Chapter 9 -Huwebes (Ay inibig din kita)

345 12 0
                                    

- Frans -

Ang sakit, ganito ba ang heartbreak? guys ganito ba talaga?? talagang nadurog ang puso ko eh.

'' Gusto kita ''

'' Goodnight ''

Waaaaaah!!!!! ang tsakeeeet!!! Goodnight ang sagot niya sa sinabi kong gusto ko siya. 😭😭😭💔💔💔💔.

Naiiyak pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang sinagot niya sa akin. Hindi niya lang alam na grabe ang niluha ko kagabi, wala na rin na mas hihirap pa sa umiyak ng walang ingay. Hindi naman ako uhugin nung paslit pa lang ako pero ngayon naging na.

Siguro nabigla ko siya kaya ganun, kaya goodnight lang ang sagot niya. Hay nag iba tuloy ang dating sa akin ng salitang goodnight, katumbas na siya ng isang matalim na kutsilyo 🔪🔪🔪. Nakakahiwa at pakiramdam mo ay mamamatay ka sa sakit.

Kahit ayaw ko pang bumangon ay kailangan na rin, tanghali na rin kasi.

Papasok na sana ako ng banyo ng biglang bumukas ang pinto. Lumabas si hana na nakatapis lang ng tuwalya.

'' Ayyy butiki!!! ''

Napako ako sa kinatatayuan ko at pasimpleng tumingin sa maputi niyang balat. May butil rin ng tubig na pumapatak mula sa kanyang buhok pababa, at yung iba ay pumapasok sa loob ng tuwalya.

Nakaligo na siya kaagad? ni hindi ko siya nakitang dumaan kanina ah..

'' butiki? maka butiki ka diyan! '' usal ko. Saglit kong kinalimutan ang sakit ng kahapon, ayy kagabi lang pala. Hinawi niya ako patabi.

Parang ang sungit niya ngayon, meron ba siya?

Tinawag ko siya ng hindi ko sinasadya.

'' hana? ''

'' what?! '' pinandilatan niya ako ng kanyang mga mata.

Hala masungit talaga, nakakatakot hitsura niya kapag ganito siya.

'' ah ah ah...w...wala bihis ka na ''

'' tsk wala naman pala and fyi that's my original plan - ang magbihis. '' tumalikod na ito at pumasok ng kwarto.

Napakamot na lang ako sa batok at nagsimulang magluto. Mga babae nga naman, hay!

Mas malala siya kumpara sa akin.

- Hana -

Paulit ulit ang pag play ng salitang gusto kita sa isip ko. Hindi ako nito pinatulog hanggang sa mag umaga na. Sa nabwisit na ako kakaikot sa kama. Nagawa ko na ang lahat ng posisyon pero wala talaga kaya naisipan ko ng bumangon at maligo.

Napaurong pa ako ng kaunti pabalik ng kwarto ng mapansin ko na dilat na ang mga mata ni frans. Nagtago muna ako sa gilid at pinagmasdan siya ng tahimik. Nakatitig lang ito sa kawalan at mukhang napakalalim ng iniisip, ni kumurap kasi ay hindi niya magawa. Nakatapat pa naman ang electric fan sa mukha niya so kumusta naman yun diba.

Tinawag ko siya ng bahagya pero mukhang di niya narinig. Kahit inaabot ako ng sobrang hiya at hindi maipaliwanag na nararamdaman ay tinungo ko na ang banyo.

Nakatingkayad akong naglakad, yung animo'y halos ayaw ko iapak buong talampakan ko sa takot na makagawa ng anumang ingay. Nagmadali ako ng makailang hakbang na ang aking nagawa at pumasok ng banyo. I'm safe, agad kong isinara ang pintuan.

Nang papalabas na ako ay saka naman siya bumulaga sa akin. Napasabi ako ng butiki sa sobrang gulat. Kahit napaka amo ng mukha ni frans ay nagkunwari akong galit para matakpan ang kakaibang tensyon na nadarama.

She even called me nung papasok na ako ng kwarto, pero effective ata yung pabalya kong pagsabi ng '' what?! '' medyo lumambot kasi facial expression niya at hinayaan na niya ako.

Matapos yun ay dumiretso na ako ng kwarto para magbihis. Hindi lang alam ni frans pero may kung anong mahika ang dulot niya sa akin. Siya lang ang taong hindi sa akin nagpapatulog, siya lang ang literal na nagka spark sa akin at siya lang din ang naging dahilan para maligo ako ng ganitong oras dahil simula't sapul hapon ko ito ginagawa o di kaya ay gabi. You know para mas masarap matulog.

'' hay frans '' mahina kong sambit sabay iling.

Hindi ko na kasi talaga alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman, she's going to be my death of sanity. Baka tama ang manghuhula.

Gosh I couldn't imagine! bahala na tsk..

Isang Linggong Pag-ibig (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon