Chapter 14 - Sabado (Tayo'y biglang nagkatampuhan)

343 10 0
                                    

- Frans -

I am looking down at her as she continue to be driven off from the reality. Sleep is like a portal. Portal to a safe world or to not, choose. Oh how i wish we can.

It also gave us a moment to be at rest, in another definition to die temporarily. And each waking days it has to be always another day to celebrate. Kaya naman inaabangan ko siyang magising.

I want her to see my face the moment she open her eyes. I want her to feel how important she is to me, that I really adore her and  that I really love her.

She's still looking at peace. Nangingiti na lang ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang napakaganda niyang mukha. Mukha siyang anghel na marunong gumamit ng granada. Isa rin siyang munting kuting na feelingera na maging malaki at mabangis na tigre.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi, marahan at masuyo, may pagpipigil para maiwasan na siya'y magising. I was memorising her feature ng mapansin ko na may pumatak na isang luha sa kanan kong mata.

When tears started from this side it means that it's due to happiness whereas when it comes from the left it means that you're lonely.

Dati hindi ako dun naniniwala until it happens to me. Simula ng dumating siya my world started to have new meaning, nagkaroon ng kulay ika nga. The grey to dark colors become pink and yellow, the dull moments turned enliven. Simula ng dumating siya I feel so much alive.

I leaned forward to kiss her forehead and a little downward for her bare shoulder.

'' Thank you for making me happy '' bulong ko sa kanya. Animo'y naintindihan niya ang sinabi dahil bigla siyang ngumiti.

Tumingin ako sa wall clock. Ala-syete pa lang pala ng umaga madalas nagigising siya ng alas otso. May naisip ako, ipaghahanda ko siya ng almusal. Marahan akong bumangon at bumaba na ng kama.

Eksakto naman na pagbalik ko ay gising na ang mahal na reyna. Nag iinat inat ito at ang laki ng paghikab. Naniningkit pa ang kanyang mga mata ng tumingin sa akin.

'' goodmorning, gising ka na pala '' bati ko.

'' goodmorning '' ngumiti siya ng pagkatamis tamis.

'' I made you breakfast '' nilapag  ko na ang dala kong tray na may isang pirasong pritong itlog, hotdog, fried rice at may bulaklak sa gilid. Ginawaran ko siya ng matamis na halik sa labi.

'' mmmm di pa ako nagtotoothbrush '' tinakpan niya ang kanyang bibig.

'' okay lang nagtoothbrush na mana ako. ''

'' nung konek?!!!'' natawa siya bigla.

Ang korni ko talaga minsan eh.

'' ganun naman ang mga bagay bagay, madalas hindi konektado parang tayo....'' I giggled  '' dati '' pahabol ko pa.

Hindi na niya napigilan pang tumawa ng malakas.

'' alam mo ikaw ata ang gutom kung ano ano nang sinasabi mo ''

Pinalo niya ng mahina ang braso ko atsaka tumayo at pumunta ng banyo. Mabilis lang ang naging pagsipilyo niya. Nang siya'y makabalik ay sinimulan ko na siyang subuan habang nagkukulitan. Sa mga sandaling ito ay ayaw ko ng umikot ang oras dahil sa tuwing kasama ko siya wala akong ibang maramdaman kundi puro saya.

But the sad truth lahat naman ay dumarating sa finish line.

- Hana -

'' frans gusto ko yun oh '' parang bata kong turan habang tinuturo ang cotton candy (lawa-lawa).

'' alin? ''

'' yun oh ''

Gamit ang kaliwa kong kamay tinuro ko ulit ang lalaking gumagawa na nakapuwesto sa tapat ng eskwelahan. Yung kanan kasi ay busy sa paghawak sa kamay ng girlfriend ko.

Awww maka girlfriend, feeling si 'te.

Hay I'm inlove💘

'' sige tara ibibili kita ''

Lumapit kami sa tindero at agad niya akong binilhan. Nagmahal na nga dati a dos lang to eh tapos naging limang piso and now sampu na?? Ang mahal na talaga ng mga bagay bagay, laki ng tax. Wala naman ibang proyekto kundi ang walang katapusan na ROAD WIDENING.

tsk!

'' ang mahal na nito noh '' tukoy ko sa kinakain. Kumuha ako ng kaunti at isinubo sa girlfriend ko (waaah kinikilig ako).

'' hindi ah ang mura kaya, mas mahal ka- kita '' kumindat siya sa akin. Tuloy talo ko pa ang clown na may pintura na naka smile at bulate na nabudburan ng asin.

'' anyare sayo di ka mapakali dyan.. '' ngingiti ngiting tanong niya na aware naman na kinikilig ako.

'' ikaw kasiii eh '' kinurot ko siya ng mahina sa braso.

Naku ang babae talagang ito napakalakas ng epekto sa akin.

Naglakad lakad na kami pauwi. Syempre magkahawak kamay pa rin. Ang PDA  pero magrereklamo pa ba ako? mahal ko naman ang ka Holding Hands while Walking kaya deadma na.😉

Ang Limang minuto na paglalakad pauwi ay naging kinse, bente minutos pa nga ata. Pano ang harot harot ni frans. Ang korni korni pa ng mga jokes na nakapagpapatawa naman sa akin, kasunod nun ay umupo muna kami dahil nanghihina na ako sa sakit ng tyan. Wala pa rin humpay ang aking pagtawa. Hanggang sa isinakay na niya ako sa likod na parang bata.

Unang beses na may gumawa sa akin nito, even my father does not. Hindi namin alintana na pinagtitinginan kami ng iba pang naglalakad, basta masaya kaming dalawa, wala akong pakialam, ganun rin naman siya.

Ngayon lang ako naging masaya kagaya ng nararamdaman ko. Siya ang unang tao na naging dahilan para ngumiti ako ng ganito. Kung siya ang magiging dahilan para patuloy akong lumaban sa mapangahas na mundo. I am happy to do so.

Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya and give her light kisses.

'' frans? ''

'' hmmmmm.., ''

'' don't leave me okay '' I plead.

I feel her body stiffed pero kaagad din namang lumambot saka siya sumagot.

'' I won't ''

'' promise? ''

'' p...promise '' may pag aalinlangan niyang sagot.

Matahimik pa rin kaming naglalakad pauwi ng bigla siyang nagsalita.

'' hana? ''

'' yes? ''

'' papano kung hindi ako yung tao na gusto mo talaga? '' naging palaisipan sa akin ang sinabi niya. Hindi ko makuha kung ano ba ang gusto niyang iparating.

'' meaning? ''

'' hmmm basta, parang hindi pala ako katulad ng iniisip mo. Mamahalin mo pa rin ba ako? Matatanggap mo pa rin ba ako? ''

Sa pag iisip ko ay hindi ko na napansin na nakauwi na pala kami. Ibinaba na niya ako mula sa kanyang likuran. Tumapat siya sa akin at pinaghiwalay ang magkadikitan ko na kilay.

'' huwag mo na yun isipin, tara pasok na tayo '' ngumiti siya at inayos ang buhok ko bago nagpatiuna sa loob ng bahay.

Pinagmasdan ko lang si frans. Kahit sinabi niya na huwag ko ng isipin ay hindi ko ito mawaglit sa aking isipan.

Ano nga ba ang ibig niyang sabihin??

Ano nga ba?

Isang Linggong Pag-ibig (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon