi ako pinulot ko lang '' pagsisinungaling niya.

'' ah ganun ba?  ''

'' eh auntie bakit po? may sasabihin po ba kayo? '' singit ko.

'' sasabihin ko lang na nagluto ako kung hindi pa kayo kumakain ng almusal, punta kayo sa kabilang bahay '' alok niya sa amin.

'' ganun po ba, sige po auntie punta po kami. Salamat po '' ngumiti ako. Ganun
din si auntie bago na nagpaalam sa amin.

Nang alam ko na kami na lang ni hana ay lumingon ako. Nagulat ako ng bigla niyang  pinitik ilong ko.

'' aray para san naman yun? '' reklamo ko sabay hawak sa namumula kong ilong.

'' nagtanong ka pa, para san pa ba? '' singhal niya sa akin na nakapa meywang pa.

Alam ko naman kung ano yung tinutukoy niya. Ang sakit nung pagpitik niya pero ewan ko ba, kapag nagsusungit siya or nagagalit ay wala akong magawa kundi ang mapangiti. Imbes nga kasi tigre ay nagigi siyang kuting.

'' at anong nakakatawa?? '' inis niyang saad.

'' wala naman ang cuute cuute mo kasi '' tumayo na ako sa kama at pinisil ko ang magkabila niyang pisngi.

'' cuuute cuute '' ulit ko.

Hinampas niya ako sa kamay pero imbes na matanggal ng tuluyan ay dumiretso lang ito sa bewang niya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ibinaon ang mukha sa leeg ni hana.

Hindi ko alam kung anong nangyari bigla. Nakaramdam kasi ako ng pagkalungkot. Naalala ko na ang tagal ko na palang mag isa.

Lumaki ako sa nanay ko, nakapag asawa siyang muli nung mamatay si tatay. Nagka anak sila, babae rin. When i turned 15 dahil sa hirap ng buhay ay natuto na akong kumayod, imbes kasi na yung stepfather ko ang magtrabaho ay wala na itong ginawa kundi ang sumugal at uminom. Nagkabaon baon kami sa utang. At isang araw nang ako'y umuwi, nadatnan ko na lang na duguan na si nanay at ang kapatid ko, wala ng buhay. Tinadtad sila ng bala ng baril. And take note base sa nakalap kong balita tumakas lang daw ang hayop na tatay tatayan ko na siya talagang hinahanap ng mga kriminal. That was the most painful event in my life.

Napansin ni hana ang bigla kong pagtahimik.

'' frans may problema? '' umiling lang ako. Hindi siya naniwala hanggang sa iniangat niya ang aking mukha mula sa kanyang leeg.

'' bakit? tell me '' napakaamo ng mukha niya and i feel her sincerity.

Pinigilan kong maluha at ikinuwento ko sa kanya. She patted my back, she does everything to comfort  me.

'' don't worry from now on you have me, hindi ka na mag iisa pa. '' pinisil niya ang baba ko at idinikit ang labi niya sa labi ko.

Mabilis lang yun pero yung enerhiya ramdam na ramdam ko na nakaikot ng sampung beses sa buo kong katawan. Oo ganun kabilis. Kaagad rin napawi ang lungkot ko ng pinagsiklop niya ang aming mga kamay. Hindi pa dun nagtapos hinalik halikan niya rin kasi ito.

Waaaah!! ano ba kaseee yan (ipit ng buhok sa tenga.)

Nakatunganga pa ako sa hangin ng hinila na niya ako.

'' tara na hinihintay na tayo ni auntie '' yun lang ang narinig ko pero hindi naman talaga ito rumihistro sa utak ko.

Basta ang alam ko lang kasi ay kinikilig ako.

Isang Linggong Pag-ibig (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon